Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Ano ang pagkakaiba nina Migz Zubiri at Sonny Angara kay Koko Pimentel?

by PEP Troika
Mar 26, 2020
Sino ang pasaway? Sina Miguel Zubiri, Sonny Angara, at Koko Pimentel ang tatlong senador na dinapuan ng COVID-19.
PHOTO/S: Migz Zubiri / Sonny Angara / Koko Pimentel Facebook

NOEL FERRER

Malapit sa showbiz si Senator Sonny Angara.

Kasama namin siya sa Metro Manila Film Festival noong 2016 bilang Senate representative.

At ang kanyang asawang si Tootsy Angara ay isang mabuting kaibigan at kasamahan sa media.

Kaya nalungkot ako nang aminin ni Senator Sonny na positive siya sa COVID-19 nitong Marso 26, Huwebes ng 1:31 p.m., sa kanyang Facebook page.

I hope Senator Sonny will be well. I gathered that Tootsy tested negative.

Samantala, nakakabawas points sa kredibilidad ni Senator Koko Pimentel ang pag-amin ng S&R Philippines ngayong Huwebes ng hapon na nagpunta siya sa S&R BGC noong Marso 16, Lunes.

May CCTV footage na nagtse-checkout siya sa Counter 13 ng 1:59 p.m.

Di ba, Marso 12 pa lang ay nag-umpisa na raw niyang i-isolate ang sarili?

Humiwalay na siya ng kuwarto sa kanyang asawa. Kesyo naka-quarantine na siya, pero nag-grocery sa S&R BGC?

Ayun, ilang buhay pa ba ang mailalagay sa alanganin dahil sa kapabayaan niya at kawalan ng personal na disiplina?

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hindi ako nagtataka na meron nang nagsi-circulate na resignation petition para kay Senator Pimentel.

Habang ang Department of Justice ay hinikayat ang taumbayan na pairalin ang COMPASSION para sa senador.

Sana, ang COMPASSION, ibinibigay sa lahat! #SanaAll

JERRY OLEA

Marso 12, Huwebes, naka-voluntary quarantine na ang sampung senador.

Kabilang sina Win Gatchalian, Nancy Binay, Bong Revilla, Ping Lacson, Franklin Drilon, Lito Lapid, Imee Marcos, Kiko Pangilinan, Francis Tolentino, at Migz Zubiri.

Continue reading below ↓

Marso 16, Lunes, inihayag ni Migz Zubiri na positibo siya sa COVID-19. Nananatili siyang naka-quarantine.

Marso 20, Biyernes, nagpa-test si Senator Koko Pimentel.

Marso 24, Martes ng gabi, dinala ni Senator Koko sa Makati Medical Center (MMC) ang eight-month pregnant wife niya para magpa-Caesarean.

Sabi ni Senator Koko, nasa MMC siya nang malaman niyang positive siya sa COVID-19.

Marso 25, Miyerkules, kinondena ng MMC at ng netizens ang ginawa ng senador na "breach of infection control protocols."

Kapagkuwan ay umamin si Senator Koko sa kanyang pagkakamali.

Dinepensahan si Senator Koko ng kanyang misis na si Kathryna Yu.

"For weeks now he was in self quarantine and practicing social distance. We don't even share a room for 10 days already," ani Kathryna.

E, may ebidensiya na nasa loob ng S&R BGC si Senator Koko noong Marso 16.

Kaya anong uri ang self-quarantine niya?!?

Marso 26, Huwebes ng hapon, sumunod si Senator Sonny Angara na positibo rin sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Si Senator Sonny ang ikatlong senador na umaming may coronavirus.

Noong Marso 16 pa nagpa-test si Senator Sonny, at mula noong araw na iyon ay naka-quarantine na siya.

Ibang-iba sina Senator Migz at Senator Sonny kay Senator Koko.

Dalangin nating malagpasan nina Senator Migz at Senator Sonny ang pagsubok na pinagdaraanan nila.

GORGY RULA

Ayon sa ilang napagtanungan namin, talagang may nararamdaman nang sintomas si Senator Angara kaya nagdududa na rin siya.

Nakausap ko rin si Senator Bong Revilla, at medyo nag-aalala na rin siyang baka mayroon siyang virus. Pero wala raw siyang nararamdamang kakaiba.

Natapos na niya ang 14-day home quarantine na sinumulan ng mga senador noong March 12.

Pero hindi pa raw masabi ni Senator Bong na COVID-free na siya dahil hinihintay pa niya ang resulta ng test.

Basta, ang lagi na lang niyang sinasabi ay mag-ingat at huwag lumabas sa ating mga tahanan.

Nakakatakot na raw, pero patuloy pa rin tayo sa pagdarasal.

Continue reading below ↓
Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino ang pasaway? Sina Miguel Zubiri, Sonny Angara, at Koko Pimentel ang tatlong senador na dinapuan ng COVID-19.
PHOTO/S: Migz Zubiri / Sonny Angara / Koko Pimentel Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results