Dasal para sa paggaling ni Iza Calzado, bumuhos mula sa kapwa niya artista

by PEP Troika
3 days ago
Bumuhos ang pagmamahal at pagdarasal para sa aktres na si Iza Calzado, na kasalukuyang naka-confine sa ospital dahil sa pneumonia. Hinihintay rin ni Iza ang resulta ng isinagawang COVID-19 test sa kanya.
PHOTO/S: Sandro Paredes / Iza Calzado Instagram

NOEL FERRER

Nakaka-touch naman at inihandog ni Martin Nievera ang kanyang FB Live concert nitong Marso 25, Miyerkules ng gabi, kay Iza Calzado.

Noong Marso 22, Linggo, pa alam ni Martin ang kalagayan ni Iza.

Tahimik nitong ipinagdadasal ang premyadong aktres, kasabay ng iba pang mga patuloy na nagpapakita ng pagmamahal at suporta sa premyadong aktres.

Nagpaabot ng concern ang World Wildlife Fund, na mangunguna sa Earth Day sa Sabado, Marso 28.

Kasama sana si Iza sa selebrasyong ito bilang National Ambassador.

Pati ang mga kasama ni Iza sa teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin, ang mga Sang'gre (Sunshie Dizon, Karylle, at Diana Zubiri), at Ouija girls (Judy Ann Santos, Jolina Magdangal, at Rhian Ramos) ay solid na nakasuporta sa kanya.

Ako mismo, na manager niya, I have been praying for Iza, na napaka-conscious sa health and wellness.

At dahil diyan, ipinagdarasal nating malalampasan niya itong pagsubok na ito.

JERRY OLEA

Continue reading below ↓

Napakaraming nagmamahal at nagmamalasakit kay Iza, na nagdarasal para sa kanya.

Kabilang sa Prayer Warriors ng premyadong aktres sina Coney Reyes, Candy Pangilinan, Paolo Paraiso...

Yayo Martinez, Ces Quesada, Nadia Montenegro, Angelu de Leon, Eric Pineda, Moy Ortiz, William Lorenzo, Joey Benin...

Pokwang, Bojo Molina, Ruby Ruiz, Dulce, Maribeth Bichara, Nino Alejandro, Leo Valdez, Lotlot de Leon, Juan Sarte III, Jet Pangan...

Dingdong Avanzado, Ai Ai de las Alas, Chris Cahilig, Direk Cris Pablo, Tim Pavino, Mark Dionisio, at marami pang iba.

May nagkomento pang dapat masilayan ni Senator Koko Pimentel ang pagdagsa ng mga dalangin para kay Iza.

GORGY RULA

Malaki ang pag-asang malagpasan ito ni Iza.

Dito nakikita ang pagmamahal ng bawat isa sa industriyang ginagalawan natin.

Kaya ilang grupo ng mga taga-showbiz ang patuloy na nagdarasal para sa isa pang magaling na aktor, na kasalukuyang naka-confine rin pala sa ospital kung saan nandoon din si Iza.

Wala pa siyang announcement kung ano ang karamdaman niya, at wala ring pahayag ang kanyang pamilya.

Continue reading below ↓

Sobrang nabahala lang ang mga malalapit niyang kaibigan dahil nag-post ito sa kanyang Facebook account ng “Goodbye.”

Hindi nila alam kung ano ang ibig niyang sabihin o baka nagbibiro lang siya.

Pero sana, hindi mangyayari ang kinatatakutan ng mga kaibigan niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bumuhos ang pagmamahal at pagdarasal para sa aktres na si Iza Calzado, na kasalukuyang naka-confine sa ospital dahil sa pneumonia. Hinihintay rin ni Iza ang resulta ng isinagawang COVID-19 test sa kanya.
PHOTO/S: Sandro Paredes / Iza Calzado Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results