Sandy Andolong, kinumpirmang magaling na si Christopher de Leon sa COVID-19

by PEP Troika
6 days ago
Sandy Andolong, kinumpirma na naka-schedule nang lumabas ng ospital ang asawang si Christopher de Leon na dinapuan ng COVID-19. Ang bible verse sa right photo ay ibinahagi ni Sandy nang inanunsiyo ni Christopher na positibo ito sa COVID-19 noong March 17.
PHOTO/S: @sandy_andolong_de_leon Instagram

GORGY RULA

Hindi pa matiyak ni Sandy Andolong kung ngayong Marso 23, Lunes, o bukas, Marso 24, idi-discharge sa ospital ang mister niyang si Christopher de Leon.

Hinihintay na lang daw ang resulta ng isa pang test.

Pero positibo si Sandy, 58, na maayos ang resulta ng test dahil okay na okay na raw ang lagay ng asawa niyang kilala rin sa showbiz circles bilang Boyet, 63.

Sakaling makalabas na ng ospital si Boyet, itutuloy pa rin daw nito ang required na 14-day quarantine.

Isang linggo pa lang daw kasi ang quarantine nilang mag-asawa.

Kaya nakahanda na raw ang isang kuwarto nila sa ibaba ng bahay para roon muna si Boyet hanggang sa makumpleto ang kanilang quarantine.

"May ready na siyang room sa ibaba. Kung saan siya nag-stay when he didn’t feel well already. Kailangan, ikumpleto namin iyung 14-day quarantine,” sabi ni Sandy.

Sa pamamagitan ng phone patch ay nakapanayam namin si Sandy sa radio program namin sa DZRH nitong Marso 22, Linggo ng gabi.

Continue reading below ↓

Hindi ko lang maisip kung gaano magiging mas maselan si Christopher pagkatapos nitong malampasan ang COVID-19.

Kuwento ni Sandy, napakaingat at napakaselan daw ni Christopher pagdating sa hygiene at pag-aalaga sa katawan.

Kaya raw nagulat ang aktres kung bakit tinamaan ang asawa nitong COVID-19.

"I was a bit surprised, ba’t nag-positive si Christopher.

"Kasi, siya na yata ang isa sa pinakamalinis na taong kilala ko.

"Ano iyan, e. Work lang ang pinupuntahan niya.

"Other than that, hindi siya nagsu-socialize, gusto niya sa bahay lang."

Idinetalye pa ni Sandy kung ano ang routine ni Christopher pagkagaling sa trabaho.

Patuloy ni Sandy, "Sa kotse pa lang iyan from work, may baon 'yang pambahay, nagtsi-change na siya ng damit.

"Tapos, pinapadiretso niya sa hamper yung nasuot na niya the whole day or sa wherever.

"Tapos, may slippers iyan dala for the house.

"Bago iyan papasok ng bahay, suot niya ang slippers niya, aalisin niya yung shoes niya.

Continue reading below ↓

"Hindi iyan babati hangga’t hindi siya naliligo. Kaya, parang na-surprise kami."

Maraming natutunan si Sandy sa pagkakasakit ni Boyet.

Pero sabi nga ni Sandy, sa kabila nito ay patuloy pa rin siyang nagpapasalamat sa Diyos na nalagpasan nila ito.

Dagdag ni Sandy, "I always ask for mercy from God. Kung ano man ang pagkukulang ko, mga kasalanan ko, then at the same time, pray to Him, and thanksgiving for all His blessings.

"Whatever situation you’re in. Iyon lang ang ano ko lagi, always be thankful."

NOEL FERRER

People know that I love Boyet and Sandy like family.

Their story continues to inspire, at talagang ipinagdasal nating malagpasan nila ang isa na namang pagsubok tulad nito.

This is a piece of good news—iyong mga gumagaling sa kaso ng mga nag-positive sa COVID-19.

Matapos nitong pandemic na ito, marami nang magbabago sa mga sistema sa mundo, kasama na riyan ang mga proseso at mga gawain natin sa showbiz.

Continue reading below ↓

Ano sa tingin ninyo ang mga bagay na dapat gawin sa industriya natin?

Anu-ano ang mga pagbabagong nais ninyong maipatupad bilang pagprotekta sa atin sa anumang sakit at delubyo?

Sana talaga, matapos na itong pandemic na ito.

JERRY OLEA

May dahilan ang lahat.

Basta, tuluy-tuloy ang dalangin nating malagpasan ni Boyet at ng kanyang pamilya ang pagsubok na ito.

Huwag po tayong basta-basta maniwala sa mga kumakalat na fake news kaugnay sa kaso ni Boyet.

Huwag po tayong maging covIDIOT!

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sandy Andolong, kinumpirma na naka-schedule nang lumabas ng ospital ang asawang si Christopher de Leon na dinapuan ng COVID-19. Ang bible verse sa right photo ay ibinahagi ni Sandy nang inanunsiyo ni Christopher na positibo ito sa COVID-19 noong March 17.
PHOTO/S: @sandy_andolong_de_leon Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results