Richard Quan, humingi ng tulong sa mga kapwa-artista para sa COVID-19 relief efforts

by PEP Troika
Mar 22, 2020
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Napaluha ang character actor na si Richard Quan nang nakapanayam namin sa aming radio program sa DZRH noong Marso 21, Sabado ng gabi.

Ibinahagi ng aktor ang pinagkakaabalahan nilang proyekto para sa mga kababayan nating nangangailangan ngayong hindi sila makapagtrabaho gawa ng enhanced community quarantine.

Merong binuong grupo si Ice Seguerra na tinawag nilang Volunteer Corps PH at kasama rito si Richard at ilan nilang non-showbiz friends.

Nag-volunteer din sa kanila ang mag-partner na Direk Dan Villegas at Direk Antoinette Jadaone.

Namimigay sila ng mga tulong, food packs, at iba pang bagay na kailangan ng mga mahihirap nating kababayan.

Mayroon din silang Adopt A Family project kung saan magbibigay sila ng tulong sa mahihirap na pamilya na kinakapos dahil natigil ang kanilang trabaho.

“Very critical ang sitwasyon natin at, obviously, ang daming nangangailangan ng tulong talaga.

“Very critical itong the next three to five days natin, e,” pakli ni Richard.

Continue reading below ↓

Mula sa mga donasyong nakuha nila, nakapamigay na sila ng food packs sa PWDs sa Project 4, Quezon City.

Kamakailan lang ay namigay sila sa Golden Gays sa Pasay City at ilan pang mga nangangailangan sa ilang barangay sa naturang lungsod.

Kay Richard daw nakatoka ang pag-iikot, at medyo nahirapan siya dahil sa lockdown at limitado ang kanilang pagkilos.

Napaluha si Richard nang humingi siya ng tulong maging sa mga kasamahang artista para maipagpatuloy itong sinimulan nilang proyekto.

“Gusto kong iparating sa mga kababayan natin na to help in what capacity you can. Hindi talaga kakayanin.

"Somehow, nagkakaroon talaga ng pagkukulang kasi sa dami, sa bigla, e. Wala namang nakahanda nito, e.

“Sa mga kapwa ko artista… celebrity, if you can find time, o kahit simpleng pagpu-post lang… obviously, karamihan sa mga kapwa artist natin, wala doon sa battleground.

“I can guarantee you kung gaano ka-desperate yung sitwasyon sa battleground," pahayag ni Richard.

Continue reading below ↓

"Battleground" ang tawag niya sa mga lugar na talagang nangangailangan, at pati sa checkpoints at hospitals kung saan humaharap ang ating frontliners.

“Kahit iyong simpleng pag-post lang na hikayatin ang mga kababayan nating tumulong in whatever capacity they can, malaking-malaking bagay na po iyon.

“Magkakaisa lang po tayo, malaking bagay na po iyon.

"Kasi, kailangang-kailangan po talaga,” pahayag niya na garalgal ang boses.

Sa mga gustong magpadala ng tulong ay i-check sa Facebook account ng Volunteers Corps PH, o kaya sa Facebook o Instagram account nina Richard at Ice.

NOEL FERRER

Nakakahanga ang mga katulad nina Ice, Richard, Tonette, at Dan.

Sana dumami pa silang tumutulong sa kapwa at nakakatanaw beyond themselves, at pagti-TikTok, sa gitna ng ating krisis at sakuna!

JERRY OLEA

Kahit nagti-TikTok ang ibang celebrities, tumutulong sila sa abot ng kanilang makakaya.

Iyong mga hanggang TikTok lang, bahala na ang Panginoon sa kanila.

Bilib tayo sa mga Pinoy na dumadamay at nagmamalasakit sa ating mga kababayan na nangangailangan.

Continue reading below ↓

Mabuhay po kayo! Mabuhay tayong lahat!

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results