Iza Calzado, maayos ang disposisyon sa kabila ng pagkakaroon ng COVID-19

by PEP Troika
Mar 28, 2020
Nagpapasalamat si Iza Calzado sa lahat ng patuloy na nagpapaabot ng mensahe ng panalangin at pagmamahal sa kanya, kasama na ang pamunuan ng Kapamilya network na nakasuporta sa kanya.
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER

Maayos at kalmado ang Iza Calzado na kapalitan ko ng mensahe kanina lang ukol sa kanyang kalagayan.

Sinabi ko sa kanya na marami kaming gising ng ala-una kaninang madaling-araw para tanggapin ang blessing ng Santo Papa para kay Iza.

Pati ang isa pa naming alaga na si Atom Araullo ay gising at concerned at naghahangad ng agarang paggaling ni Iza.

“Ang importante, hindi sumasama ang kundisyon at OK naman ang oxygen niya.

"Sana mag-improve pa siya at malakas naman iyang si Iza," sabi ni Atom.

Masaya lang ako at very lucid at maayos ang disposisyon ni Iza sa lahat ng ito.

Ang sabi niya sa akin, “Getting better one day at a time.”

Nagpapasalamat si Iza sa lahat ng patuloy na nagpapaabot ng mensahe ng panalangin at pagmamahal sa kanya, kasama na ang pamunuan ng Kapamilya network na nakasuporta sa kanya.

At kapag umokey na ang tests sa kanya at tapos na ang antibiotics, puwede na siyang umuwi katulad ni Papa Boyet de Leon, na alam kong nag-reach out din sa kanya.

Continue reading below ↓

Sa lahat ng ito, kaya alam kong OK si Iza ay nang sabihin niya sa akin na, “Ako ang tunay na may CORONA!”

GORGY RULA

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Malaking leksiyon sa atin itong pinagdaraanan nating COVID-19 crisis.

Pagkatapos nitong lahat, maging normal na sana ang takbo ng buhay, at puwede na nating gawing katatawanan at idaan sa biro ang lahat ng hirap na pinagdaanan.

Sabi nga ni Vice Ganda sa kanyang kanta, “Corona, ba bye na.”

Kay Iza naman, puwede na natin sabihing, “Sa ‘yo na ang Corona, Iza. Sa ‘yong sa ‘yo na!”

Malaking aral ito kay Iza.

Kaya sa mga kilalang taga-showbiz, puwede siyang gawing spokesperson nitong COVID-19, ka-partner si Christopher de Leon.

Willing daw kasi si Iza na magsalita tungkol dito para ma-educate ang mga tao tungkol sa nakakatakot na virus na ito.

Isa rin kami sa naghahangad na mapabilis ang kanyang paggaling.

Sana, hindi na siya makahawa pa, lalo na ang asawa niyang si Ben Wintle na hindi raw nakikitaan ng symptoms sa ngayon.

Continue reading below ↓

Laban, Iza! At huwag mo nang isalin sa iba ang Corona’ng ‘yan!

JERRY OLEA

Sa computer-animated musical adventure film ng Disney na Tangled (2010), ang bidang si Rapunzel ay ni-LOCKDOWN ni Mother Gothel sa isolated tower.

Naka-involuntary quarantine.

Hindi alam ni Rapunzel na isa siyang prinsesa, ang nag-iisang anak ng hari at reyna ng kaharian ng Corona.

Sa local showbiz, masasabi nating sina Christopher at Iza ang King and Queen of Corona, at ang mga susunod ay prinsipe at prinsesa.

Pero siyempre, ang Koronang Itim (1994), kay Snooky Serna.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagpapasalamat si Iza Calzado sa lahat ng patuloy na nagpapaabot ng mensahe ng panalangin at pagmamahal sa kanya, kasama na ang pamunuan ng Kapamilya network na nakasuporta sa kanya.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results