Senator Manny Pacquiao, naka-self quarantine noon pang March 19

by PEP Troika
Mar 27, 2020
Ayon sa business manager ni Senator Manny Pacquiao (nasa larawan), noon pang March 19 naka-quarantine ang senador. March 27, 2020 naman ang petsa ng sulat ng barangay captain ng Barangay Dasmarinas kung saan sinabihan siyang manatili sa bahay.
PHOTO/S: Manny Pacquiao Instagram

JERRY OLEA

Nag-donate si Senador Manny Pacquiao ng 700,000 face masks sa medical frontliners kontra COVID-19 noong Marso 17, Martes.

Kabilang sa pinagkalooban ni Pacman ang DOH, DSWD, PNP, AFP, MMDA at RITM.

“Noong March 18, nagpahiram naman si Senador Manny Pacquiao ng limang bus sa MMDA, na ginagamit nang free shuttle para sa medical frontliners.”

Ito ang kuwento ng business manager ni Pacman na si Arnold L. Vegafria nang maka-chat namin nitong Marso 27, Biyernes ng gabi.

“March 19, nag-start ang quarantine niya sa Barangay Dasmariñas, Makati City.”

Dahil naka-quarantine na si Senador Pacquiao, wala siya sa formal turnover ng Manny Pacquiao Foundation ng 57,000 COVID-19 test kits sa Philippine government nitong Marso 27, Biyernes ng 1:00 p.m., sa NAIA Customs office.

Mahigit P400M ang halaga ng test kits, na donasyon sa Pilipinas ng bilyonaryong si Jack Ma, kaibigan ni Pacman at founder ng Alibaba.

Post ni Arnold sa FB, “It's heartwarming to know that we have concerned friends and allies from all over the world who are very generous with their resources and initiatives in helping their Filipino brothers in this fight against COVID-19.”

Continue reading below ↓

Dagdag niya, “The test kits were turned over to the Department of Health by the Manny Pacquiao Foundation, and we hope to disseminate these much-needed test kits to our hospitals to help curb the spread of the virus.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“We can only hope and pray that this wave of global cooperation and charity will be a big step in winning this battle.”

Kinumpirma ni Arnold na natanggap ni Pacman ang liham ng barangay captain ng Barangay Dasmariñas, na may petsang Marso 27, 2020.

Kung naka-quarantine na si Pacquiao noon pang Marso 19, bakit sinulatan pa ng barangay captain ang senador na mag-quarantine?

“Maybe hindi alam ng barangay captain,” sagot ni Arnold sa PEP Troika.

Ano ang reaksiyon ni Pacquiao pagkatanggap ng liham ng barangay captain?

“They just obey the rule of their village,” sabi ni Arnold.

NOEL FERRER

Napakinggan ko sa DZMM ang interview ng Barangay Captain ng Barangay Dasmariñas, Makati City, kung saan nakatira si Senator Pacquiao.

Continue reading below ↓

Ang sabi lang ay nakahanda ang mga tao sa barangay na tumulong sa naka-quarantine na senador na ibigay ang pangangailangan nila— tuparin lang nila nang tapat ang quarantine rule.

Para rin wala nang maapektuhang ibang buhay sa kanilang lugar.

Marami rin daw ibang senador na nakatira sa naturang subdivision na nag-reach out sila, hindi lang kay Senator Pacquiao.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa business manager ni Senator Manny Pacquiao (nasa larawan), noon pang March 19 naka-quarantine ang senador. March 27, 2020 naman ang petsa ng sulat ng barangay captain ng Barangay Dasmarinas kung saan sinabihan siyang manatili sa bahay.
PHOTO/S: Manny Pacquiao Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results