Iglesia Ni Cristo member Gladys Reyes, may panalangin kontra COVID-19

by PEP Troika
Apr 1, 2020
Gladys Reyes: "Ang prayers namin, una sa lahat… alam mo naman na ngayon, nakakaraos tayo. Parang mensahe natin na magpapalakas ng loob sa mga may mga pinagdaanan."
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Mayroong "Oratio Imperata" na dinadasal ang mga Katoliko araw-araw para pangontra sa COVID-19.

Ang mga Iglesia ni Cristo ay mayroon ding tinatawag na "Panata," na dinadasal nila tuwing alas-onse ng umaga.

Kuwento sa akin ni Gladys Reyes, isang active miyembro ng INC, siya ang nagli-lead sa kanilang pamilya ng "Panata."

"Ang prayers namin, una sa lahat… alam mo naman na ngayon, nakakaraos tayo.

“Parang mensahe natin na magpapalakas ng loob sa mga may mga pinagdaanan,” pakli ni Gladys nang nakapanayam namin sa aming radio program sa DZRH nitong Marso 30, Lunes ng gabi.

May regular din daw silang pagsamba tuwing Huwebes at Linggo, pero hindi na rin nila ito nagagawa sa kanilang simbahan kundi sa bahay na lang.

Kasama ang kanilang mga anak sa pagdarasal, kahit hindi sila ganoon kasanay sa malalalim na Tagalog kaya minsan ay nag-i-English sila. Puwede raw yun.

Kagaya ng idinadasal ng iba’t ibang relihiyon, ipinapanalangin din ng INC members na malagpasan natin itong pinagdadaanan natin.

Continue reading below ↓

“Direct to the point kasi ang panalangin namin sa Iglesia, e. Kung ano yung ipinapanalangin mo sa sitwasyon.

“Kung ano yung ipinalangin mo sa Panginoon, iyon ang ipinapanalangin namin,” pahayag ni Gladys.

Kaya kahit apektado ang restaurant nilang Estela sa Cainta at ang Sommereux Catering nila, hindi nila iniisip ang negatibong epekto nito dahil lahat ay dinaranas ito.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sabi ni Gladys, “Pare-pareho po tayo ng dinadanas ngayon.

"Walang sukuan, lalo na sa mga may mahal sa buhay na may sakit ngayon, higit sa lahat ngayon ay ang mabisang manggagamot ay ang Panginoon.

“Basta panalangin lang nang panalangin. Pasasaan ba at matatapos na rin ito.

“Basta magpakatatag tayo dahil matatapos din ito.”

NOEL FERRER

Buti sina Gladys, nagagawa ang social distancing... pero may nagpaabot sa akin nito:

“I found out that while Iglesia ni Cristo does not hold pagsamba in their main Kapilyas, they continue to hold gatherings of at least 15-20 people per Purok, and they hold their twice a week pagsamba at their Purok leaders’ place or a designated house.

Continue reading below ↓

"I just feel that, while I want to understand their faith and dedication, they are endangering the lives of their families.

"Not sure if they are taking action to protect everyone."

Sana nag-iingat ang lahat sa virus na ito na walang kinikilalang estado sa buhay, kasarian, kasarinlan, o kahit na relihiyon.

Sana ay mag-ingat tayong lahat!

JERRY OLEA

Laging may updates sa Facebook page ng Archdiocese of Manila - Office of Communications para sa mga Katoliko.

Nag-i-stream sila ng mga Banal na Misa officiated by Pope Francis live mula sa Vatican City.

Ibinabalita nila ang aktibidades ng Caritas Manila na naghahatid ng tulong sa iba’t ibang lugar.

Binuksan ng mga parokya at paaralan sa Archdiocese of Manila ang kanilang mga pintuan para sa mga walang tahanan at nakatira sa lansangan.

Merong nagpapakain o kumupkop sa mga maralita at nangangailangan, maging sa medical frontliners.

“Church in Action” ang Our Lady of the Assumption Parish (Rev. Fr. Benjie Ledesma), Santa Maria Goretti Parish (Rev. Fr. David Concepcion), St. Joseph Parish-Gagalangin, Tondo (Rev. Fr. Joselino B. Tuazon), Our Lady of Fatima Parish-Makati City (Rev. Fr. Edison Escarion), St. John Bosco Parish-Makati City (Rev. Fr. Gregorio Bicomong), National Shrine of Our Lady of Guadalupe (Rev. Fr. Roderick Castro).

Continue reading below ↓

Ganun din ang Archdiocesan Shrine of Nuestra Señora de Guia-Ermita, Manila (Msgr. Mario Enriquez), Paco Catholic School, Our Lady of the Pillar Parish Church (Rev. Fr. Rudsend Paragas), St. Peter the Apostle Parish (Rev. Fr. Junerl Salugsugan), Nuestra Señora de la Soledad Parish-Manila (Rev. Fr. Jeremiah Adviento), Parish of the Risen Christ (Rev. Fr. Melkiyares Ukat, SVD).

Pati na ang Our Lady of Sorrows-Pasay (Rev. Fr. Dominador Guzman Jr., SSP), Sacred Heart of Jesus Parish-Sta. Mesa, Manila (Rev. Fr. Jason Laguerta), San Felipe Neri Parish (Rev. Fr. Ramon Merino), San Jose Manggagawa Parish (Rev. Fr. Artemio Fabros), St. Vincent de Paul Parish (Rev. Fr. Joel Rescobar), San Isidro Labrador Parish-Pasay (Rev. Fr. Macias Wency D. Serafica), at Santisima Trinidad Parish (Rev. Fr. Jojo Buenafe).

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gladys Reyes: "Ang prayers namin, una sa lahat… alam mo naman na ngayon, nakakaraos tayo. Parang mensahe natin na magpapalakas ng loob sa mga may mga pinagdaanan."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results