Premyadong Filipina novelist galit sa kawalan ng pag-iingat ni Senator Koko Pimentel: "Ipagdasal mong mag-isa ang sarili mo!"

by PEP Troika
4 days ago
Award-winning novelist Lualhati Bautista, mainit kay Senator Koko Pimentel sa pagpunta nito sa Makati Medical Center kahit nagpa-test na ito para sa COVID-19.
PHOTO/S: Lualhati Bautista / Senator Koko Pimentel Facebook

NOEL FERRER

"Ipagdasal mong mag-isa ang sarili mo! Hindi ka namin ipagdarasal."

Ito ang binitiwang mga salita ng premyadong manunulat na si Lualhati Bautista kay Senador Koko Pimentel nitong Marso 25, Miyerkules,

Kilala si Lualhati sa kanyang mga librong Bulaklak sa City Jail, Dekada '70, Bata, Bata… Pa'no Ka Ginawa?, at ‘GAPÔ. Ginawa ring mga malalaking pelikula ang kanyang mga akda.

Grabe ang lumabas na balita sa loob ng Makati Medical Center (MMC) nang hindi isinaalang-alang diumano ni Senator Koko ang kapakanan ng mga nakahalubilo nitong tao.

Inireklamo ng MMC ang paglabag ni Senator Koko sa istriktong home quarantine protocol gayong itinuturing siyang PUI o person under investigation para sa COVID-19.

Hindi raw tama na sinamahan pa ng senador ang misis niya sa ospital.

Bagay ba kay Senator Koko ang paalala ng GMA Stars na “Maging Tapat”?

JERRY OLEA

Nagpa-testing para sa COVID-19 at nag-voluntary quarantine sina Senator Win Gatchalian at Senator Nancy Binay noong Marso 12, Huwebes.

Continue reading below ↓

Ito raw ay dahil nalaman nilang ang isang resource person sa Senate hearing na dinaluhan nila noong Marso 5 ay positibo sa COVID-19.

Nagpa-testing din para sa virus at nag-precautionary self-quarantine rin ang mga kapwa nila senador na sina Bong Revilla, Ping Lacson, Franklin Drilon, Lito Lapid, Imee Marcos, Kiko Pangilinan, Francis Tolentino, at Migz Zubiri.

Marso 16, Lunes, nang makumpirma at inihayag ni Senator Zubiri na positibo siya sa COVID-19.

Marso 20, Biyernes, nagpa-test si Sentor Koko Pimentel dahil may nakasalamuha ito sa senado na positibo sa COVID-19.

Ibig sabihin, alam ni Senator Koko na PUI (Person Under Investigation) na siya, at dapat ay naka-quarantine na nang labing-apat (14) na araw mula nang ma-test siya.

Marso 24, Martes, nagdeklara ang Makati Medical Center (MMC) na FULL CAPACITY na sila at hindi na makakatanggap ng bagong pasyente.

Nang araw na iyon isinugod ni Senator Koko sa MMC ang misis niya na walang buwang buntis.

Continue reading below ↓

Ayon sa kanya, nasa MMC na raw siya nang makumpirma niyang positibo siya sa coronavirus.

Nakarating ang impormasyon sa MMC, na hindi pinalampas ang kawalan ng pag-iingat ng senador.

Pasado 6:00 p.m. ng Martes, Marso 25, nag-post ang MMC sa Facebook ng pagkondena nila sa ginawang "breach of infection control protocol" ni Senator Koko.

Bahagi ng official statement, "We denounce the irresponsible and reckless action of the senator."

Mahigpit kasing pinag-iingatan ng ospital ang kalusugan ng kanilang health workers sa kasagsagan ng paglaganap ng COVID-19.

Sa halip na makatulong, nakadagdag pa raw sa problema si Senator Koko dahil kailangang i-quarantine ang mga nakahalubilo nitong hospital staff ng MMC noong March 24.

Siniguro naman ng MMC na sumailalim na sa sanitation ang MMC para makaiwas sa COVID-19.

"Rest assured that stringent protocols for decontamination of the facility and evaluation of involved healthcare workers have been done."

GORGY RULA

Pairalin na lang natin ang pagiging mahinahon.

Continue reading below ↓

Wala namang magagawa na ang galit at matinding bashing.

Sinagot na ito ni Senator Koko, sa interview sa kanya ni Jessica Soho sa 24 Oras ng GMA-7.

Sinabi niyang hindi raw siya umubo at hindi siya nagkalat ng droplets sa hospital.

Kaagad daw siyang umalis ng hospital nang nakarating sa kanya ang resulta ng COVID-19 test.

Bakit ba kasi siya pumunta pa ng hospital, at hindi sinunod ang self-quarantine kung nagpa-test pala siya?

Pero wala nang magagawa ang mga kabi-kabilang pagsisisi at batikos sa senador.

Sana malagpasan ito ni Senator Koko.

Baka sakaling humupa nang slight ang galit sa kanya ng netizens kung ipapangako niyang ibibigay niya ang isang taong sahod niya bilang senador sa ating frontliners.

Sa aking pananaw, hindi makakatulong ang pag-post ni Madam Lualhati ng galit niyang iyan sa senador.

Ipagdasal na lang natin na matapos na itong pandemic at huwag nang lumala pa.

Sana, sa halip na ituon natin ang ating galit sa ganitong sitwasyon o ibuhos ang halos buong araw na pinapanood sa Netflix, baka puwede tayong magbigay ng isang oras man lang na pagsisimba online.

Continue reading below ↓

Marami kayong makikita sa You Tube. Isa na riyan ang Sambuhay TV mass.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Award-winning novelist Lualhati Bautista, mainit kay Senator Koko Pimentel sa pagpunta nito sa Makati Medical Center kahit nagpa-test na ito para sa COVID-19.
PHOTO/S: Lualhati Bautista / Senator Koko Pimentel Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results