Pangit na biro ng poging model-actor, narinig sa live lapel mike

by PEP Troika
Mar 17, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Kilig-kiligan ang mga bading na nakakatrabaho ng pogilicious commercial model turned actor.

Malambing kasi si pogi sa mga beki sa produksiyon at game sa pakikipagbiruan.

Maigting ang ambisyon ni pogi na sumikat.

Minsan, sa shooting ng isang mainstream film, habang nagse-set up ang crew ay sinabihan ni pogi ang kapwa aktor na pogi rin pero walang ningning, “Magpahada kaya tayo kay Direk?”

Naka-lapel si pogi, kaya dinig na dinig ito ng premyadong direktor na noo'y nakabantay sa monitor.

Tumili si Direk, “Tigilan ninyo ang ganyang kabastusan! Hindi ko kayo papatulan!”

The WHO ang pogilicious actor?

Bida siya sa isang pelikulang itatanghal sana ngayong summer.

Kaso, dahil sa commqua (community quarantine) sa NCR, postponed ang showing ng kanyang pelikula.

GORGY RULA

Sa panahon ng coronaserye, viruserye o ECQ (enhanced community quarantine), makabuluhan bang dalirutin natin ang hanash ng poging aktor na ito?

Ang tagal na niya sa showbiz, hindi pa rin siya sumikat-sikat.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Ang contagious na tanong... The WHO?

Siya ba ang napipintong sagot sa COVID-19 pandemic?

Ayaw ng World Health Organization ng ganyan!

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results