"Pantawid Pag-ibig" ng ABS-CBN at "Buong Puso Para Sa Pilipinas" ng GMA-7, naghatid ng saya at tulong sa gitna ng COVID-19 crisis

by PEP Troika
6 days ago

JERRY OLEA

Halos P237M ang nalikom sa "Pantawid ng Pag-ibig: At Home Together Concert" nitong Marso 22, Lunes ng gabi, sa ABS-CBN.

Almost six hours ang fundraising concert na nagsimula ng pasado 7 p.m., at halos 1 a.m. na natapos.

All throughout ay nakatayo ang hosts na sina Alvin Elchico at Zen Hernandez.

To be exact, ang nalikom nang gabing iyon ay P236,997,391.

Mula sa Project Ugnayan ng iba’t ibang korporasyon, P150M na agad ang donasyon.

Sa dinami-dami ng paandar at pasiklab sa programa, tumatak sa akin ang payanig nina Vice Ganda, apl.de.ap, AshMatt, LizQuen, at Gary Valenciano.

Tweet ni Vice Ganda matapos ipalabas ang kanyang video, “Corona Ba-Bye Na composed, recorded, filmed and edited in one day. Hahahhaha!!!!”


Continue reading below ↓

Patok sa YouTube ang videos ng Corona Ba-Bye Na (or is it Corona Bye Bye Na?), at nakaka-LSS ito.

Bahagi ng lyrics ng novelty song: “Ay, naku, Corona! Oh Corona, bakit okray ka?

“Veerus man o virus ang tawag sa ‘yo, sino ka ba?

“Ang bet naming korona, kay Pia lang at Catriona

“Kaya sa universe, lumayas ka “Corona ba-bye na, di ka namin bet sa Earth”

Bago kumanta si apl.de.ap, ipinagdiinan niya, “Wash your hands for 20 seconds.”

Nagpunta siya sa may lababo at naghugas ng kamay habang kumakanta.

Sa mga solong umawit, si apl.de.ap ang pinakamaikli ang performance.


Continue reading below ↓

Kilig overload ang pagdu-duet ng AshMatt at LizQuen.

First monthsary ng kasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

In-introduce lang sila ng hosts at kapagkuwan ay ipinalabas ang pre-recorded duet nila.

Wala silang hanash before and after their duet. Nagsalo lang sila sa awit, at sapat na iyon para matanto nating maligaya sila sa isa’t isa.


Continue reading below ↓

Naitawid nina Liza Soberano at Enrique Gil ang kanilang medley.

Ampogi-pogi ni Enrique. Mas magaling si Enrique na sumayaw kesa kumanta.

Para sa akin, pinaka-heartfelt sa palabas ang rendition ni Gary V ng "Natutulog Ba Ang Diyos?" At iyon din ang pinakamaganda ang camera work sa solo performances.

Karamihan kasi sa umawit ay tinutukan lang ng camera na naka-steady, unlike sa pag-awit ni Mr. Pure Energy na gumagalaw ang shots.

Sa mga nagbigay ng mensahe, nagmarka sa akin sina Judy Ann Santos, Piolo Pascual, Ivana Alawi, Beauty Gonzalez, at Kim Chiu.

Ani Juday, ang pagtutulungan ay sumasakop sa lahat—Kapamilya man, Kapatid o Kapuso.

Opo! Bukod-tanging si Juday ang nagbanggit ng Kapuso sa live message via Zoom.

Natawa ako sa hirit ni Juday, “Let’s stay positive, huwag po sa corona, kundi sa outlook natin sa buhay!”

Kumanta muna si Iñigo Pascual ng hit song niyang "Dahil Sa ‘Yo," and right after ay buong taimtim na nagdasal ang ama niyang si Piolo Pascual.

Continue reading below ↓

Nakakaaliw si Ivana sa pagiging Disinfectant Beauty.

Sina Beauty at Kim, kapwa nagsalita ng Bisaya.

GORGY RULA

Pinanood ko naman ang live streaming ng Kapuso stars na "Buong Puso Para Sa Pilipinas," gamit ang Zoom na app.

Nakakaaliw silang panooring nag-uusap at nagbibigay ng kani-kanilang share para sa mga nakatutok sa Facebook account ng GMA Network.

Gamit ang hashtag na #BuongPusoParaSaPilipino, naka-flash kung saan puwede ipadala ang tulong o donasyon para sa Kapuso Foundation.

Nagbigay ng mensahe ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, at nakaw-eksena ang napaka-cute na si Ziggy.

Nagpa-sample sina Derek Ramsay at Jak Roberto ng exercise na puwedeng gawin sa loob ng bahay.

Kumanta sina Gabbi Garcia, Ruru Madrid, Julie Anne San Jose, Ken Chan, Rita Daniela, Jeric Gonzales, at mga taga-The Clash na sina Golden Canedo, Thea Astley, Jong Madalisay, Jeremiah Tiangco, at Garret Bolden.

