Mayor Lani Mercado, sumailalim sa self-quarantine matapos makahalubilo ang COVID-19 patient

by PEP Troika
5 days ago
Bacoor Mayor Lani Mercado, work from home muna pero sinigurong patuloy ang serbisyo sa constituents.
PHOTO/S: Gorgy Rula / Facebook

GORGY RULA

Si Bacoor Mayor Lani Mercado naman ngayon ang sumailalim sa self quarantine, pagkatapos sumailalim sa voluntary quarantine ang asawa niyang si Senator Bong Revilla.

Na-expose daw si Mayor Lani sa isang positibo sa COVID-19.

Kuwento sa amin ni Mayor Lani sa radio program namin sa DZRH nitong Marso 23, Lunes ng gabi:

"This morning po habang nagpupulong tayo, I received word na I was exposed to somebody who has COVID-19.

"Isa sa mga mayors namin dito sa Cavite ay nag-positive.

"E, we had a meeting last Monday, so I have to subject myself to home quarantine.

"Wala naman po akong sign ng sakit, malakas naman po ako.

"Konting sore throat lang, pero nama-manage ko naman. Hindi ko naman masyadong iniinda yun.

"Ang importante, magawa ko yung dapat magawa bilang alkalde po ng Bacoor."

Bukod sa enhanced community quarantine, nagpatupad din daw ng lockdown sa ilang barangay na may nag-positive sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Nagkaroon din daw ng African swine flu sa lugar ng Bacoor mayor.

Noong Lunes ng madaling-araw ay nagkaroon pa ng sunog sa may Longos, Bacoor, kung saan halos 500 na pamilya ang nawalan ng kanilang tahanan.

Kaya inayos pa raw ni Mayor Lani ang evacuation sa mga eskuwelahan, lalo pa't kailangang paghiwa-hiwalayin ang evacuees para ma-practice ang social distancing.

"One family-one classroom, spread sa iba’t ibang eskuwelahan para ma-practice po namin iyung social distancing at saka yung home quarantine, para mas maayos. Pansamantala lang naman po ito.

"Pinapakiusapan ko nga po doon sa community na huwag na sana sila mag-stay doon sa nasunugan.

"Una, baka makatapak pa po sila po doon ng may kalawang, baka matetano pa sila.

"Nagkaroon pa po kami ng African Swine Flu. Dapat po sana magkakaroon kami ng depopulation nitong nakaraang linggo, pero hindi na nga natuloy dahil sa enhanced community quarantine."

Siniguro ni Mayor Lani na ginagampanan daw niya ang trabaho na makatulong sa kanyang constituents.

Continue reading below ↓

"So, we have to focus on COVID-19, tapos ito pang nangyaring sunog.

"Kulang na lang lunukin ko na iyung bato ni Darna para magampanan ko yung ating papel.

"Pero rest assured ginagawa naman po natin ang lahat."

JERRY OLEA

Habang papatapos ang voluntary quarantine ni Senator Bong, magse-self quarantine naman si Mayora Lani. Hindi pa rin sila magkakasama.

Naalala ko tuloy ang isang eksena sa pelikulang Palabra de Honor (1983) ni Direktor Danny Zialcita.

Habang papalabas ng bilangguan si Tommy Abuel, ikukulong naman ang misis niyang si Amy Austria.

Doon sa netizens na kumukuwestiyon kung bakit konti ang laman ng food packs (dalawang kilong bigas, isang sardinas at noodles) na ipinamigay sa mga taga-Bacoor, may paliwanag si Mayora Lani.

Aniya, "Hindi lang po ito ang una. Initially, ginamit lang po namin yung kung ano lang po ang available funds po namin ngayon. Iyon po muna ang ipamamahagi.

"One hundred thousand [100,000] packs po iyan, iyung kaya lang po ng aming calamity fund ay eto po muna.

Continue reading below ↓

"First wave pa lang po iyan. May dadating pa po na susunod. Hindi pa ho iyan ang tapos.

"Kasi we have to outlast this hanggang April 14. Kasi hindi pa po natin alam kung tapos na po ito sa April 14.

"Kumbaga, ini-stretch pa po namin ang budget for finding out ways kung papano matutulungan ang ating mga kababayan.

"Hinihintay pa po natin itong emergency powers ng atin pong pangulo. Baka matulungan ang mga local government units, katulad ko na hindi naman kalakihan na kinukumpara pa nga ho kami sa ibang malalaking mga LGU.

"Kanya-kanyang paraan lang ho talaga ng pamamahagi. Pero rest assured sa mga kababayan ko, hindi pa ho… una pa lang ho iyan.

"Gusto lang ho namin mabigyan ang halos lahat na ating mga mamamayan. Inu-augment din ng mga barangay captains din namin through their calamity fund yung hindi namin maibigay, at ito ay para sa lahat."

Continue reading below ↓

Noong Enero 2020 ay lubos din ang pagtulong ni Mayor Lani sa mga Caviteño maging Batangueño na naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

NOEL FERRER

Sa halip na magpasalamat, nagrereklamo ang iba sa natatanggap nilang ayuda mula sa LGU. Ikinukumpara pa sa ibang barangay o lungsod.

Andiyan din ang tudyo na kesyo maraming barangay captain ang" pisitibo sa COPIT-20."

Sa Quezon City, 500,000 families ang bibigyan nila kaya hindi biro ang ginagastos para rito.

Ang hamon lamang natin sa mga namumuno ng lungsod o barangay, be creative and go for what is sustainable sana.

Of course, sasabihin ng iba, crisis mode kaya kung ano na lang ang mabilis at madaling gawin, iyun na!

Diyan naman naiiba ang mga namumunong may paghahanda at may likot ng isip tulad ni Pasig Mayor Vico Sotto (sorry na lang sa ibang tinimbang ngunit kulang).

Sa tulong ng mga chef ng kanyang lungsod, tinipon ni Vico ang mga ito para gumawa ng menu na sustainable at masustansiya.

Continue reading below ↓

Empowered na ang mga kalungsod mo na chef, nagbabayanihan pa sila sa pagbili ng local ingredients. Namimili sila ng fresh vegetables, meat, at iba pang sangkap.

Tapos hot meals pa nilang dini-distribute sa mga barangay.

Iyan ang essence ng kanilang mobile kitchen. Efficient na, masarap at healthy, may bayanihan pa.

Puwede namang gayahin ang ganitong best practices, para hindi lang tayo naka-depende sa canned goods at packed noodles na nakasanayang ipinapamahagi.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bacoor Mayor Lani Mercado, work from home muna pero sinigurong patuloy ang serbisyo sa constituents.
PHOTO/S: Gorgy Rula / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results