Barbie Forteza at Jak Roberto, panay ang video call habang naka-quarantine

by PEP Troika
Mar 21, 2020
Bago pa ideklara ang enhanced community quarantine sa buong Luzon huling nagkita ang magkasintahang Barbie Forteza at Jak Roberto.
PHOTO/S: Arniel Serato

GORGY RULA

Bilang naka-home quarantine tayong lahat, hindi na rin muna nagkikita ang magkasintahang Barbie Forteza at Jak Roberto.

Okey na raw muna na sa video call, tawagan, o text ang koneksiyon nilang dalawa, para matiyak na safe silang lahat.

Na-phone-patch interview namin si Barbie sa aming radio program sa DZRH nitong March 20, Friday.

Ayon sa Kapuso actress, ang huling pagkikita nila ni Jak ay bago pa nai-declare ang enhanced community quarantine.

Halos araw-araw silang nagbi-video call.

Kahit nagluluto o nag-e-exercise si Jak ay naka-video call silang dalawa.

Kaya pati siya ay naengganyo na ring mag-exercise.

Sabi ni Barbie, “Noong una, tamad po ako.

"Pero natanggap ko na yung fact na medyo magtatagal ako dito sa bahay.

“Medyo sinimulan ko na rin yung body weight workout.

"Para tanggal na rin ang bagot!" natatawang pakli ng bida ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Matagal na rin nilang napa-cancel ang bakasyon sa Seoul, South Korea, na naka-schedule dapat sa darating na Holy Week.

Continue reading below ↓

“Una pa lang, wala pa yung community quarantine, kinansel na po namin.

"Kasi, pati yung mga magulang ko ay natatakot na rin na i-risk namin.

“Nanghihinayang na nga po kami kasi naipasa na ho namin yung visa application for Korea.

"Kasi, di po ba, matagal yung processing nun?

“Tapos nung na-cancel namin, sakto namang na-approve. Sayang,” pahayag ni Barbie.

Kaya mabuti na lang at mayroong The Blacklist na sinusubaybayan niya sa Netflix, at nababasa na raw niya ang mga librong matagal nang nakatengga sa bookshelves nila.

Tinatapos daw niya ngayong basahin ang Post Mortem ni Patricia Cornwell.

Mahilig pala si Barbie sa murder stories.

Isang linggo pa lang tayong naka-enhanced community quarantine, pero feeling ni Barbie, parang isang taon na tayong nakatengga lahat.

“Parang pelikula ho, na hindi ko akalain na virus pala ang makakapagpatigil sa lahat ng komunikasyon, ng trabaho ng lahat... lahat-lahat ho, e.

“Hindi mo masasabi na opisina lang tumigil, ganyan. Lahat talaga, tumigil.

Continue reading below ↓

"Yung shipment, yung flight. Hindi lang ho Pilipinas, kundi buong mundo.

"Yung pandemic na nga ho, 'ika nga.

“Ewan ko, para sa akin, talagang tayo at tayo lang din ang makakagawa ng paraan para itigil ito.

“Hindi ko ho alam kung papaano, kasi hindi naman po ako expert.

"Pero feeling ko, tayo lang din talaga ang makapagpaalis nitong virus na ito,” seryosong pahayag ni Barbie.

NOEL FERRER

Sa mga panahon ngayon nakikita ang karakter ng tao.

Kung ano ang ginagawa nila... lalo pa’t marami silang spare time, talks about their concerns, at iba pang pagpapahalaga sa buhay.

There are people na lulong sa pagtit-Tktok, meron namang buryong na nagbi-video games.

OK iyang pagbabasa, at nag-physical fitness, pero hanga ako sa mga celebs na may kamalayan na mag-isip lampas sa sarili.

JERRY OLEA

Maraming mapapanood sa Netflix.

Educational at informative ang six-episode documentary na Pandemic: How to Prevent an Outbreak, na noong Enero 22, 2020 nagsimulang mag-streaming.

Continue reading below ↓

Andiyan ang horror movie na Quarantine, at ang superhero comedy film ni Jim Carrey na The Mask (1994).

Wala sa Netflix, pero makabuluhan ding panoorin ang action-thriller film na Contagion (2011).

Sa mga madasalin, marami ang nagsusumamo kay San Roque (St. Roch, St. Rocco) upang mawala na ang salot na coronavirus.

Ang iba’y dumudulog din kay Saint Corona, patron saint against plagues and pandemics.

Kung pagbabasa ng nobela, marami ang nagkainteres sa The Eyes of Darkness (1981) ni Dean Koontz.

Makatuturan din sa panahon ng pandemic ang nobelang Inferno (2013) ni Dan Brown.

Ang iba naman ay sinusuyod ang quatrains sa Les Propheties (1555) ni Nostradamus.

Sa 942 poetic quatrains ng naturang aklat, tatlo ang sabi-sabi’y may konek sa COVID-19...

Century V, Quatrain 63:
“From the vain enterprise honour and undue complaint,
“Boats tossed about among the Latins, cold, hunger, waves,
“Not far from the Tiber the land stained with blood,
“And diverse plagues will be upon mankind.”

Century II, Quatrain 6:
“Near the gates and within two cities
“There will be two scourges the like of which was never seen,
“Famine within plague, people put out by steel,
“Crying to the great immortal God for relief.”

Century II, Quatrain 19:
“Newcomers, place built without defence,
“Place occupied then uninhabitable:
“Meadows, houses, fields, towns to take at pleasure,
“Famine, plague, war, extensive land arable.”

Continue reading below ↓
Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bago pa ideklara ang enhanced community quarantine sa buong Luzon huling nagkita ang magkasintahang Barbie Forteza at Jak Roberto.
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results