Iza Calzado may mensahe ng pasasalamat; Elizabeth Oropesa may apela ng pagkakaisa

by PEP Troika
Apr 5, 2020
Nagbigay ng mensahe ng pasasalamat si Iza Calzado (kaliwa) sa lahat ng nagdasal para sa kanya nang may karamdaman siya. Mangiyak-ngiyak naman si Elizabeth Oropesa (kanan) habang umaapela ng pagkakaisa ngayong panahon ng crisis dala ng COVID-19.
PHOTO/S: @missizacalzado instagram / Jacqueline Elizabeth Freeman Facebook

NOEL FERRER

Pagkatapos ng mahigit isang linggong may karamdaman, nagbigay na ng mensahe ng pasasalamat si Iza Calzado sa mga sumuporta at nagdasal para sa kanya.

Heto ang mensahe niya sa ASAP Natin ‘To nitong April 5, Palm Sunday:

“Mga Kapamilya, Salamat sa lahat ng TULONG at DASAL.

"Isa lang ako sa tinamaan ng karamdaman; patuloy pa rin tayong TUMULONG at MAGDASAL dahil kasama ng ating mga FRONTLINERS, tuloy ang laban, sama-sama tayong magdadamayan bilang Pilipino!!!

"Maraming maraming salamat po!!!”

Mamaya, makakausap ko na si Iza sa isang espesyal na edisyon ng LEVEL UP EXCLUSIVE.

Doon, pag-uusapan namin kung ano ang symptoms na kanyang naranasan at anu-ano ang ginawa niya para kabugin ang coronavirus.

Sa pagbabahagi ni Iza ng karanasan, magkakaroon ng saysay ang kanyang mga natutunan.

At ako mismo, nalulungkot ako sa stigma na nadi-discriminate ang mga maysakit, at pati na ang mga bayaning frontliners. Grabe, di ba?

JERRY OLEA

Continue reading below ↓

Ngayong Domingo de Ramos, kalahok si Iza sa online class ng Writing Workshop ni Ricky Lee. Bale nasa Batch 23 siya.

Dalangin natin na tuluy-tuloy ang pagbuti ng kalusugan ni Iza!

GORGY RULA

Ang ganda nga ni Iza nang napanood ko ang video na iyun sa ASAP Natin ‘To.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nakaka-inspire kapag makita mo silang mga COVID-19 survivors na nalagpasan nila ito.

Kaya sabi nga ni Elizabeth Oropesa, na nag-emote sa Facebook nitong Abril 4, Sabado, mas mabuting magtulungan na lang at tigilan na muna ang awayan sa social media.

Continue reading below ↓

Maging positibo na lang at huwag nang maghasik ng kanegahan dahil ang talagang kaaway natin dito ay ang COVID-19.

Mangiyak-ngiyak niyang pahayag sa FB: “Wala na tayong ginagawa sa social media kundi magbangayan nang magbangayan, magturuan nang turuan.

“Mano bang magkaisa muna tayo ngayon lang po.

“Sana, doon sa mga marunong magbaba ng loob, doon sa mga matigas at maliit ang puso, lambutan po muna ninyo ngayon.

“Lakihan po muna ninyo ngayon ang puso ninyo.

“Kawawa naman po iyung mga tao, ang mga pobre at saka iyung mga maysakit na namamatay nang solo.

"At yung mga naiwan na hindi man lang nakita yung mga mahal sa buhay na namatay.

“Kaya humihingi po muna tayo ng tawad sa Diyos. Humingi po tayo ng tulong sa Diyos kahit ano pong relihiyon ninyo, basta magkaisa tayo at magtulungan tayo.

“Mahal ng langit ang Pilipinas, kaya lang, wala na tayong ginagawa kundi magbangayan nang magbangayan.”

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagbigay ng mensahe ng pasasalamat si Iza Calzado (kaliwa) sa lahat ng nagdasal para sa kanya nang may karamdaman siya. Mangiyak-ngiyak naman si Elizabeth Oropesa (kanan) habang umaapela ng pagkakaisa ngayong panahon ng crisis dala ng COVID-19.
PHOTO/S: @missizacalzado instagram / Jacqueline Elizabeth Freeman Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results