ABS-CBN, "isinakripisyo" ang entertainment shows; GMA-7 dramas, may bagong episodes hanggang March 17

by PEP Troika
Mar 16, 2020
(Top) ABS-CBN primetime shows Ang Probinsyano, Make It With You, and A Soldier's Heart will temporarily be replaced by old drama series; (below) GMA-7 primetime offerings Descendants of the Sun, Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday, and Love of My Life will air new episodes until March 17.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7

JERRY OLEA

Mabilis na “isinakripisyo” ng ABS-CBN ang kanilang entertainment programs.

Hindi sila nagpatumpik-tumpik sa pagdedesisyon na sa unang araw ng community quarantine sa Metro Manila nitong Marso 15, Linggo, replay na ang Kapamilya programs na ASAP Natin ‘To at Gandang Gabi, Vice.

Wala na munang live telecast ang Kapamilya noontime show na It’s Showtime umpisa ngayong Marso 16, Lunes.

Iginarahe ang mga top-rating primetime teleserye ng ABS-CBN starting today.

Sa panahon ng Kuwaresma, makabuluhang ipalabas muli ang 100 Days To Heaven (Mayo 2011-Nobyembre 2011) bilang kapalit ng Pamilya Ko, at May Bukas Pa (Pebrero 2009-Pebrero 2010) bilang kapalit ng FPJ’s Ang Probinsyano.

On The Wings of Love (Agosto 2015-Pebrero 2016) ang ipinalit sa Make It With You.

Ewan kung sinadya na ang iWant digital series ni Julia Barretto na I Am U (2020) ang ipinalit sa teleseryeng A Soldier’s Heart ni Gerald Anderson.

At any rate, nanawagan si Jim Paredes sa ABS-CBN kahapon via Twitter:

Continue reading below ↓

“baka pwede naman na magre-run din kayo sa free TV nung mga educational TV shows ninyo. Nasa bahay lang mga bata. One month of Sineskwela, Hiraya, Bayani will do them good.”

NOEL FERRER

While I am watching the Biden and Sanders Democrats Debate sa TV ngayon, may nag-suggest ding baka puwedeng ipalabas ulit ang mga debate natin noong nakaraang eleksyon—para makita kung ano ang natupad at hindi natupad sa mga naipangako.

Kayanin kayang gawin ito ng ABS-CBN gayong nasa alanganin pa rin ang kanilang franchise?

Doon na lang muna tayo sa safe at instructional na programang pambata at pampamilya.

GORGY RULA

Sa GMA 7 naman, hanggang bukas, Marso 17, pa mapapanood ang mga nakabangkong episodes ng mga drama series nila.

Kaya ngayong araw, pagkatapos ng replay na episode ng Eat Bulaga! ay bagong episodes pa ang mapapanood sa mga top-rated afternoon drama na Magkaagaw (2:30 p.m.), Prima Donnas (3:25 p.m.), at Bilangin Ang Bituin sa Langit (4:15 p.m.), at ang mga "the best" episodes ng Wowowin (5:00 p.m.).

Continue reading below ↓

Pagdating sa GMA Telebabad, pagkatapos ng 24 Oras (6:30 p.m.), kasunod ang mga naka-tape pang episodes ng Descendants of the Sun (7:45 p.m.), susunod ang Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday (8:35 p.m.), ang Love of My Life (9:20 p.m.), at ang The Last Empress (10:05 p.m.).

Maglalabas daw sila update ngayong araw o bukas kung ano na ang mapapanood sa Miyerkules at sa mga susunod pang araw.

JERRY OLEA

Ngayong Lunes ng hapon sa Kapamilya Gold, tuloy pa ang Love Thy Woman.

Nasa huling linggo na ang Sandugo kaya malamang na hanggang Biyernes ay mapapanood ito.

Inaasam kong i-replay rin ng ABS-CBN ang teleseryeng Nathaniel (Abril 2015-Setyembre 2015).

NOEL FERRER

Isa pang hinihintay sa GMA-7 ay kung ano ang tugon nilang tulong sa freelancers na mawawalan ng trabaho ngayong may community quarantine.

Gagawin ba nilang magbigay ng tulong na pampatawid-buhay sa kanilang talents na nasa no-work-no-pay status?

GORGY RULA

Continue reading below ↓

Sa darating na Sabado, Marso 21, ay bagong episode ang mapapanood sa Wowowin, pero walang audience.

May mga bagong segment daw silang ii-introduce kung saan makakasali ang mga nanonood sa kani-kanyang tahanan.

“Meron kaming Tutok to Win na kahit nasa bahay lang sila, puwede silang manalo. Ingat kayo,” text ni Willie sa PEP Troika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Top) ABS-CBN primetime shows Ang Probinsyano, Make It With You, and A Soldier's Heart will temporarily be replaced by old drama series; (below) GMA-7 primetime offerings Descendants of the Sun, Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday, and Love of My Life will air new episodes until March 17.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results