Hunk actor at gandarang celeb, hinamak pati COVID-19 sa ngalan ng pag-ibig

by PEP Troika
Mar 30, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Pasintabi sa dakilang makata ng ating lahi, “O, Pag-ibig na makapangyarihan! Kapag pumasok sa puso ninuman, hahamakin pati COVID-19, masunod ka lamang!”

Sa paglaganap ng coronavirus, yumabong ang pagmamahalan ng hunk actor at gandarang celebrity.

Hindi balakid ang social distancing at community quarantine—kahit pa ang dilag ay rumampa sa isang lungsod sa Europa na pugad ng COVID-19.

Ang kanilang puso, naka-lockdown sa isa’t isa.

Nagkatrangkaso ang hunk actor, at nahawaan niya ang isang katrabaho.

Ayun, lumutang tuloy ang wagas na pagsinta nila ng dalagang ubod ng ganda!

GORGY RULA

Karapatan nilang itago kung ano talaga ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Pero tiyak na hindi sila tatantanan kung ano ba talaga ang totoo.

Ang hindi ko lang gusto, bakit si gandarang celebrity ay hindi nilinaw kung ano ang ginawa niya pagkagaling ng Europa?

Definitely, hindi siya nag-voluntary quarantine para matiyak na safe ang mga taong nakakasalamuha niya.

Nagpa-COVID test ba siya?

Continue reading below ↓

Si hunk actor naman ay naging maingat din sana sa mga nakatrabaho niya gayong may nararamdaman pala siya.

Sa panahon ngayon, dapat ay nagiging maingat sa lahat ng bagay at okay lang maging praning at maarte para mapangalagaan ang sarili.

NOEL FERRER

Ang sabi nga, now more than ever, nag-iiba na at nagkakaroon ng mas malalim at taimtim na kahulugan ang salitang INGAT.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kaya kung anuman ang nagaganap sa dalawang personalidad na ito, INGAT!

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results