Kapamilya Martin Nievera at Kapuso Pops Fernandez, nagsanib-puwersa sa Facebook live concert

by PEP Troika
5 days ago
Magkaiba man ng TV network, nagtulungan ang ex-couple na sina Pops Fernandez at Martin Nievera sa paghikayat sa fans na tumulong sa panahon ng COVID-19.
PHOTO/S: Martin Nievera Facebook / Pops Fernandez Instagram / Noel Ferrer Instagram (inset)

NOEL FERRER

Isang rare treat sa fans nina Martin Nievera and Pops Fernandez ang Facebook Live chat and concert nila nitong Marso 23, Lunes.

Gamit nila ang kani-kanilang personal Facebook accounts.

Kahit may technological challenges sila sa kanilang live streaming ay nakuha nilang mag-duet ng "Always" habang naka-split screen.

Maganda na kahit magkaiba na ang kanilang networks, ang Kapusong si Pops at Kapamilyang si Martin ay nagsasanib-puwersa para magbigay-aliw sa kanilang fans.

Pero higit sa lahat ay umapela sina Pops at Martin sa mga tao na tumulong sa mga naghihikahos at sa frontliners sa gitna ng COVID-19 pandemic.

If the situation can bring ex-couples together as co-workers, sana ay marami pa ring magkakapamilya ang magsasama-sama para sa kapakanan nating lahat.

GORGY RULA

Dahil sa teknolohiya, patuloy pa ring makakapagbigay ng aliw ang ating entertainers.

Ang hangad ko lang sana, hindi ito sasakupin ng network war.

Si Martin ay nasa ASAP Natin ‘To ng ABS-CBN, at si Pops ay nasa Centerstage ng GMA-7.

Continue reading below ↓

Marami pa sana tayong aasahang collaboration ng magagaling nating entertainers.

Bakit hindi subukang magkaroon ng live chat at concert sa Facebook sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa mga taga-Kapuso gaya nina Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Mark Bautista, at Christian Bautista?

Siguradong exciting kung magpasiklab sa iisang social media platform ang mga produkto ng The Voice at The Clash. Ang saya-saya siguro niyan!

Pansamantalang makakalimutan natin ang bagot sa enchanced community quarantine.

Iisa lang ang dasal nating lahat—huwag na sanang ma-extend ang pagkalat ng sakit na ito.

JERRY OLEA

Magkaibigan na sina Martin and Pops. May mga concert sila together.

Siyempre, bilib tayo sa makabuluhan nilang collab.

Ang wish ko na mag-duet sa panahon ng COVID-19 ay ang dating magkaibigan sa The Voice Kids Philippines na sina Darren Espanto at Juan Karlos “JK” Labajo.

Nawa’y matuldukan na ang kanilang hidwaan!

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magkaiba man ng TV network, nagtulungan ang ex-couple na sina Pops Fernandez at Martin Nievera sa paghikayat sa fans na tumulong sa panahon ng COVID-19.
PHOTO/S: Martin Nievera Facebook / Pops Fernandez Instagram / Noel Ferrer Instagram (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results