OPM artists, magbibigay inspirasyon gamit ang musika; Mother Lily, magdu-donate ng P1M

by PEP Troika
Mar 21, 2020
Magbibigay inspirasyon ang OPM artists gaya nina Martin Nievera, Odette Quesada, at Lani Misalucha sa pamamagitan ng musika; habang si Mother Lily Monteverde (kanan) ay magdu-donate ng P1 million, sa pamamagitan ng ABS-CBN, sa laban kontra COVID-19.
PHOTO/S: Noel Ferrer / Mark Atienza

NOEL FERRER

Alas-tres nang hapon ngayong Marso 21, Sabado, instead of my usual Level Up program sa TeleRadyo Inquirer, maglalabas kami ng series ng Level Up QUARAN-TUNES capsules containing songs that comfort, inspire, and uplift.

Bale, magiging 3 o’clock habit ito na puwedeng i-share.

May mechanics din kung paano makakapag-donate sa Tanging Yaman Foundation na pinamamahalaan ni Fr. Manoling Francisco, na siyang nangangasiwa ng relief operations at tulong sa ating medical practitioners at sa mga nasa frontline ng pandemic na nararanasan natin.

Mangunguna ngayong hapon sina Martin Nievera, Lani Misalucha, at Odette Quesada.

Nakalinya rin ang iba pang mga kaibigang artists tulad nina Joanna Ampil, Dessa, Arman Ferrer, at Myke Salomon.

Open pa rin kami sa marami pang kontribusyon ng mga awiting nakakapagbigay pag-asa.

Inaanyayahan ang lahat—artista, singer, at kung sinumang may talent at power to inspire makipagsangguni lang sa akin.

Habang patuloy pa rin nating sinusuportahan ang efforts ng grupo nina Mr C (Ryan Cayabyab) na Bayanihan, Musikahan—na may magaganda at matataas na viewership, at nakalikom ng malaking halaga.

Continue reading below ↓

Gusto naming papurihan ang Spongecola with Karylle, Ebe Dancel, at Top Suzara na naging magandang buena mano.

Balita ko ay may gagawin ding concert marathon ang ABS-CBN.

Pahuhuli ba ang GMA-7?

JERRY OLEA

As of March 21, Sabado ng alas-dose ng tanghali, umabot na sa 262 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong pisitibo sa coronavirus sa bansa, ayon kay DOH USec. Ma. Rosario Vergeire.

Ikapitong araw pa lang ngayon ng community quaratine sa NCR, pero marami na sa mga kakilala natin at kaibigan ang nangangamba dahil paubos na ang inimbak nilang pagkain.

Ang musika sa ganitong panahon ay tunay na pagkain ng kaluluwa.

Kaya nagpupugay tayo sa Pinoy artists na bumubusog na sa ating kaluluwa, may ginagawa pa upang makalikom ng pondo na bubusog sa sikmura ng ating mga kababayan.

Mabuhay! Mabuhay tayong lahat!

GORGY RULA

Nagpaabot naman ng mensahe si Mother Lily Monteverde na magbibigay siya donasyon na idadaan niya sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Aniya, “On behalf of Regal Entertainment, Inc. family, it is our extreme consciousness to be able to help our fellow Filipinos in this time of crisis.

“Regal will donate PhP1M to the Filipinos through ABS-CBN.

“Let’s all fill love for each other and positivity to overcome this crisis."

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magbibigay inspirasyon ang OPM artists gaya nina Martin Nievera, Odette Quesada, at Lani Misalucha sa pamamagitan ng musika; habang si Mother Lily Monteverde (kanan) ay magdu-donate ng P1 million, sa pamamagitan ng ABS-CBN, sa laban kontra COVID-19.
PHOTO/S: Noel Ferrer / Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results