Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Rico Hizon, from BBC to CNN Philippines; kanta ni Vice Ganda sa COVID-19, patok online

by PEP Troika
Mar 27, 2020
Pagkatapos ng 17 taon ay nilisan na ng Pinoy anchor na si Rico Hizon (kaliwa) para maging chief anchor at head ng Content for News Broadcast ng CNN Philippines; ang kanta naman ni Vice Ganda (kanan) tungkol sa coronavirus ay halos 1 million na ang views sa YouTube.
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER

Ang premyadong Pinoy international news anchor na si Rico Hizon ang magiging bagong chief anchor at head ng Content for News Broadcast ng CNN Philippines.

Nilisan na ni Rico ang British Broadcasting Corporation (BBC) pagkatapos ng 17 taon.

He will be on air sa CNN Philippines starting March 30, Monday, 9 p.m.

Continue reading below ↓

Ito ang balitang ibinahagi niya sa ating Level Up program sa Radyo Inquirer.

Naka-home quarantine pa si Rico pagkagaling niya ng Singapore, at naghahanda na sa kanyang bagong posisyon after serving CNBC and BBC for 25 years.

“There’s a lot to learn from how the world is battling this coronavirus pandemic.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"We should get the best practices in every country, and now, more than ever, help each other in overcoming this.

“We just need to get the truth from our news sources," sabi ni Rico.

Magiging katapat ng newscast ni Rico ang paborito kong show ni Jessica Soho, na binati rin namin ng Happy Birthday ngayon sa Level Up.

Pagkatapos makuha ni Rico ang best practices abroad, ibubuhos naman niya sa bansa ang kanyang expertise, at ang mga kababayan pa rin ang kanyang pagsisilbihan.

Isa si Rico sa producers ng Sabel, The Musical (2015), being part of the BenCab Foundation, kaya ipinaabot din ni Rico ang kanyang concern sa kaibigang si Iza Calzado.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Kailangang palakasin talaga ngayon ang mga news channel.

Dito mas nakatutok ngayon ang mga taong naka-quarantine sa kani-kanyang tahanan.

Kailangan updated sila sa pagkalat ng COVID-19 sa ating bansa, na sana ay matapos na ang pagtaas ng bilang ng mga taong nahahawa ng kinatatakutang sakit.

Noong nakaraang Linggo, March 22, mataas ang rating ng COVID-19 coverage sa 24 Oras. Nakakuha ito ng 8.8%, ayon sa AGB NUTAM.

Ang Kapuso Mo, Jessica Soho, na may kuwento rin tungkol sa COVID-19, ay nakapagtala ng 21.1%.

Samantala, kahit nakalikom ng malaking halaga ang "Pantawid ng Pag-ibig" ng ABS-CBN, nakakuha lamang ito ng 6.1%.

Mukhang maiiba na ang format ng mga programa sa dalawang higanteng network simula next week.

Inaayos na ng Eat Bulaga! ang kanilang live streaming na baka simulan sa susunod na linggo.

Ewan kung mayroon ding pinaghandaan ang Kapamilya Network.

JERRY OLEA

Umabot sa P256.7M ang nalikom ng "Pantawid Ng Pag-ibig" fund drive, na nagtanghal ng halos anim na oras na concert noong Marso 22, Linggo ng gabi, sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Doon unang nagpasiklab ang music video ng novelty song ni Vice Ganda na "Corona Ba-Bye Na."

As of March 27, Friday ay umabot na sa 923K views ang nasabing music video sa YouTube channel ni Vice Ganda.

Sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment ay naka-318K views na iyon.

Andoon din ang kani-kanyang pagsayaw ng It’s Showtime hosts na sina Vhong Navarro (70K views), Teddy Corpuz (31K views), at Karylle (27K views).

Continue reading below ↓

Ang lyrics video nito sa YouTube channel ng ABS-CBN Star Music ay umabot na sa 136K views.

Pagkarami-raming nag-"Corona Ba Bye" na sa YouTube.

Tweet ng It’s Showtime nitong Marso 26, Huwebes, “Sa lahat ng Madlang People sa bahay! Magsaya muna dahil nandito na ang ultimate solusyon para iwas-takot at iwas-bagot -- ang ‘CORONA BA-BYE NA! FAMILY DANCE CRAZE

“I-send na ang videos ninyo sa It's Showtime Facebook Messenger! And don't forget to practice Social Distancing!”

Siyanga pala, tinatayang 200,000 pamilya o higit pa sa Metro Manila ang tatanggap ng pagkain at iba pang pangangailangan sa araw-araw mula sa "Pantawid ng Pag-ibig" ng ABS-CBN.

Ihahatid ng Kapamilya Network ang unang bugso ng ayuda worth P100M ngayong Marso 28 at 29, Sabado at Linggo.

Ang mga local government unit (LGUs) ang maghahanda at magdadala ng relief packages sa bahay ng mga Pilipinong walang kita at hanapbuhay dahil sa enhanced community quarantine sa Luzon.

Continue reading below ↓

Nagpasalamat ang Kapamilya network sa lahat ng donors, maging sa mga pribadong kumpanya na siniguradong may stock ng kanilang produkto para sa "Pantawid ng Pag-ibig."

Kabilang dito ang bigas, delata, noodles, biskwit, gatas, kape, shampoo, sabon, detergent, at bitamina.

Malaking bahagi rin ang ginagampanan ng Armed Forces of the Philippines, Air 21, at Entrego, na kumukuha ng mga produkto mula sa warehouse ng ABS-CBN at naghahatid sa iba-ibang LGUs.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ng 17 taon ay nilisan na ng Pinoy anchor na si Rico Hizon (kaliwa) para maging chief anchor at head ng Content for News Broadcast ng CNN Philippines; ang kanta naman ni Vice Ganda (kanan) tungkol sa coronavirus ay halos 1 million na ang views sa YouTube.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results