Sam Milby may mensahe sa mga nag-alalang baka may COVID-19 siya

by PEP Troika
Mar 29, 2020
May mga nag-alala kay Sam Milby nang mabalitaang positive sa COVID-19 ang co-star niya sa upcoming Ang Sa Iyo Ay Akin na si Iza Calzado.
PHOTO/S: @samuelmilby on Instagram

JERRY OLEA

“...I’m healthy with no symptoms, nasa bahay lang doing self-quarantine.”

Ito ang pahayag ni Sam Milby sa kanyang Instagram account nitong Marso 28, Sabado ng gabi.

Co-stars sina Sam at Iza Calzado sa forthcoming Kapamilya teleserye na Ang Sa Iyo Ay Akin, na nagtatampok din kina Jodi Sta. Maria, Lito Pimentel, Albie Casiño, at Maricel Soriano.

Dahil positive and COVID-19 test result ni Iza, marami ang nag-alala sa kalusugan ng aktor.

Hiniling ni Sam sa kanyang IG followers na isama si Iza sa pang-araw-araw na panalangin.

Ang post pa ni Sam, “Let’s keep praying for Iza, and for everyone na nagtest positive, their families who are anxious too...”

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Umamot din si Sam ng dasal para sa health workers at iba pang frontliners na itinataya ang kanilang kaligtasan at buhay para sa ating lahat.

NOEL FERRER

Salamat kay Sam sa pag-engganyo ng dasal para kay Iza, ang aking alaga. Much appreciated coming from Iza’s co-star.

GORGY RULA

Bukod sa contact tracing na ginagawa kapag may nag-positive sa COVID-19, dapat yatang simulan na rin ang tracing sa mga nagkakalat ng kung anu-anong tsismis na ini-involve ang ibang tao.

Kagaya nitong kay Sam, aware na rin pala siya na isa siya sa pinagdududahang nahawaan.

Iyan ang isang virus na ang hirap talagang maapula—ang virus ng fake news!

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May mga nag-alala kay Sam Milby nang mabalitaang positive sa COVID-19 ang co-star niya sa upcoming Ang Sa Iyo Ay Akin na si Iza Calzado.
PHOTO/S: @samuelmilby on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results