Corona Ba-bye Na ni Vice Ganda, may 1M views na sa YouTube

by PEP Troika
Mar 28, 2020
One million views na sa YouTube ang "Corona Ba-bye Na," na ginawa ni Vice Ganda in the time of COVID-19
PHOTO/S: Screen grab from Vice Ganda on YouTube

GERRY OLEA

Lumampas na sa one million views ang music video ng Corona Ba-Bye Na sa YouTube channel ni Vice Ganda.

The same music video ay naka-381K na sa YT channel naman ng ABS-CBN Entertainment, samantalang ang lyrics video ay umabot na sa 144K views.

Nag-premiere ang nasabing music video sa Pantawid Ng Pag-ibig: At Home Together Concert noong Marso 22, Linggo ng gabi, sa ABS-CBN.

Tumatak sa akin nang bonggang-bongga ang linya ng novelty song na, “Ang bet naming korona, kay Pia lang at Catriona.”

Vice Ganda

Continue reading below ↓

E, di ba, rampa nang rampa sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray sa iba’t ibang panig ng universe? Huwag sana silang magka-coronavirus, or else...nakakawindang ang implication ng kantang iyan ni Vice Ganda!!!

Continue reading below ↓
Recommended Videos

NOEL FERRER

Bukod sa kanta ni Vice Ganda, ang ganda lang na may surge din ngayon ng mga kantang meant to inspire more people.

Nandiyan ang kanta nina Alvina Sy at Homer Flores na “Buhay Mo Ay Buhay Ko” na inawit ni Martin Nievera, at iyong kay Vehnee Saturno naman na “Bayani Ng Mundo” na inawit nina Kuh Ledesma, Dulce, Ivy Violan, Jamie Rivera, Bayang Barrios, Esang de Torres, Kris Lawrence at Ladine Roxas.

Ang mga ito ay pawang pagsaludo sa frontliners, medical practitioners, at health workers sa panahon ng COVID-19.

That is, of course, apart from the star-studded “We Heal As One” song nina Mr. C (Ryan Cayabyab) na na-launch earlier.

Meron ding simple ngunit napaka-swak sa puso na kanta ang Himig Handog Grand Winner Direk Joven Tan, na inawit ni Arman Ferrer—ang “Itatawid Ka Niya.”

Awit naman ito para sa ating lahat na nagbibigay ng pag-asa na malalampasan natin itong pagsubok na ito sa tulong ng Diyos at ng isa’t isa.

Continue reading below ↓

At least, itong “Itatawid Ka Niya” ay nakakanta ko dahil madali lang naman ang tono. Iyong iba, mag-e-effort pa lang akong aralin.

Anupaman ito, kailangan natin ang musikang ganito na nakakapag-papakalma sa ating mga bagabag.

GORGY RULA

Maganda naman talaga itong ginagawa ng ating mga kilalang artists. Pero nangangalahati pa lang tayo sa ipinapairal na isang buwang enhanced community quarantine, ang dami nang umaaray, ang dami nang humihingi ng tulong.

Ang concern nating lahat ay iyong sinasabing poorest of the poor, na mas mahalaga ay kung ano ang kakainin sa mga susunod na araw.

Ang susunod ay ang mga COVID-19 patients na hindi na tinatanggap ng ilang hospitals.

Ang isa pang concern ay ang mga health workers natin na kinukulang na talaga.

Hindi nila maa-appreciate ang mga awiting ito kung hindi pa natutugunan ang talagang kinakailangan ng karamihan.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
One million views na sa YouTube ang "Corona Ba-bye Na," na ginawa ni Vice Ganda in the time of COVID-19
PHOTO/S: Screen grab from Vice Ganda on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results