Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Kapatid ni Ruby Rodriguez na si Dr. Sally Gatchalian, pumanaw na dahil sa COVID-19

by PEP Troika
Mar 26, 2020
Malungkot na ibinalita ni Ruby Rodriguez (kanan) ang pagpanaw ng kanyang kapatid na si Dr. Sally Gatchalian (kaliwa) ngayong Huwebes ng umaga, March 26.
PHOTO/S: Facebook / Instagram

NOEL FERRER

Pumanaw na ang kapatid na doktor ng actress-host na si Ruby Rodriguez dahil sa COVID 19.

Si Dr. Salvacion "Sally" Rodriguez-Gatchalian ay binawian ng buhay nitong ala-sais ng umaga, Huwebes, March 26.

Si Dr. Gatchalian ang presidente ng Philippine Pediatric Society.

Kinumpirma mismo ni Ruby ang pagpanaw ng kapatid, sa pamamagitan ng isang official statement na ibinahagi niya sa Facebook:

As of 6am my sister Dr Sally Gatchalian who fought really hard, Has Joined our Lord God and creator.

"We her family Thank you all sincerely for Praying with us.

"Stay Safe and keep on praying”


Continue reading below ↓

Mahirap magkasakit at mamatay ngayon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang layo ng mga tao dahil sa social distancing. Naiiyak na lang ako.

Ipinararating natin ang pakikiramay sa pamilya nina Ruby at ng yumaong kapatid na doktor.

JERRY OLEA

Mensahe ni Ali Sotto sa Facebook nitong Huwebes ng umaga:

“Another fallen hero lost her battle with CoViD 19 but has won not only our hearts but also a place in God’s heavenly kingdom.

“Rest in peace, Dra. Sally Gatchalian. Our deepest sympathies to Ruby Rodriguez and the loved ones who grieve for their loss.”

Paano na tayo kung isa-isang nalalagas ang frontliners sa War vs COVID-19?

Sa ganitong kaganapan, napakahirap humagilap ng compassion sa ating puso para kay Senator Koko Pimentel, na inilagay sa panganib ang mga doktor, nars, mga pasyente, at iba pang mga tao sa Makati Medical Center.

GORGY RULA

Noong ipinagdasal pa lang ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna ang Ninang Sally nila, hindi napigilang maluha ni Pauleen.

Continue reading below ↓

Ngayong 6:00 ng umaga nga raw pumanaw si Dra. Sally Gatchalian, na kinumpirma sa akin ni Pauleen.

Hindi pa raw niya alam kung ano ang susunod na plano nina Ruby sa pagpanaw ng kanyang ate.

Sandali lang daw silang nag-usap ni Ruby.

Ang hinihingi nila ay patuloy na pagdarasal na matapos na ito, at sana ay wala nang health workers na maapektuhan ng COVID-19.

Bukod sa proteksyunan natin ang ating sarili sa pagsunod sa ipinapairal na home quarantine, bigyan din sana ng proteksiyon ang ating health workers, ang ating frontliners.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malungkot na ibinalita ni Ruby Rodriguez (kanan) ang pagpanaw ng kanyang kapatid na si Dr. Sally Gatchalian (kaliwa) ngayong Huwebes ng umaga, March 26.
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results