Vic Sotto at Pauleen Luna, sinabayan ng Dabarkads sa kanilang live rosary brigade

by PEP Troika
5 days ago
Vic Sotto at Pauleen Luna, hinikayat ang Eat Bulaga viewers na makilahok sa prayer brigade ng noontime show. Dagdag niya, "Tiis-tiis lang muna, Malalagpasan natin itong krisis na ito."
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook

GORGY RULA

Sinimulan ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna ang pagdarasal ng rosary, 8 p.m. ng Marso 23, Lunes.

Sa fan page ng Eat Bulaga sa Facebook ay live na nagrosaryo nina Vic at Pauleen.

Sinabayan sila ng iba pang Dabarkads at mga sumusubaybay sa kanilang fans sa buong mundo.

Sa simula ay kumakanta ang mag-asawa ng religious songs, at si Pauleen ang nag-lead ng rosaryo. Pagkatapos nito ay kumanta sila ng Ave Maria.

Sabi ni Bossing Vic nang nakapanayam namin sa "Showbiz Talk Ganern" program namin sa DZRH, gusto nilang ituluy-tuloy itong pagdarasal ng rosary sa fan page ng Eat Bulaga.

"Iyun ay parang tulong na rin natin sa mga kababayan natin. Mas maganda yung sabay-sabay nagdadasal," pakli ni Vic.

Hindi raw niya alam kung sino naman ang magli-lead mamayang gabi at sa mga susunod pang araw. Pero sisikapin nilang ituloy ang pagdarasal.

"Ituluy-tuloy natin to. Siguro, kanya-kanya kaming turno, para dire-deretso ang pagdadasal natin.

Continue reading below ↓

"Kahit papaano, nakakasalamuha natin ang ating Dabarkads hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.

"Nakakatuwa nga, e, sa ibang bansa. Kahit may malalaking problema sa coronavirus, mga taga-Italy, taga-Spain. Nakakatuwa nga, e," sabi pa ng Eat Bulaga host tungkol sa netizens na nanood ng live streaming.

Hindi pa matiyak ni Bossing Vic kung kailan babalik mag-live telecast ang Eat Bulaga, pero may inaayos ngayon ang production staff na gawin nila pagkatapos ng Holy Week.

Continue reading below ↓

"I’m sure, yung aming mga think tank, ang aming mga writers, they’re coming up with something.

"Sila nga yung nakaisip ng 'Ba’t di tayo magsimula ng prayer brigade?' Sinimulan namin ni Pauleen kanina.

"As far as I know, after Holy week ang tentative na balik ng Eat Bulaga, either live, or hindi man siguro work from home.

"We come up with something na kami, nasa bahay, makakapanood sila nang live,” pahayag ni Bossing Vic.

Malaki ang pananalig ni Bossing sa Diyos na malagpasan natin itong pinagdadaanang pagsubok dala ng novel coronavirus.

"Sana nga, matapos na ito before Holy Week, bumaba na ang mga cases.

"Pero malamang medyo magtagal-tagal pa ito, medyo matagal pa ang ating titiisin.

"Tiis-tiis lang muna, ika nga. Malalagpasan natin.

"Kung gaano lang katagal, yun ang ating hinihintay, na malalagpasan natin itong krisis na ito."

Pinaalala rin ni Bossing Vic ang kahalagahan ng pagsunod sa social distancing guidelines para makaiwas sa virus.

Continue reading below ↓

"Pinakaimportante sa lahat ay stay home. Kung hindi ka naman bibili ng pagkain para sa iyong pamilya, bahay na lang muna tayo.

"Tambay-tambay na lang tayo, huwag nang lumabas.

"Konting tiis. Nakakasiguro ako, tayong mga Pilipino, hindi patatalo diyan. Virus lang ‘yan.

NOEL FERRER

Bukod sa pagkilos at pagtulong sa pangangailangan ng kapwa, malaki talaga ang nagagawa ng dasal. Nakakakalma at nakakabuti talaga.

Collective prayers can really bring us together, aside from pagti-Tiktok.

(Sorry, hindi ko talaga masakyan ang TikTok craze.)

Dasal-dasal po tayo!!!

JERRY OLEA

Pagtitika, hindi pagti-Tiktok, ngayong panahon ng Kuwaresma, lalo na sa Semana Santa!

Si Pope Francis ay may inalay na panalangin kay Blessed Mother Mary sa panahon ng coronavirus pandemic.

Nasa Facebook page ng Archdiocese of Manila—Office of Communications ang video na tumagal ng isang minuto at 35 segundo.

May tweet pa si Pope Francis, “We want to respond to the virus pandemic with the universality of prayer, compassion and tenderness.

Continue reading below ↓

"Let us stay united.

"I invite all Christians to direct their voices together toward Heaven, reciting the Our Father on Wednesday, 25 March, at noon. #PrayTogether"

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vic Sotto at Pauleen Luna, hinikayat ang Eat Bulaga viewers na makilahok sa prayer brigade ng noontime show. Dagdag niya, "Tiis-tiis lang muna, Malalagpasan natin itong krisis na ito."
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results