Social distancing, walang epekto sa ikalawang araw ng community quarantine para sa motorists, commuters

by PEP Troika
Mar 16, 2020
Ito ang eksenang nakunan ng Kapuso anchor/journalist na si Atom Araullo sa isang checkpoint sa may San Jose Del Monte, Bulacan kaninang Lunes ng umaga, Marso 16, ikalawang araw ng community quarantine sa Metro Manila.
PHOTO/S: Courtesy of Atom Araullo

NOEL FERRER

Ngayong Marso 16, Lunes, unang araw ng regular work after mag-umpisa ang community quarantine sa Metro Manila, ibinahagi ng aking talent at premyadong journalist na si Atom Araullo sa kanyang social media account ang ilang mga larawang nakunan niya.

Ito ang nakunan sa checkpoint sa San Jose Del Monte, Bulacan na ang sabi ni Atom: “Definitely not ideal for social distancing. Some people have been in line for 3 hours. Only 3 thermal scanners are being used here.”

Continue reading below ↓

Paano na, mahal kong bayan? Ito ba ang ating kahandaan?

Totoong nakakalungkot na ang mahihirap ay walang option ng social distancing.

Paano kaya nila mapapanagot ang ating liderato na dapat nagtatanggol sa kanila?

JERRY OLEA

Tatlong thermal scanner para sa daan-daang katao?

Kalunus-lunos. Kahambal-hambal.

Ang social distancing ba ay para lang sa mga sosy, yayamanin, at social climbers?

Ang mga maralita at ordinaryong mamamayan ay hindi ba sakop nito?

GORGY RULA

Marami pa talagang pagkukulang, pero wala na tayong magagawa.

Magpasalamat na lang tayo sa masipag, matibay, at napaka-resilient ng health workers natin, at military na nagtitiyagang humarap sa mga taong labas-masok ng Metro Manila.

May ilan ngang nahawa na at meron na ring pumanaw.

Magkanya-kanya na lang tayo ng kilos at gumawa ng paraan na meron tayong maitulong para malagpasan natin ito.

Sa halip na maghanap ng diperensya, siguro, ipagdasal na lang natin.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ito ang eksenang nakunan ng Kapuso anchor/journalist na si Atom Araullo sa isang checkpoint sa may San Jose Del Monte, Bulacan kaninang Lunes ng umaga, Marso 16, ikalawang araw ng community quarantine sa Metro Manila.
PHOTO/S: Courtesy of Atom Araullo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results