Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, nasilayan ng netizens sa 1st wedding monthsary nila

by PEP Troika
Mar 22, 2020
Ngayong March 20, Linggo, ang first monthsary ng kasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Sa Facebook live session ni Matteo kanina ay sumilip si Sarah na labis ikinatuwa ng kanilang mga tagahanga.
PHOTO/S: Screen grab from Facebook

JERRY OLEA

Mahigit P4 million ang nalikom ng "One Voice Pilipinas," hosted by Matteo Guidicelli, nitong Marso 20, Linggo, alas dose ng tanghali hanggang 5 p.m.

FB live session ito sa Facebook page ni Matteo. Layunin din nitong makalikom ng pondo para sa mga nangangailangan nating mga kababayan.

Pagsapit ng 5 p.m. ay umabot ang donasyon sa P4,030,932.88.

First monthsary ng kasal nina Matteo at Sarah ngayong araw, at matiyagang naghintay ang AshMatt fans sa appearance ni Sarah.

Bale co-host ni Matteo sa FB live si Kean Cipriano, na katabi ang anak nito. Binati ni Matteo ang anak ni Kean.

Sabi ni Kean, magkakaroon din sina Matteo at Sarah. Deadma si Matteo.

Kabilang sa guests sa FB live si Judy Ann Santos, na nagsabing idol ng panganay niyang si Yohan si Sarah.

Hindi raw makatulog si Yohan nang pumunta sina Sarah at Matteo sa tahanan nina Juday at Ryan Agoncillo.

Continue reading below ↓

Humigit-kumulang apat na oras ang hinintay ng fans bago sumilip si Sarah.

Mag-aalas-singko na ng hapon, tinawag ni Matteo ang kanyang “beautiful wife, the most beautiful woman in the world” para tabihan siya.

Kinumusta ni Kean si Sarah.

“OK naman,” matipid na sagot ni Sarah, na bakas sa mukha ang kaligayahan.

Kabilang pa sa guests ng One Voice PH na napanood ko sina Joey Generoso (nag-red wine si Kean nang kumanta ito), Jericho Rosales, Kylie Verzosa, Janine Teñoso, at Kurt Fick.


Continue reading below ↓

Kinontak daw ni Matteo sina Liza Soberano at Enrique Gil pero hindi nakakonek ito.

OK lang dahil may mga susunod pang fund-raising sessions ang "One Voice Pilipinas."

Nasabihan na rin daw ni Matteo si Kathryn Bernardo.

Tinanong ni Matteo ang netizens kung sinu-sino pa ang gusto nilang mapanood.

Nag-suggest si Kean—Justin Bieber.

Mabilis ang tugon ng poker-faced na si Matteo, “I actually texted Justin Bieber. He’s busy.”

Ang "One Voice Pilipinas" ay powered ng Landers, Philippine Army, at OC Records.

Ang panawagan ng proyektong ito, “Let’s unite to raise funds for families in need.”

NOEL FERRER

Ka-text ko si Matteo kanina.

Masaya ako at talagang involved siya sa pagtulong sa ating mga kababayang nangangailangan.

Naki-partner siya sa Landers, kasi kailangan ng structure para sa distribution ng goods.

Maganda lang at tulung-tulong na ang lahat sa pagkakataong ito, and it is such a meaningful way of celebrating Sarah and Matteo’s 1st Wedding Monthsary!

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Dito mo talaga makikita kung paano ang mga artistang ito na maibahagi ang kanilang pagmamahal at concern sa ating mga kababayan.

Tanging mga taga-showbiz lang ang makakaisip ng ganitong pagtitipon, kahit bawal na bawal ng social distancing.

Mabuti na lang at may Zoom app.

Meron ding binuong proyekto si Ice Seguerra, katulong si Richard Quan at ilang kaibigang non-showbiz, kung saan namimigay sila ng tulong through their group Volunteer Corps PH.

Nag-iikot sila para mamigay ng food packs sa mga bara-barangay na kinukulang na sa pagkain.

Meron din silang Adopt a Family na tinatawag, kaya kailangan din nilang makalikom ng donasyon.

Baka puwede rin silang maambunan ng nalikom na halaga sa One Voice Pilipinas nina Matteo Guidicelli?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong March 20, Linggo, ang first monthsary ng kasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Sa Facebook live session ni Matteo kanina ay sumilip si Sarah na labis ikinatuwa ng kanilang mga tagahanga.
PHOTO/S: Screen grab from Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results