Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Iza Calzado, magdo-donate ng blood plasma para sa experimental treatment ng COVID-19 patients

by PEP Troika
Apr 6, 2020
COVID-19 survivor Iza Calzado, nakatakdang mag-donate ng blood plasma para sa COVID-19 patients ng Philippine General Hospital at Makati Medical Center.
PHOTO/S: @missizacalzado Instagram

GORGY RULA

Hinihintay ko ang sagot ni Christopher de Leon kung willing siyang mag-donate ng dugo o plasma na magagamit sa medical treatment ng COVID-19 patients.

Ang plasma o blood plasma ay tumutukoy sa "colorless liquid" na bahagi rin ng dugo.

Nanawagan kasi ang Philippine General Hospital (PGH) sa COVID-19 survivors na mag-donate ng kanilang dugo para sa mga pasyenteng malala na ang kalagayan.

"Experimental treatment" pa lang daw itong "convalescent plasma therapy" o blood transfusion mula sa COVID-19 survivors.

Pero sinasabing ang dugo ng mga pasyenteng gumaling sa COVID-19 ay mayroon nang antibodies na panlaban sa naturang karamdaman.

Kaya inaalam ng PEP Troika kina Boyet at Iza Calzado kung hiningan na ba sila ng plasma o dugo.

Willing ba si Iza mag-donate kung puwede na siya?

JERRY OLEA

Siyempre, hindi ito agad-agad magagawa nina Boyet at Iza.

Bilang King & Queen of Corona sa showbiz, malamang na gawin nila ang maitutulong para sugpuin ang COVID-19.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Nakausap ko ang alaga naming si Iza Calzado nitong Abril 6, Lunes Santo.

Ayon sa kanya, dumating today ang second NEGATIVE result niya sa kanyang exit test sa ospital.

So, okay na okay na po siya, out of danger.

Pero kailangang magpahinga nang husto si Iza para maibalik ang lakas niya, at may isang buwan siyang palugit para rito.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nang makausap ko siya kung willing siyang mag-donate ng plasma niya, agad na sumagot ang aktres.

Ani Iza: "Yes!

"I already said yes to PGH and Makati Medical Center, but has to be 14 days after my first negative result and I just have to be assessed again."

Sabi ni Iza, sa kahit anong paraan para siya makatulong ay gagawin niya.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
COVID-19 survivor Iza Calzado, nakatakdang mag-donate ng blood plasma para sa COVID-19 patients ng Philippine General Hospital at Makati Medical Center.
PHOTO/S: @missizacalzado Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results