Pasig Mayor Vico Sotto, pinupuri ng publiko kaya pinag-iinitan ng pamahalaan?

by PEP Troika
Apr 1, 2020
Bakit ang isang tulad ni Pasig City Mayor Vico Sotto, na gumagawa ng mga hakbang upang masolusyunan ang kinahaharap na krisis ng bansa, ang siya pang tila pinagdidiskitahan ng mga nasa gobyerno?
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER

Kaya pala nakita ko ang naghuhumiyaw na hashtag na #TULONGHINDIKULONG ngayong halos ikatlong linggo na ng Enhanced Community Quarantine, nararamdaman na ang hirap ng tao na walang basic needs.

At sino ang napagdidiskitahan?

Si Pasig Mayor Vico Sotto, na masasabi nating pinaka-creative at may foresight na public servant.

Bakit?

Bakit hindi unahin ang mga underperforming government officials?

Bakit yung nag-aangat pa ng dangal ng public servants ang pag-iinitan?

Ito na ba ang new normal?

JERRY OLEA

Nabalitaan natin ang aleng walang tahanan na inaresto dahil hindi raw naka-home quarantine.

Andiyan din ang mga kabataang pasaway sa curfew na pinagsama-sama sa kulungan ng aso. Ang iba naman ay ibinilad sa araw.

Naikumpara sila sa PUI (Person Under Investigation) na rumampa sa ospital at grocery, na ang atas ng mga diyos-diyosan, pairalin ang “compassion.”

Kinuwestiyon ni Senator Grace Poe nitong Marso 31, Martes, ang presyo ng mga mamahaling PPE (personal protective equipment) na binili ng DOH... 1 million sets for P1.8B.

Continue reading below ↓

Bale P1,800 ang halaga ng bawa’t isa—samantalang ang market price ng mga ito ay P400 to P1,000 lamang.

Mas mura pa nga dapat kung bulto ang bibilhin, di ba?

Kung pareho lang ng kalidad, dapat magtipid.

Ang hirit ng mga mamaru, huwag epal si Senator Grace Poe. Huwag i-stress ang DOH.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

At ngayon, si Pasig Mayor Vico Sotto na pinupuri ng madla dahil sa pangangalaga niya sa constituents, siya ang pinag-iinitan?!

Diyos na Mahabagin!

GORGY RULA

Nakakalungkot na hindi maiwasang hinahaluan pa rin ng pulitika.

Obviously, lalong makukuha ni Mayor Vico ang simpatiya ng karamihan.

Puwede ba, pagtuunan muna ni Pangulong Duterte ang mga tauhan niya?!

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bakit ang isang tulad ni Pasig City Mayor Vico Sotto, na gumagawa ng mga hakbang upang masolusyunan ang kinahaharap na krisis ng bansa, ang siya pang tila pinagdidiskitahan ng mga nasa gobyerno?
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results