Mapangahas na videos ng young celebrity couple, naglipana sa social media ngayong may quarantine

by PEP Troika
Apr 3, 2020
Kahit community quarantine, mga payanig na videos sangkot ang young celebs kumakalat sa social media.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Flavor of the week ng mga bekizen si Bilko Argana, ang pogilicious guy na sangkot sa isyung catfishing ng transwoman na si Jzan Tero at ang itinuturo niyang mastermind na ang multimedia artist na si Sam Morales.

Lumutang ang tatlong litrato ni Bilko na may katabing bading sa kama.

Half-body ang pictures, at topless si Bilko na ang ngiti ay kaytamis, lalo na sa litrato na akmang hahalikan ng bading ang kanyang leeg.

“Tinapos na ni beki ang laban,” sabi sa caption.

Hirit pa ng nag-post, may video ang dalawa.

Merong nagsasabi na Photoshopped ang mga naturang litrato.

Kapagkuwan ay lumutang ang siyam na litrato ng isang bortang lalaki na nakatambad ang maselang bahagi ng katawang lupa.

Hindi kita ang mukha ng lalaki sa mga litrato, pero itinuturong si Bilko rin iyon.

Sa kasasaliksik ko ng sinasabing mahalay na video ni Bilko, ang daming scandalicious videos ang natisod ko sa Twitter nitong Abril 3, Biyernes ng tanghali.

Continue reading below ↓

Sandamukal ang sumabak sa "Invisible" challenge sa TikTok.

Kung minsan ay pumapalpak ang app kaya nasisilipan ang mga lalaking nagsasayaw matapos ibaba ang shorts o underwear.

Dahil ba sa community quarantine kaya naglipana ang mga ganitong payanig?

Andiyan din ang video na tampok ang sikat na hunk actor, na may mga kapamilyang artista.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Totoy pa ang hunk actor habang nagsasariling-sikap. Sa tantiya ko ay 17-anyos pa lang siya roon.

Nagulantang ako sa video na tampok ang magkasintahang young actor at young actress.

Last year ay kumalat ang vidcaps (video captures) o screenshots ng kahubdan ng young actress.

Hindi niya diretsahang inamin ang pinaggagawa niya sa video. Pero usap-usapan na ire-repackage na siya bilang sexy actress.

Ang kasintahan niyang young actor ay may nauna nang solo video, na pumukaw sa mga bekizen na sadyang marupok.

NOEL FERRER

Habang tumatagal pa ang Luzon-wide enhanced community quarantine, nakakagulat na medyo may kahalayan ang lumalabas sa ibang mga tao.

Continue reading below ↓

Is this some people’s way of coping sa kanilang pent-up feelings and emotions?

Katulad ng sinabi ko, mental health and other concerns should be addressed as well.

Hindi lang economics at politika, na parang siyang tuon ngayon aside from battling coronavirus.

GORGY RULA

Mangilan-ngilan na ang interesado sa mga iskandalong ito.

Lalong tumitindi ang takot ng mga tao sa patuloy na pagtaas ng mga positive sa COVID-19.

Kaya siguro magtino na muna sila!

The WHO iyang mga lalaking mapangahas.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit community quarantine, mga payanig na videos sangkot ang young celebs kumakalat sa social media.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results