Bong Revilla, nasabihan na ang staff niyang namatay sa COVID-19 ay nasa body bag na

by PEP Troika
Apr 2, 2020
"From the hospital, inilagay siya sa body bag, deretso sa cremation, inabot na lang iyung ashes niya sa pamilya. After na-disinfect, bago inabot sa kanila," malungkot na pahayag ni Senator Bong Revilla tungkol sa staff member at kaibigang pumanaw dahil sa COVID-19.
PHOTO/S: Senator Bong Revilla Facebook

GORGY RULA

Hanggang ngayon ay masakit pa rin daw kay Senator Bong Revilla na isiping namatay ang isang staff member niya na hindi man lang niya nakausap o nabigyan ng matinong burol.

Hindi pinangalanan ni Bong ang kanyang staff member ng halos 30 taon, pero pumanaw ito dahil sa COVID-19 noong Linggo, March 29.

Noong araw na iyon ay nakipag-ugnayan daw ang senador sa ospital para mag-monitor kung ano na ang sunod na gagawin.

Hindi rin kasi niya ito mapuntahan dahil sa quarantine at social distancing protocols.

Sobrang nalungkot si Senator Bong nang sinabing inilagay na ang labi ng kanyang staff member sa body bag. Bandang alas-diyes ng gabi noong Linggo naka-schedule ang cremation.

Ni hindi rin daw personal na madalaw ng senador ang naulilang pamilya ng staff member.

“Iyon ang masakit... Hindi puwedeng lumapit ang miyembro ng pamilya o sino man.

"From the hospital, inilagay siya sa body bag, diretso sa cremation, inabot na lang yung ashes niya sa pamilya. After na-disinfect bago inabot sa kanila.

Continue reading below ↓

"Napakasakit, para kang sinaksak,” malungkot na pahayag ni Bong nang nainterbyu namin nitong Marso 30, Lunes ng gabi, sa radio program namin sa DZRH.

Huli raw niyang nakita ang staff member bago mag-March 11.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hindi na nasundan iyon dahil simula noong gabi ng March 11 ay sumailalim sa self-quarantine si Bong kasabay ng ibang senador.

"Na-quarantine na ako since March 11, lumabas lang ako noong nagkaroon ng special session ang Senado, pero obligado po tayong lumabas, e."

Noong March 23 nagkaroon ng special session ang senador kaugnay ng COVID-19 crisis.

Patuloy niya, "Ganunpaman, sinigurado po nating safe naman po tayo at ginawa po natin yung social distancing. Lahat—alcohol, proteksyon sa sarili, maging sa mga kasama...

"Ngayong nangyari na ito, nalagpasan ko na yung 14 days na self-quarantine…

"After what happened, may additional five days of quarantine.

"Pero kung tutuusin lagpas na po tayo doon sa 'danger zone' na tinatawag."

Ang pakiusap ni Bong, sana ay sundin ang pinapairal na home quarantine, at patuloy lang sa pagdarasal na malagpasan natin itong COVID-19.

Continue reading below ↓

Dagdag ng actor-politician: "Sana, patawarin tayong lahat sa ating mga pagkakasala.

"Magnilay-nilay po tayong lahat tayong mga kababayan."


NOEL FERRER

Patuloy pa rin ang pagdami ng mga kasong positibo sa COVID-19, at tumataas pa rin ang bilang ng mga namamatay dahil dito.

Kaakibat nito, nagbabala na ako sa social media accounts ko na sana wala nang mag-April Fool's Day prank ngayong April 1.

Continue reading below ↓

Sobra na ang halos tatlong linggong tila bad joke na ito na hatid sa atin ng novel coronavirus.

May sumagot na parang tatlong buwan na "bad joke" ang krisis na ito since pumasok ang taong 2020. May iba pang nagpatutsada na may tatlong taon na... Hayyyy...

Magpagayunpaman, gusto kong mag-react sa nagsasabing dapat lahat ng donasyon para sa mga apektado ng COVID-19 ay kailangan dumaan sa pamahalaan o sa DOH.

Paano yung boluntaryong nagpapaabot na ng tulong na wagas at walang tapyas o hinihinging kapalit?

Hindi ba nga, ipinagmamalaking may bilyun-bilyong pondo ang pamahalaan natin para rito?

Ilabas nila iyun, at yun ang ipantulong sa tao.

Tulong ang ibinibigay ng private citizens at organizations. Pero ang basic, dapat galing sa pamahalaan natin, di ba?

JERRY OLEA

Sabi-sabi, ang pranks o jokes kung April Fool's Day ay dapat kalahating araw lang.

Hanggang alas-dose ng tanghali lang, 'ika nga.

Hindi masyadong uso sa Pilipinas ang April Fool's Day, pagka’t meron tayong Dia de los Niños Inocentes tuwing Disyembre 28.

Continue reading below ↓

Patuloy tayo sa pag-iingat, pagninilay-nilay at panalangin upang masugpo ang paglaganap ng COVID-19.

Iwaksi natin ang negatrons.

Kailangan ang pagtitiis at pagsasakripisyo.

Kritikal ang mga araw na ito na patuloy na dumarami ang kumpirmadong positibo sa coronavirus.

With 2,311 confirmed cases of COVID-19 as of April 1, Wednesday, ika-30 na ang Pilipinas sa talaan ng mga bansang pinakamarami ang kaso.

HOT STORIES

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"From the hospital, inilagay siya sa body bag, deretso sa cremation, inabot na lang iyung ashes niya sa pamilya. After na-disinfect, bago inabot sa kanila," malungkot na pahayag ni Senator Bong Revilla tungkol sa staff member at kaibigang pumanaw dahil sa COVID-19.
PHOTO/S: Senator Bong Revilla Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results