Workshoppers ni Ricky Lee, relief op ang regalo sa kanyang 72nd birthday

by PEP Troika
Mar 20, 2020
Nagdiwang ng kanyang birthday kahapon, March 19, ang award-winning scriptwriter na si Ricky Lee. Bilang pagdiriwang, nagsagawa ang kanyang workshoppers ng relief op sa ilang lugar sa Quezon City at San Juan City.
PHOTO/S: Ricky Lee Facebook / CTTO

NOEL FERRER

Ika-72 kaarawan ni Sir Ricky Lee nitong Marso 19, Huwebes.

Tradisyon niyang magpamahagi ng pagkain sa mga nangangailangan, at gusto niya pa ring ituloy iyon.

Ngunit dahil nasa ilalim tayo ng "enhanced community quarantine," hindi advisable na umalis siya ng bahay dahil sa senior citizen siya at madaling target ng novel coronavirus.

Kaya itinuloy na lang ito ng kanyang workshoppers na namahagi ng pagkain sa urban poor ng Barangay Santol sa Quezon City, habang ang iba ay nag-ikot sa San Juan City.

Meron ding workshoppers na tumutulong sa medical practitioners, at sa media industry workers na walang permanenteng trabaho.

Kasama sa mga naging abala rito ay ang workshoppers na sina Bela Padilla, Agot Isidro, Tey Clamor, Bianca Balbiena, Paolo Villaluna, at marami pang iba.

Hindi ito ang huling beses ng pagtulong ng workshoppers ni Sir Ricky.

Patuloy naming patutunayan at isasabuhay ang turo sa amin ng aming Maestro na ang mga manunulat ay hindi passive members ng ating lipunan, kundi aktibong bahagi ng pagpapabuti ng buhay ng mga Pilipino.

Continue reading below ↓

Maligayang Bati, Sir Ricky!

JERRY OLEA

Dalangin ko na kilalanin si Ricky Lee bilang National Artist habang siya’y nabubuhay pa.

Noon ko pa inaasam na maging Pambansang Alagad ng Sining sina Ricky Lee, Eddie Garcia, at Direk Maryo J. de los Reyes.

Icon si Ricky Lee bilang scriptwriter.

Sa lipon ng Pinoy scriptwriters ay siya ang pinakamaraming awards, at siya rin ang pinaka-generous sa pagsi-share ng talino.

GORGY RULA

Sa gitna ng enhanced community quarantine at matinding takot sa COVID-19, puwede pa ring ipagdiwang ang kaarawan at ibang mahahalagang selebrasyon.

Iyon lang, pagkasyahin na lang kung anong meron tayo, di ba?

Ngayong Marso 20, Biyernes, isi-celebrate ni Tonton Gutierrez ang kanyang 55th birthday.

Simple ang pagdiriwang sa kanilang tahanan kasama ang buong pamilya dahil hindi sila makakalabas.

Ang concern lang ni Glydel, hindi niya alam kung saan siya makakabili ng birthday cake para sa asawa niya.

Continue reading below ↓

Pero kahit ano pa man, mairaraos pa rin.

At para na rin kay Sir Ricky, hindi na sana ganito sa susunod nilang kaarawan.

May mabubuo kaya silang kuwento na hango sa COVID-19?

Marami tayong natutunan sa pandemic na ito, na sana ay huwag nang lumawig pa.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagdiwang ng kanyang birthday kahapon, March 19, ang award-winning scriptwriter na si Ricky Lee. Bilang pagdiriwang, nagsagawa ang kanyang workshoppers ng relief op sa ilang lugar sa Quezon City at San Juan City.
PHOTO/S: Ricky Lee Facebook / CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results