Randy Santiago, gumawa ng quarantine version ng hit song niyang "Paikot-ikot"

by PEP Troika
Mar 31, 2020
Binago ni Randy Santiago ang lyrics ng kanyang 1989 hit song na "Paikot-ikot" para umakma sa ipinatutupad ngayong enhanced community quarantine.

NOEL FERRER

Kakaiba ang video na inihanda ni Kuya Randy Santiago para sa aming Level Up Quaran-Tunes.

Kaya imbes na 3 p.m., kung saan ang nakahanda ay ang kanta ni Mark Bautista, si Kuya Randy naman ay ipinalabas ng 1 p.m. sa Radyo Katipunan at Inquirer 990 Television.

Kakaiba ang kontribusyon ni Kuya Randy.

It took time before he came up with his piece. Ang sabi niya, hindi pa siya nakakaahit.

Ang sabi ko, mas maganda yun—RAW, as is, where is!

At ang kinalabasan, isang authentic quarantined-Randy version, na walang ayus-ayos, pero isang masaya at sapul na re-lyric ng kanta niyang “Paikot-ikot”!

Continue reading below ↓

Kung sina Gary Valenciano, Martin Nievera, at Ogie Alcasid ay nagpaka-senti sa kanilang mga kanta, heto naman ang tatak-Randy.

STAY HOME muna tayo. Malaking ambag ang maibibigay natin para sa isa’t isa at sa ating bayan kung susunod tayo sa mga bilin at pakiusap nila.

“Para sa ating mga magigiting na Frontliners. Maraming salamat at Mabuhay Kayo,” mensahe ni Kuya Randy.

GORGY RULA

Hindi talaga dapat sayangin ang talent, di ba?

Sa ganitong pagkakataon, nakakagaan din itong mga magaganda at inspiring na music video na pinaghirapan nila.

Hindi yung pagti-TikTok lang, ‘no?!

Kung walang social distancing, mas aliw kung ka-join ni Randy ang brothers na sina Raymart at Rowell.

Ang cute kaya umindak ni Raymart!

Bukod kina Randy at Ogie Alcasid, na parehong hurado sa "Tawag ng Tanghalan," kumbinsihin mo na rin, Sir Noel, na magpa-music video sina Rey Valera, Dulce, Mitoy Yonting, at Kyla.

JERRY OLEA

Si Richard Reynoso, may “Kantanghali” tuwing tanghali sa Facebook.

Continue reading below ↓

Noong Sabado ng 7 p.m., may FB live concert si Dulce na “Tayo Ang Magwawagi: Songs of Hope and Inspiration.”

Nag-concert din sa FB ang magkapatid na Rannie at Lance Raymundo upang makalikom ng pondo.

Simula noong Marso 25, Miyerkules, ay may nightly FB concert si Martin Nievera.

More and more ang bayanihan at musikahan ng Pinoy singers!

Streaming ang unang episode ng All Music: Artists at Home Sessions bukas, Abril 1, Miyerkules ng 8 p.m. sa ilang platforms ng Star Music PH—kabilang sa Facebook, YouTube, TFC, at iWant.

Tampok sa first episode nito sina Jake Zyrus, Lani Misalucha, at Ana Ramsey.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binago ni Randy Santiago ang lyrics ng kanyang 1989 hit song na "Paikot-ikot" para umakma sa ipinatutupad ngayong enhanced community quarantine.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results