Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

"Covidiot" at ibang naimbentong salita sa panahon ng COVID-19...

by PEP Troika
Mar 23, 2020
Ano ang ibig sabihin ng #COVIDIOT na madalas makita ngayon sa social media?
PHOTO/S: freepik.com

JERRY OLEA

May bagong salitang nabuo sa Urban Dictionary bunsod ng COVID-19.

Ito ay ang “covidiot.”

Tumutukoy ito sa mga taong binabalewala ang mga babala kaugnay sa public health o kalusugan, ganoon din sa mga nag-hoard ng goods, kaya nauubusan ang ibang mga tao.

Ilang halimbawa: "Kilala mo ba iyong covidiot na nag-panic buying ng sandamukal na toilet paper?"

"Grabe ang kumare mong covidiot, niyayakap lahat ng makita!"

GORGY RULA

So, covidiot ang mga taong kaagad-agad na naniniwala sa mga infodemic na fake news?

At mas covidiot ang mga taong nagkakalat ng kung anu-anong fake news na nagdudulot ng matinding takot sa mga tao.

Pero huwag na sanang gamitin ang terminong ito pagkatapos nitong COVID-19.

Mas mabuting ilibing na sa limot ang pesteng ito na nagdulot ng matinding trauma sa lahat.

Bahagi na rin ng pag-move on, lalo pa't 2020 na at people should know better.

Hanggang sa 2020 na lang sana itong COVID-19, at sa mga susunod pang taon ay hindi na dapat pag-usapan itong COVID-19.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Sa akin namang Level Up program sa Radyo Katipunan sa Ateneo at Inquirer 990 Television (aside from "Viral Thoughts" na quotes at learnings for the day), may mga iba rin akong naeengkuwentrong mga bagong salita.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Habang sinasagupa pa natin ang CoVid19 Virus, naimbento ang salitang "QuaranTunes."

Mula ito sa pinagsamang mga salitang “quarantine” at “tunes.” Ang ibig sabihin ay songs that comfort, inspire, uplift and heal.

Sabi nga namin—We Heal As One—aired at 3:00 p.m. na parang 3 o’clock habit na ito sa aking platforms.

As of now, nakakatuwa at marami sa mga kaibigan nating artists ang nagpadala na at magpapadala pa ng kanilang QuaranTunes na videotaped from their homes in the time of community quarantine.

Nauna na sina Martin Nievera, Lani Misalucha, Odette Quesada, at Zsa Zsa Padilla.

Nakalinya na sina Noel Cabangon, Joanna Ampil, Arman Ferrer, Christian Bautista, Jed Madela, Mark Bautista, at marami pang iba.

Continue reading below ↓

Sa pamamagitan nito, inaanyayahan pa rin natin ang ating kaibigang artists na makikanta at mag-share sa QuaranTunes.

Layunin nitong tumulong sa mga nangangailangan sa mga komunidad, through the Tanging Yaman Foundation ni Fr. Manoling Francisco.

I’m sure, marami pang malikhain at makulay na mga salita ang lalabas sa ating panahon dahil dynamic ang wika.

Nakikiayon ito sa ramdam ng mga tao sa naturang panahon.

JERRY OLEA

Ang “quarantour” ay portmanteau o blending naman ng mga salitang “quarantine” at “tour.”

Tumukoy ito sa mala-virtual tour sa iba't ibang lugar habang nanatili sa kani-kanilang bahay.

May nag-PM (private message) sa akin ng itinerary ng mga nagku-quarantour sa kani-kanyang bahay:

Banyo City. Lutuan City. Kuwarto Galera. Kwarto Princesa. Kwarto Rico. Lamesa Dam. El Kusina. North Kusina. Sala Union. Hapag-asinan.

May iba pa ba kayong maisa-suggest na quarantourist destination?

Siya nga pala, finorward sa amin ng kaibigang Ogie Narvaez-Rodriguez ang iba’t ibang level ng quarantine:

Continue reading below ↓

Community Quarantine. Enhanced Community Quarantine. Extreme Enhanced Community Quarantine.

Enriched Extreme Enhanced Community Quarantine. Fortified Enriched Extreme Enhanced Community Quarantine.

Fortified Enriched Extreme Enhanced Community Quarantine with L-Carnitine.

Fortified Enriched Extreme Enhanced Community Quarantine with L-Carnitine and Ginkgo Biloba Extract.

Kuwelang evolution ito ng terminong "community quarantine," na nadadagdagan ng adjective o adverb sa tuwing nadagdagdan din ang guidelines ukol dito.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ano ang ibig sabihin ng #COVIDIOT na madalas makita ngayon sa social media?
PHOTO/S: freepik.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results