Award-winning scriptwriter Ricky Lee, magbibigay ng free online workshop

by PEP Troika
Mar 22, 2020
Award-winning scriptwriter Ricky Lee magsasagawa ng Free Online Scriptwriting Workshop for Filipinos (all over the world), 18 years pataas, at yung mga hindi pa nakakapag-avail ng anumang workshop sa kanya.
PHOTO/S: Mark Atienza / Facebook

NOEL FERRER

Isang linggo na ang nakalipas mula nang tayo ay napirmi sa bahay dahil sa enhanced community quarantine, at kitang-kita sa social media ang mga pinagkakaabalahan ng mga tao.

Either buryong na buryong na sila o may ginagawa sila para maaliw at maging kapaki-pakinabang.

Heto ang isang magandang alternative na in-announce ko sa aking special Level Up edition sa Radyo Katipunan at Radyo Inquirer 990 Television:

Si Maestro Ricky Lee ay magsasagawa ng isang Free Online Scriptwriting Workshop for Filipinos (all over the world), 18 years pataas, at yung mga hindi pa nakakapag-avail ng anumang workshop sa aming Maestro.

Kailangan lang mag-email ng letter of Intent at Writer’s Bio sa banalram@gmail.com hanggang Marso 27, Biyernes ng 11:59 p.m.

Via Zoom ang magiging klase on April 8, 15, and 22, kaya humanda na lahat ng interesado.

Pipili lamang ng 50 participants ng core workshoppers para makasama rito.

Mahalaga ang ganitong mga palihan o workshop dahil kahit ano pa man ang pinagdaraanan natin ngayon, ang nag-uugnay sa atin ay ang ating mga KUWENTO.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Ang sabi nga ni Direk Paolo Villaluna na presidente ng DGPI, “This is a moment of solidarity. A time when a community must come together to ensure that the less fortunate among us do not drown in the current crisis.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“The Ricky Lee Scriptwriting Workshop with the Director's Guild of the Philippines and the Lupon ng Pilipinong Sinematograpo in partnership with the Lockdown Cinema Club is part of a campaign to raise funds for displaced film workers whose livelihoods are severely affected by the Ncov pandemic.

“Please share this information and donate. Help us help them.”

GORGY RULA

Pinanood ko ang live streaming ng Kapuso stars gamit ang Zoom app, habang nanonood sila ng replay ng All-Out Sundays nitong Marso 22, Linggo.

Nakakaaliw silang panooring nag-uusap at nagsi-share para sa mga nakatutok sa Facebook account ng GMA Network.

Gamit ang hashtag na #BuongPusoParaSaPilipino, laging naka-flash kung saan puwede ipadala ang tulong o donasyon para sa Kapuso Foundation.

Continue reading below ↓

Nagbigay ng mensahe ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, at nakaw-eksena ang napaka-cute na si Ziggy.

Nagpa-sample sina Derek Ramsay at Jak Roberto ng exercise na puwedeng gawin sa loob ng bahay.

Kumanta sina Gabbi Garcia, Ruru Madrid, Julie Anne San Jose, Ken Chan, Rita Daniela, Jeric Gonzales, at mga taga-The Clash na sina Golden Cañedo, Thea Astley, Jong Madaliday, Jeremiah Tiangco, at Garret Bolden.

Nagbigay ng mensahe sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel, Glaiza de Castro, at Michael V na nagpatawa pa kasabay si Paolo Contis.

Nagpugay sila sa ating frontliners na itinuturing nating superheroes.

Humirit pa si Bitoy ng binuo niyang kantang “Istanbay Lang Sa Bahay.”

Kuwela rin at dumadami ang viewers kapag merong nagti-Tiktok na pina-sample nina Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Vince Crisostomo, at ilan sa mga taga-StarStruck na sina Shayne Sava, Radson Flores, Karl Aquino, at Lexi Gonzales.

Si Alden Richards ang nagbukas ng streaming. Siya rin ang inatasang magtapos nito.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Award-winning scriptwriter Ricky Lee magsasagawa ng Free Online Scriptwriting Workshop for Filipinos (all over the world), 18 years pataas, at yung mga hindi pa nakakapag-avail ng anumang workshop sa kanya.
PHOTO/S: Mark Atienza / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results