Mga malapit na kaibigan ni Iza Calzado, isang linggo nang alam ang tungkol sa kanyang sakit

by PEP Troika
4 days ago
Sa kabila ng karamdaman, inihayag ni Iza Calzado na saludo siya sa frontliners na nag-aalaga sa kanya.
PHOTO/S: @missizacalzado Instagram

NOEL FERRER

We waited until okay na kay Iza Calzado na sabihin ang kanyang pinagdadanaan.

At heto na nga, sinabi na niya ang tungkol sa sakit niyang pneumonia.

Ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram nitong Marso 25, Miyerkules, bandang 7:24 p.m.

"Hello, everyone. It’s been a while but I thought I’d update you all.

"I'm currently hospitalized for pneumonia and so, I was tested for Covid-19 and i’ve been waiting for the results for several days now.

"It’s been a challenging time for me but it cannot compare to the frontliners who have cared for me and to whom I am so grateful.

"My heart goes out to everyone in these trying times, especially those who risk their lives every day to care for their loved ones."

And she is asking for our prayers and support for her speedy recovery.

Noong nakaraang linggo pa ay ito na ang pinagdaraanan naming mga "kapamilya" ng talent kong si Iza.

Continue reading below ↓

Patuloy ng 37-year-old actress: "I am hoping you all can join me in prayer for those who are currently sick and their loved ones, for every person struggling to cope in these tough times.

"And most especially, for the medical workers who are doing their best despite the hurdles.

"I count this time as an opportunity to be kind. To be a source of love and light. With the grace of God, i can fight this and we all fight this together."

Kasama ng asawa niyang si Ben Wintle, may personal na mensahe si Iza sa mga nag-reach out sa kanya noong una pa.

Partikular na rito ang mga kaibigang nagmamahal sa kanya. Kabilang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, Atom Araullo, Jo Ampil, Victor Neri, Joross Gamboa, Marco at Lara Alcaraz, Hidilyn Diaz, Kim Atienza.

Nagpasalamat din si Iza sa international anchor na si Rico Hizon, Martin Nievera, Gary at Angeli Valenciano, Ogie at Regine Velasquez Alcasid, at Zsa Zsa Padilla.

Continue reading below ↓

Ang mga original Sang'gre na sina Karylle, Diana Zuburi, at Sunshine Dizon ay kasama sa mga pinasalamatan ni Iza.

Lalo na raw sa kanyang Nana Cheska Iñigo.

Maging si Biñan City District Representative Len Alonte ay nauna nang nagpaabot ng concern at panalangin kay Iza.

Ito ang mensahe na ipinaabot ni Iza sa mga ito:

"Hello everyone! Thank you for your prayers. I appreciate each and everyone of you!

"I am trying my best to get better.

"Everyday is a struggle but nothing is impossible with God.

"Thank you for showering me with love. Please take good care of yourselves. Health is wealth! [heart emoji]"

Patuloy nating ipagdasal si Iza.

Kakayanin niya iyan, sa tulong ng sama-sama nating panalangin at suporta. #PrayingForIza

GORGY RULA

Mabuti na ring naglabas na si Iza ng statement kaugnay ng karamdaman niya ngayon.

Ang dami na kasing naglabasang kuwento tungkol sa kanya na mali-mali naman.

Continue reading below ↓

Ang nakuha ko pang kuwento mula sa condo unit na tinitirhan ng mag-asawang Ben at Iza Wintle, pinag-home quarantine na rin daw muna ang kapatid ni Iza pati ang mga kasambahay niya para matiyak na safe ang lahat ng nakatira roon.

Pero mas mabuting hintayin na lang ang update sa kalagayan ng Kapamilya actress, at huwag na lang maniwala basta-basta sa mga kumakalat na kuwento.

Kagaya nitong nangyari sa Ramon Magsayasay awardee for Theatre na si Cecille Guidote-Alvarez.

Hinihintay pa rin ang resulta ng COVID-19 test niya, habang naka-confine ito sa ospital.

May kumalat na ring kuwento na nasa maselan na raw siyang kalagayan, dulot ng COVID-19.

Nagka-pneumonia rin daw si Mrs. Alvarez, pero hindi pa masabi kung infected na nga ba siya ng novel coronavirus.

Ang hinihingi na lang ng mga taong malapit sa kanya, nawa’y malagpasan ito ni Mrs. Alvarez.

JERRY OLEA

Marso 17, Martes, nang inamin ni Christopher de Leon sa kanyang social media account na positibo siya sa COVID-19.

Continue reading below ↓

"I therefore ask anyone who has come in contact me within the last week or two to observe stringent self-quarantine, observe for symptoms and follow the triage procedures published by the DOH, whether asymptomatic or not,” bahagi ng pahayag ng beteranong aktor.

Kasali si Boyet, palayaw ni Christopher, sa Kapamilya teleseryeng Love Thy Woman.

Tampok sa serye sina Xian Lim, Kim Chiu, Yam Concepcion, Eula Valdes, Sunshine Cruz, Zsa Zsa Padilla, at Ruffa Gutierrez.

Marso 18, Miyerkules, naglabas ng official statement ang ABS-CBN kaugnay ng kalagayan ng cast and staff ng Love Thy Woman.

Bahagi ng pahayag ng Dos: “We have advised those who might have interacted with him [Christopher de Leon] during the tapings of Love Thy Woman in the last two weeks to undergo self quarantine.”

Matapos ang pag-amin ni Boyet, bulung-bulungan sa showbiz circles na isang magandang aktres ang pinagsususpetsahang positibo rin sa COVID-19.

Ewan kung si Iza ang tinutukoy sa haka-hakang iyon.

Continue reading below ↓

At any rate, inihayag ni Sunshine na ngayong Miyerkules, March 25, natapos ang 14-day self-quarantine niya.

"Well rested ako and very strong," sabi ni Sunshine sa kanyang Facebook post.

"Thank you Lord! My children, staff and I are all healthy here at home."

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kabila ng karamdaman, inihayag ni Iza Calzado na saludo siya sa frontliners na nag-aalaga sa kanya.
PHOTO/S: @missizacalzado Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results