Christopher de Leon, malapit nang lumabas sa hospital matapos magpositibo sa COVID-19

by PEP Troika
Mar 22, 2020
Sandy Andolong on husband Christopher de Leon's condition: “Kahit mag-positive, pauuwiin din siya para sa house na mag-quarantine for another week. Di na necessary daw to stay sa hospital dahil malakas siya.”
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Sobra akong natuwa sa nakaka-inspire na text sa akin ni Sandy Andolong na naka-self quarantine pa rin hanggang ngayon sa kanilang tahanan.

Kinumusta ko siya at pati si Christopher de Leon na naka-confine pa rin sa hospital.

Sabi ni Sandy sa kanyang text, “Gorgy, malakas pa ako sa iyo o kay Nay Lolit [laugh emoji].

“This coming week labas ni Bo.

“Tingnan nila test result niya uli sa COVID. Kasi, mukhang Rhinitis at allergy lang yung nakita, no other symptoms.

“Kahit mag-positive, pauuwiin din siya para sa house na mag-quarantine for another week. Di na necessary daw to stay sa hospital dahil malakas siya.”

Marami pa rin ang nagdarasal sa tuluyang paggaling ni Boyet at sana mag-negative na rin si Sandy, ang anak nilang si Mica, at mga kasamahan nila sa bahay.

Pinuri si Christopher na in-announce niya ito sa publiko para maging aware ang mga nakasalamuha niya nitong mga nakaraang araw at mga nakatrabaho niya sa taping ng Love Thy Woman. Sana, hindi na sila nagkahawaan at hindi na kumalat itong nakakatakot na COVID-19.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Kinumusta ko ang manager nina Boyet at Sandy na si Manay Lolit through text nitong Marso 22, Linggo ng hapon.

Hiningan ko siya ng mensahe para kina Boyet at Sandy.

Text back ni Manay Lolit: “Di ba, sabi ko nga sa iyo, kakayanin niya iyan?

Pero thanks talaga, lahat sila sa bahay, OK na. No problem ng COVID-19.”

NOEL FERRER

Sana, totoo rin ang balitang naka-recover na iyung DOP (director of photography) na nagka-COVID-19.

Sana, mas marami pang maysakit na gumaling.

Ingatan at alagaan pa natin ang medical practitioners, doctors, at iba pang naninilbihan sa atin ngayon!

Sana, mas maayos pa ang sistema ng pagtulong sa mga tao dahil mukhang tatagal pa ito—at dito masusukat ang tatag ng bureaucracy o ang kakulangan nito.

Kaya kailangang kumatig tayo sa pag-asa at pagtutulungan.

Madaling umangal, maasar, at magalit sa nangyayari ngayon.

Pero ang hamon ay maging mapang-unawa at mapagmalasakit.

Mahirap, pero kung sama-sama ay kakayanin natin ito! Kapit lang!

Continue reading below ↓

For more stories on COVID-19, please CLICK HERE.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sandy Andolong on husband Christopher de Leon's condition: “Kahit mag-positive, pauuwiin din siya para sa house na mag-quarantine for another week. Di na necessary daw to stay sa hospital dahil malakas siya.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results