Director of photography sa GMA-7, pumanaw sa COVID-19; bagong kasal, may 9-month-old baby

by PEP Troika
Apr 3, 2020
Si Joseph delos Reyes ang naging director of photography ng GMA-7 programs na Wagas, Karelasyon, Dangwa, Tadhana, Sirkus, Sahaya, One Hugot Away, at Magpakailanman.
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

“A YAEHA/SISW former trainee, Joseph, is now gone due to COVID19. R.I.P. He was kind, humble, lagi tumutulong sa amin noon.”


Mensahe iyan ni Direk Crisaldo Pablo sa Facebook nitong Abril 3, Biyernes ng umaga, kaugnay sa DOP—o director of photography—na si Joseph delos Reyes,

Si Joseph ang freelance production talent na tinukoy sa statement ng GMA Network noong March 21, kung saan kinumpirma na ang isang Kapuso talent ay positibo sa COVID-19 at ginagamot sa ospital.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Makalipas ang ilang araw ay lumutang ang bali-balitang nakaka-recover na ito.

“Gumaling yung pneumonia, but nagkaron ng complication sa brain...so, comatose pa rin,” malungkot na pahayag ni FDCP Chairperson Liza Diño nang maka-chat namin noong Marso 30, Lunes ng hapon, via Messenger.

Nakakausap ni Chair Liza ang asawa ni Joseph na si Ash sa tuwi-tuwina.

Continue reading below ↓

Comatose si Joseph noon at sakaling gumaling ito, magiging gulay ito habambuhay.

Ang nagbabantay kay Joseph sa sa isang ospital sa Cavite ay ang nanay at tiyahin nito.

Pinapauwi ng ospital ang nanay at tiya ni Joseph.

Kaso, parehong PUI ang mga ito kaya ayaw tanggapin ng mayor sa kanilang bayan sa Batangas.

“Tinanggap na. Last night, direcho sila sa isang resort, isolation facility, para mag-quarantine,” lahad pa ni FDCP Chair Liza.

Nauunawaan ni FDCP Chair ang stand ng ospital sa Cavite, at mayor sa Batangas.

Aniya, “Hirap din. Puno na ang mga hospital.

“Dapat may protocol. Kasi, transport, delikado rin. Right now talaga, mahirap ang mass testing.

“Hindi kakayanin ng system natin pag wala tayong isolation centers. And enough hospitals to accommodate the patients.

“Ngayon pa lang, wala nang mapagdalhan. Ang hirap...”

Ngayong Biyernes ng umaga, nabalitaan naming pumanaw na si Joseph.

Ang hospital bill, may nagsabing P1.2M more or less, meron ding nagturan na humigit-kumulang P2M.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Napag-alaman naming nagbigay ng tulong ang GMA-7.

Pati si FDCP Chairperson Liza Diño ay inasikaso ang nanay at ang tita niyang PUI.

Nag-negative daw sa COVID-19 ang ina ni Joseph, pero nasa isolation pa rin sa Batangas.

Ang tiya niyang nag-positive ay dinala na raw sa San Lazaro Hospital.

Nakakaawa pa lalo ang kalagayan nila dahil may nine-month old baby sila ng asawa niya.

Kaya apektado ang mga nakatrabaho niya sa GMA-7 na tumutulong sa maliit nilang paraan.

Pati si Bacoor Mayor Lani Mercado ay inaayos din sa DOH Region 4A ang iba pang dapat ayusin.

Kaninang 5 a.m. siya na-cremate. Nakikiramay po kami.

NOEL FERRER

Nakapanayam ko thru Messenger ang kaibigan ni Joseph na si Direk Zig Dulay.

Heto ang sabi ni Direk: “Sa lahat po ng TV Works ko, DOP ko si Joseph, sa Wagas, Karelasyon, Dangwa, Tadhana, Sirkus, Sahaya, One Hugot Away, Magpakailanman, Project Destination na project namin sa NCCA, at dito rin sana sa bago naming Legal Wives.

