Mayor Richard Gomez, tiniyak na handa ang Ormoc City sa COVID-19

by PEP Troika
Apr 8, 2020
Mayor Richard Gomez's realization while in quarantine: "You always have to look at the brighter side of life. You have to think na nandoon tayo sa loob ng bahay, but it’s a nice time to bond with your family. To do activities with your family, to be able to talk, spend a lot of time together."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Simple at, siyempre, walang party ang celebration ni Ormoc City Mayor Richard Gomez ng kanyang 54th birthday nitong Abril 7, Martes Santo.

Nakausap ng PEP Troika si Mayor Goma sa radio program namin sa DZRH kagabi.

Ibinahagi ng actor-politician na nasa munisipyo siya ng Ormoc hanggang hapon, kasama ang leaders niya.

Naghanda lang daw ang mga konsehal ng lunch para sa kanya.

Pagdating ng gabi, kasama naman ni Mayor Goma ang kanyang mag-ina—si Congresswoman Lucy Torres at ang anak nilang si Juliana.

Nag-bake daw ng cake sina Lucy at Juliana para sa kanya.

Continue reading below ↓

Natutuwa si Mayor Goma dahil active si Juliana sa sports activities sa Ormoc, at abala sa nakahiligang pagbi-bake ng cake.

Wala pang nag-positive sa COVID-19 sa Ormoc.

Pero sinusunod na rin nila ang enhanced community quarantine magmula nang idineklara ito ni President Duterte sa buong Luzon.

Lalo na ngayong extended ang enhanced community quarantine hanggang April 30, tiniyak ni Mayor Goma na hindi magugutom ang mga taga-Ormoc.

May tig-isang sakong bigas ang bawat tahanan, at may ilan pa siyang programang kailangang sundin para matiyak na safe ang mga taga-Ormoc.

“Binibigay namin sa kanila na guidance na stay at home. Wash your hands all the time, yung paggamit ng face mask.

“Tapos, hinahanda na rin namin na kung sakaling magkaroon na rin dito, meron na kaming isolation area.

"At para yung mga galing sa labas na uuwi rito, na under monitoring sila o investigation, meron nang isolation area para sa kanila,” sabi ni Mayor Goma.

Continue reading below ↓

Kinansela na rin niya ang Piña Festival na ipinagdiwang nila tuwing Hunyo.

Sana matapos na raw ang COVID-19 pandemic by May o June, para mapaghandaan na lang nila ang isa pang festival sa October.

JERRY OLEA

Kinumusta naman namin kay Mayor Goma ang butihing maybahay niyang si Congresswoman Lucy.

Alam naming graduate na si Ma’am Lucy sa voluntary quarantine.

May mga nag-alala sa kalagayan nito dahil sa video at pictures na kumalat kung saan may nakasalamuha itong nagpositibo sa COVID-19.

Um-attend kasi si Ma'am Lucy sa fellowship dinner ng PDP-Laban sa bahay ni Senator Manny Pacquiao sa Dasmariñas, Makati City, noong March 5.

Kabilang sa mga dumalo si Senator Koko Pimentel, na kalaunan ay nagpositibo sa COVID-19.

Lahad ni Mayor Goma, “Noong dumating si Lucy from Manila, sabi nga niya, galing siya sa party ni Manny Pacquiao.

"And that was March 5, tapos na yung Congress nila.

"Umuwi si Cong. Lucy dito sa Ormoc, March 15.

Continue reading below ↓

“So, ang tagal niyang nag-quarantine sa bahay.

"In fact, hindi lang 14 days, ginawa niyang 18 days.

“Doon lang siya sa bahay. Most of the time, doon siya sa kuwarto."

Dagdag niya, “Kasi, kung nagkataon na tinamaan si Lucy ng COVID, e, kasama ako doon sa kuwarto, e, pati ako matatamaan, hindi ko magagawa ang trabaho ko rito as mayor.

Continue reading below ↓

“She was worried for a while.

“Noong time nang umuwi siya rito, sa airport pa lang, sabi ko, ‘You have to declare yourself as a PUM,’ dahil galing siya sa COVID-affected area.”

GORGY RULA

Inusisa ko rin si Mayor Goma kung ano ang realization niya kaugnay sa COVID-19 pandemic.

Aniya, “Hindi pala madaling ma-quarantine nang matagal sa loob ng bahay.

“Hindi mo rin masisisi kung minsan ang mga taong lumabas ng bahay, pero nevertheless, kailangan pa rin silang pagsabihan na doon lang sila sa loob, lalung-lalo na ang mga senior citizen, saka yung mga bata.

“They have to be confined inside their homes, ‘no?

“Isa pa sa na-realize ko, you always have to look at the brighter side of life.

"You have to think na nandoon tayo sa loob ng bahay, but it’s a nice time to bond with your family.

"To do activities with your family, to be able to talk, spend a lot of time together."

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Katulad ng lagi kong sinasabi, sa mga pagkakataon ngayon, kailangan natin ng calm, collected, competent, at committed na leadership katulad ng ginagawa nina Richard at Lucy sa Ormoc.

Di ba, mga ka-Troika, gusto na nating magpaampon sa Ormoc?

#SanaAll

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mayor Richard Gomez's realization while in quarantine: "You always have to look at the brighter side of life. You have to think na nandoon tayo sa loob ng bahay, but it’s a nice time to bond with your family. To do activities with your family, to be able to talk, spend a lot of time together."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results