Christopher de Leon, posibleng nakuha ang COVID-19 sa Love Thy Woman taping

by PEP Troika
Mar 17, 2020
Positibo si Sandy Andolong na malalagpasan ng mister niyang si Christopher de Leon ang pagkakaroon ng COVID-19. Magpapa-voluntary quarantine na rin daw ang aktres sa bahay nila.
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER

I got in touch with Christopher de Leon na nagpunta sa hospital ngayong Marso 17, Martes, ayon sa maybahay niyang si Sandy Andolong.

Ang sabi sa akin ni Papa Bo nang kumustahin ko siya: “All is well, Noel. God is good.”

Ang sabi naman ni Sandy: “Thank you my friend; going home na.

"Bo is confined. Not really in pain, sipon lang, but he has pain sa right side of his back near the ribs because he slipped sa stairs last night. They will do X-ray on him.

“Had myself tested as well. I will know in two or three days.”

Sana talaga, bumuti ang kalagayan ni Papa Bo, ni Sandy, at ng pamilya nila.

JERRY OLEA

Mukhang kailangang magpatingin din si Xian Lim.

Ayon sa source ng PEP Troika, madalas na si Xian ang kaeksena ni Boyet de Leon sa Kapamilya teleseryeng Love Thy Woman.

At any rate, nananalig ang manager ni Boyet de Leon na si Manay Lolit Solis na kakayanin ng aktor ang pagsubok na dulot ng COVID-19.

Continue reading below ↓

Text back ni Manay Lolit sa akin: “Malakas ang faith niya. Na-survive nga niya si Nora Aunor, si Corona Virus pa?! hah hah joke!

Dating mag-asawa sina Nora at Boyet.

Sa tingin ni Manay Lolit, nahawa ba si Boyet sa kung sino mang co-star nito sa Love Thy Woman?

Text niya, “Naku, hindi mo rin masabi. Baka isa sa staff o crew. O baka sa out-of-town show.”

GORGY RULA

Hindi naman ganoon ka-worried si Sandy Andolong nang nakausap ko kanina.

Parang normal daw si Boyet dahil wala itong nararamdaman.

Hindi alam ni Sandy kung saan nakuha ng asawa niya ang COVID-19, pero marami raw kasing pinuntahan si Boyet, at marami itong nakasalamuha lately.

Posible rin daw na sa taping ng Love Thy Woman ito nakuha ng aktor.

Kaya dapat magpa-quarantine na rin daw ang mga nakasama ni Boyet sa taping.

Very positive si Sandy na malalagpasan ito ni Boyet. Wala raw siyang nararamdamang kakaiba.

Continue reading below ↓

Pero magpapa-voluntary quarantine na rin daw si Sandy sa bahay nila.

Nagpapasalamat si Sandy sa lahat na mga nag-aalala at nagdasal na malagpasan nila ito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Positibo si Sandy Andolong na malalagpasan ng mister niyang si Christopher de Leon ang pagkakaroon ng COVID-19. Magpapa-voluntary quarantine na rin daw ang aktres sa bahay nila.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results