Continue reading below ↓

“Second camera ko siya sa lahat ng films ko, Bambanti, Paglipay, Bagahe at Akin Ang Korona.

“Si Joseph ang madalas kong katrabaho na DOP, kasi yung pinakaunang episode ko sa Wagas bilang director, siya ang DOP ko, nagtiwala siya sa akin.

“Nakasanayan na namin ang isa't isa sa trabaho. Gamay na namin ang isa't isa.

"Sa kanya lang ako nagtitiwala, na alam kong aalagaan niya yung project namin.

“Nagandahan yung mga tao sa Sahaya, lalo na sa cinematography nito, siyempre siya ang may gawa nun. Kaya naman binigyan kami ulit ng isa pa sanang serye.

“Yung huling usap namin bago siya maospital, humingi siya ng pasensya, kasi nga, hindi niya natapos ang shoot. “

Kinagabihan kasi ng mismong shoot namin, masama na ang pakiramdam niya.

"Sabi ko sa kanya, okay lang. Magpahinga siya at magpagaling.

“After ng orientation namin sa GMA, sabay pa kaming umuwi at nag-dinner pa kami dahil pinag-usapan namin yung plano naming look ng bagong serye.

Continue reading below ↓

“May look-test dapat kami the next week, doon ko nalaman na nasa ICU na siya. Tinext ko siya, nagmessage ako sa facebook, pero di na siya sumasagot.

“Para ko nang kapatid 'yan, lagi ko siyang pinagsasabihan na bantayan niya ang kalusugan niya, lalo na't may pamilya na siya.

“Madalas niya akong tanungin kung kumusta yung bakasyon ko, pagdating ko from out of town, plano niya kasing magbakasyon kasama pamilya niya.

“Ang mas nakakalungkot pa dito, nawala man lang siya nang hindi namin siya makikita dahil sa nangyayari ngayon na lockdown.

"Hindi man lang kami makakapagpaalam sa kaibigan namin.

“Isa lang si Joseph sa libong tao na naapektuhan ng Covid-19, pero mas masakit pag malapit talaga sa ‘yo yung tao.

"Isipin n'yo na lang kung ano pa kaya ang nararamdaman ng pamilya niya ngayon.

“Sana lang, hindi na madagdagan yung bilang ng mga taong mamamatay, at hindi na madagdagan ang bilang ng pamilyang iiyak.

Continue reading below ↓

“Sana, malampasan na natin ang krisis na ito, at sana matulungan talaga tayo ng gobyerno.

“Humingi na kami ng support financially mula sa GMA, NCCA at FDCP, lahat positive naman ang tugon nila.

"Yun na lang talaga ang kaya nating maipaabot na tulong sa naiwan niyang asawa at anak.”

Sobrang nakakalungkot ang nangyari kay Joseph.

Napag-alam nating kakakasal pa lang pala nila ng wife niya at baby pa ang anak nila.

Nakikiramay po kam.

JERRY OLEA

Nag-message ako kay Direk Crisaldo Pablo upang detalyehin pa niya ang pagkakilala sa namayapang DOP.

Lahad ni Direk Crisaldo: “Joseph delos Reyes was a very industrious, diligent and humble student trainee of mine, late 2000's, under the YAEHA Program of The LoveLife Project (a CSR program under Sinehan Digitales) where he first trained as production assistant focusing on technicals and the camera.

"He was an avid assistant of DOP Jonathan Batoy for a year.

Continue reading below ↓

“I believe that there should really be a non-government organization, perhaps a cooperative, that takes care of us, freelancers in the media industry.

Crucial to our survival when we get sick is the funds not just for medicines but for nourishment to ensure that we can get well or be healed from sicknesses.

“Joseph is a kind student and now a DOP. His YAEHA family will miss him.”

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Joseph delos Reyes ang naging director of photography ng GMA-7 programs na Wagas, Karelasyon, Dangwa, Tadhana, Sirkus, Sahaya, One Hugot Away, at Magpakailanman.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results