Naka-self quarantine na si Senator Bong Revilla, hindi nakasama sa birthday celebration ng anak na si Jolo

by PEP Troika
Mar 15, 2020
Nagdiwang ng kaarawan ngayon si Vice Governor Jolo Revilla (kaliwa), ngunit hindi nakadalo ang amang si Senator Bong Revilla (kanan) dahil naka-self-quarantine pa rin ito, gaya ng seatmate nito sa Senado na si Senator Sherwin Gatchalian (gitna).
PHOTO/S: Jolo Revilla Instagram

GORGY RULA

Malungkot si Senator Bong Revilla na hindi siya nakasama sa munting salu-salo ng pamilya para ipagdiwang ang 32nd birthday ng anak na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla nitong Marso 15, Linggo.

Kasalukuyan pa ring naka-voluntary quarantine si Bong.

Seatmate ni Bong sa Senado si Senator Sherwin Gatchalian, na una nang nag-self quarantine dahil direkta itong nakihalubilo sa Senate hearing sa isang resource person na nag-COVID-19 positive.

Ayaw sabihin ni Bong kung saan siya tumutuloy ngayon, pero ilang araw pa raw siya bago makalabas.

“Kailangan, e. Ang dami naman naming senador na kailangang mag-voluntary quarantine, e.

“Pero hinihintay lang namin si Sherwin na maging okay.

"At kapag negative naman siya, safe na kaming lahat,” pahayag ni Senator Bong.

Sabi naman ni Jolo, ngayon pa lang siya nag-birthday na hindi kasama ang papa niya.

Hindi na rin sila lumabas dahil sa bahay na lang sila nagluto, at kailangan din daw nilang mag-monitor sa COVID-19 situation sa Cavite.

Continue reading below ↓

Happy birthday kay Jolo, at congratulations na rin sa pagkahirang sa kanya bilang Chairman ng National Movement of Young Legislators (NMYL)!

NOEL FERRER

Ibang klase talaga! Lifestyle change ngayong may community quarantine.

Since taong-gobyerno rin si Jolo, maiintindihan niya ang health security ng tatay at pamilya niya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Happy birthday Jolo!

Aside from DOH Secretary Francisco Duque, si Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang gustung-gusto kong mapakinggan dahil sa kanilang informative at kalmadong mga eksplanasyon.

Yung iba, nakakadagdag lang talaga sa ingay!

JERRY OLEA

Parang sirang plaka na ako sa pagsasabing, “Better safe than sorry.”

Unang araw pa lang ito ng community quarantine sa NCR.

Kailangang magsakripisyo tayo. Lahat tayo, tiis-tiis!

Iba talaga ang kasalan, wedding anniversary, at birthday celebration sa panahon ng Covid-19!

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagdiwang ng kaarawan ngayon si Vice Governor Jolo Revilla (kaliwa), ngunit hindi nakadalo ang amang si Senator Bong Revilla (kanan) dahil naka-self-quarantine pa rin ito, gaya ng seatmate nito sa Senado na si Senator Sherwin Gatchalian (gitna).
PHOTO/S: Jolo Revilla Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results