FDCP, nais bigyan ng financial aid ang daily wage earners sa film industry

by PEP Troika
Mar 19, 2020
FDCP Chair Liza Dino, bukas sa donasyon mula sa mga artistang gustong tumulong sa no-work-no-pay film workers.
PHOTO/S: @lizadino Instagram

GORGY RULA

May inaayos na programa si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño kung saan magbibigay ito ng financial assistance sa maliliit na film workers na kumikita lamang kapag may trabaho.

Pahayag ni Liza: "We’re creating a program right now under the National Registry to support our film workers, especially yung mga no-work, no-pay.

"Yung hindi talaga sila regular employees. Yung hindi talaga sila nasa payroll ng mga production.

"Ito yung mga nasa low income [bracket]. Kasi, maliit lang talaga ang budget.

"So, we’re reallocating some of our budget to create a fund para rito."

Pinaplantsa na raw nila ang policies.

At kapag maaprubahan ito ng board, sisimulan daw nilang ipamigay ito sa lahat ng film workers na nangangailangan.

Patuloy ng FDCP chair, "Sana in the next days, mapa-approve namin at makatulong tayo kahit konting financial assistance especially sa mga crew, mga grips, mga production assistants, make-up artists na umaasa lang talaga sa mga soaps."

Continue reading below ↓

Hindi pa muna masasabi ni Liza kung magkano ang ibibigay na financial assistance, dahil depende raw sa mabubuo nilang pondo.

Hindi raw mahihirapan ang mga makakatanggap nito dahil idadaan daw nila online.

Basta patunayan lang na meron talaga silang trabaho na hindi lang natuloy dahil sa pagdating ng COVID-19.

JERRY OLEA

Inaalala ni Direk Joel Lamangan ang kalagayan ng mga maliliit na manggagawa sa industriya ng TV at pelikula.

"Paano na iyong mga per day, wala silang kontrata, hindi sila empleyado,” sambit ni Direk Joel nang makatalamitam namin.

Nagkita kami sa Makati City noong Marso 15, Linggo, unang araw ng community quarantine sa NCR.

"Pag may taping, after the taping, saka pa lang sila binabayaran. Gaya ng mga staff, crew, make-up artist, mga ekstra, mga P.A.

"Per day sila. Hindi sila kasama sa plantilya ng mga eklay-eklay. Iyon ang kawawa. Iyon ang pinakamarami.

"Pag hindi ka regular employee, wah! Maraming mawawalan ng work."

Continue reading below ↓

Ang mga per day ang kita ay kabilang sa laylayan ng lipunan.

Sapul sila sa hanash ng yayamaning vlogger-influencer na si Cat Arambulo.

Associated si Cat Arambulo sa mga brand na Huawei, National Bookstore, Uratex, Sariwon, at Ariel.

Nag-“social distancing” na kay Cat Arambulo ang Organique Acai.

Si Cat ang lifestyle blogger na binatikos ng ilang celebs at netizens dahil sa kawalan niya umano ng malasakit sa daily wage earners.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Sabi nga, this experience will make us rethink our priorities and it will make us more humane.

Sana, lahat ng sitwasyon, maging pabor sa lahat—lalo na yung mga maliit, walang boses, salat sa resources, at nasa laylayan.

Yung mga nasa urban community mismo ang nagsasabi na sana yung mga pulitikong humingi ng kanilang boto noon ay magmalasakit naman sa kanila ngayon.

Kawawa talaga sila.

GORGY RULA

Gusto rin sana ni FDCP Chair Liza na makahingi ng donasyon sa mga malalaking artista, na baka meron silang mabigay kahit magkano para idagdag pang-pamigay sa mga nangangailangang film workers.

"Baka mag-open ako ng donation… ng fund, kung puwede kami magpa-donate sa mga gustong tumulong to give to our workers.

"I will tap the support po sana yung mas may kaya na mga artista.

"Baka puwede po kayong makiambag sa fund na iri-raise namin para po sa ating film workers na nangangailangan.

Continue reading below ↓

"If there’s a process for this, maayos ang proseso nito, makakasigurado po kayo na mapupunta po ito sa lahat na taong nangangailangan sa industry na ngayon ay hindi nila alam kung saan nila kukunin ang pambayad ng kuryente, renta at iba pa."

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FDCP Chair Liza Dino, bukas sa donasyon mula sa mga artistang gustong tumulong sa no-work-no-pay film workers.
PHOTO/S: @lizadino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results