Health condition ni Iza Calzado, ginagawan ng fake news?

by PEP Troika
Mar 27, 2020
Asawa ni Iza Calzado na si Ben Wintle, ibinalitang mas gumaan ang pakiramdam ngayon ng aktres. Naka-confine pa rin sa ospital si Iza at doon nagpapagaling.
PHOTO/S: @missizacalzado Instagram

NOEL FERRER

Aaminin ko, kinabahan ako sa text sa akin ng isang news reporter nitong Marso 26, Huwebes ng gabi, tungkol sa kalagayan ng aking talent na si Iza Calzado.

Hindi ko na tutukuyin ang tsikang yun, kasi hindi naman totoo.

Pero kung saan man nanggagaling ang mga ganoon, tigilan na po ninyo at hindi nakakatulong.

Mas magandang i-lift na lang natin ang spirits ng isa’t isa, at patatagin ang pagkatig natin sa pag-asa.

Sabi ng asawa ni Iza na si Ben Wintle, stable ang lagay ng aktres at mas maayos ang breathing nito kumpara noong nakaraang araw.

Kung anuman ang resulta ng kanyang COVID-19 test, ang sabi lang ni Ben ay "Don’t know..."

Wala pang nakakarating sa kanila after mag-test si Iza.

Ngunit ano pa man yun, mas proactive isipin na kung meron ka man sakit, ang mahalaga ay maalagaan mo ang sarili nang mas maayos kasama ng ibang tao.

Continue reading below ↓

Ipagpatuloy pa natin ang #PrayingForIza para sa agaran niyang paggaling.

JERRY OLEA

Sa Instagram post ni Iza Calzado noong Marso 25, Miyerkules, inilahad niyang ilang araw na niyang hinihintay ang resulta ng kanyang COVID-19 test.

Pumanaw ang Mulatto singer na si Joey Bautista nang hindi niya nakumpirma na may coronavirus siya.

Ganoon din ang beteranong aktor na si Menggie Cobarrubias.

Kaya nanlumo tayo nang ipangalandakan ng misis ng isang makapangyarihang pulitiko na nakapagpa-test silang buong pamilya at mga kasambahay nila.

At nakuha nila ang resulta sa loob ng 24 oras. Nakakagigil!

GORGY RULA

Naka-confine si Iza sa ospital kung saan na-confine noon si Menggie Cobarrubias.

Napansin naming nag-comment ang asawa ni Menggie na si Gina Jorge-Cobarrubias sa isang post na humihingi ng dasal para sa agarang paggaling ni Iza.

Comment doon ni Gina, "You will get through with this Iza. Stay strong."

Madaling bumuo ng espekulasyon dahil sa haka-haka ng ibang tao.

Continue reading below ↓

Nakakabahala lang na may mga pumapatol sa kumakalat na fake news, at isa pa si Iza sa nabiktima.

Kaya tama lang na parusahan ang mga nagkakalat ng fake news.

Mukhang matagal-tagal pa ang paghihintay sa resulta ng COVID-19 test ni Iza.

Basta ang mahalaga ay papagaling na siya.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Asawa ni Iza Calzado na si Ben Wintle, ibinalitang mas gumaan ang pakiramdam ngayon ng aktres. Naka-confine pa rin sa ospital si Iza at doon nagpapagaling.
PHOTO/S: @missizacalzado Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results