Nagbigay ng mensahe sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel, Glaiza de Castro, at Michael V na nagpatawa pa kasabay si Paolo Contis.

Continue reading below ↓

Nagpugay sila sa ating frontliners na itinuturing nating superheroes.

Humirit pa si Bitoy ng binuo niyang kantang “Istanbay Lang Sa Bahay.”

Kuwela rin at dumadami ang viewers kapag merong nagti-TikTok na pina-sample nina Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Vince Crisostomo at ilan sa mga taga-StarStruck na sina Shayne Sava, Radson Flores, Karl Aquino, at Lexi Gonzales.

Si Alden Richards ang nagbukas ng streaming. Siya rin ang inatasang magtapos nito.

JERRY OLEA

Ang pralala ng ABS-CBN ay 7:00-10:00 p.m. ang "Pantawid ng Pag-ibig" concert.

Hindi ko lubos-maisip kung paano mapagkakasya sa tatlong oras ang mga pagtatanghal at insights ng mahigit 100 Kapamilya stars.

Ayun, halos anim na oras ang palabas.

Bandang 11:40 p.m., nagbiro ang host na si Alvin Elchico, “Kaya pa po ba? Gising pa kayo?”

May mga doble pa ang pagpapakitang-gilas.

Dalawa ang duet ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Maliban sa duet nila ng mister niyang si Matteo Guidicelli, umawit si Sarah GG ng "Greatest Love of Love." It was so divine!

Continue reading below ↓

Sama-sama sa isang number ang ASAP Birit Queens na sina Jona, Angeline Quinto, Morissette Amon, at Klarisse de Guzman.

May kani-kanyang paandar sina Jona at Angeline.

May pre-recorded message na si Kim Chiu, meron pang live by Zoom chika sa kanya.

Naputol iyong pagpapasikat ng It’s Showtime family kaya inulit iyon.

“It’s time to show our love for each other!” bulalas ni Vice Ganda.

Paalala ni Toni Gonzaga, “Manatili tayo sa ating Home Sweetie Home!”

Nag-uumapaw ang pag-asa ni Sylvia Sanchez habang gumagaralgal sa pagsasabi, “Kita-kita po tayo sa finish line na masaya, malusog, maligaya!”

More & more ang mga collab.

Nag-duet sina Carlo Aquino at JM de Guzman, ang leading men sa teleseryeng Halik na sina Jericho Rosales at Sam Milby, ang mag-asawang Moira at Jason Marvin, ang mga hurado sa "Tawag ng Tanghalan" na sina Nyoy Volante at Jed Madela, at ang Magandang Buhay hosts na sina Jolina Magdangal at Karla Estrada.

Continue reading below ↓

Nag-vlog si Melai Cantiveros kasama ang dalawang anak. Hmmn, nasaan kaya ang mister niyang si Jason Francisco?

Takaw-pansin ang imahe ni Birheng Maria sa likod ni Kabayan Noli de Castro habang nagsasalita siya.

GORGY RULA

Hinihintay ko pa ang sagot mula sa taga-GMA 7 kung magkano ang nalikom nKapuso Foundation sa no-contact online show na "Buong Puso Para sa Pilipino" kahapon ng tanghali.

Na-enjoy ko itong live streaming show ng Kapuso stars.

Ang saya nilang panoorin na parang bahagi ka rin sa streaming na iyon gamit ang Zoom app.

Live na live sila at walang recorded na numbers, at kuwela ang mga pa-Tiktok ng ibang stars na tingin ko type na type ng netizens.

Tumataas kasi ang viewers kapag may nagti-Tiktok.

Malinis ang presentation ng ABS-CBN, at malaking bagay ang participation ng big stars nila.

Hindi mo lang gaanong ramdam ang live streaming dahil recorded ang musical numbers nila.

Pero ang mahalaga, may nagawa na naman ang mga Kapuso at Kapamilya stars para mapagaan ang bigat na pinagdadaanan natin ngayon.

Continue reading below ↓

Napansin kong humabol si Lani Misalucha sa live streaming sa GMA-7 kahapon ng tanghali.

Kinagabihan ay nasa ABS-CBN naman siya.

Sana, magkakaroon ng isa pang malakihang fund-aising event na collaboration ng big stars ng Kapamilya at Kapuso stars.

Iisa lang ang hangarin nating lahat sa malaking hamon na hinaharap natin ngayon sa pagkalat ng COVID-19.

NOEL FERRER

Maganda ang presentasyon ng ABS-CBN sa kanilang "At Home Together Concert," at OK rin ang online telethon ng GMA-7 na "Buong Puso Para Sa Pilipinas."

Maganda itong efforts ng mga pribadong grupo para tumulong.

Sana naman, mag-step up ang ating mga pinunong nasa puwesto!

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results