Derek Ramsay "100 percent" sure si Andrea Torres na ang babae para sa kanya

by PEP Troika
Apr 13, 2020
Derek Ramsay on relationship with Andrea Torres: "Kung paano siya nag-umpisa, kung paano siya nag-grow, everything’s just so real and so true. Confident ako, with the 100 percent of my heart, na sabihin kong siya na."
PHOTO/S: @andreaetorres / @ramsayderek07, Instagram

GORGY RULA

Kung walang COVID-19 at quarantine, natuloy na sana ang paglipat ni Derek Ramsay sa bagong bahay na ipinatayo niya.

Kung naaalala ninyo, nagpatayo si Derek ng bahay sa Alabang, two years ago, para doon sana sila titira ng girlfriend niyang si Joanne Villablanca.

Pagkatapos nilang mag-break ni Joanne, nabanggit ng Kapuso actor na balak niyang ibenta na lang ang bahay dahil idinisenyo niya iyon para sa kanila ng dating kasintahan.

Pero itinuloy rin pala ni Derek ang pagpapagawa, at puwede na raw itong lipatan.

“Iniba ko yung few places ng bahay, iniba ko ang style.

“Pero inihanda ko na talaga yung sarili ko para, you know, magkapamilya and everything like that.

“Pero biglang nagkagulo nang ganito, na napapaisip ka kung gusto mo bang magpasok ng bata sa ganitong mundo ngayon,” pahayag ni Derek nang nakapanayam namin nitong April 12, Easter Sunday ng gabi, sa radio program namin sa DZRH.

Continue reading below ↓

Nag-agree naman siya sa sinabi kong panahon na para mag-settle down siya.

Nasa plano na raw niya ito ngayon.

Kaya sinundan ko siya ng tanong kung si Andrea Torres na ba ang babaeng makakasama niya sa bagong bahay na ipinatayo niya.

Napapangiting sagot ni Derek, "Huwag na natin gamitin yung sana—siya na."

Ayaw lang niyang sabihin kung kailan, pero pinaplano na raw niya ito at hindi raw niya ito itatago sa amin.

Sure na sure siya sa sinabi niyang si Andrea na ang babaeng panghabambuhay niya.

“I’ve gone through so many things, ‘no?

"Ang dami kong pinagdaanan sa buhay, hindi lang sa career ko, tapos eto pa," pagtukoy niya sa COVID-19.

"I never expected na meron tayong mararanasan na ganito.

“But I consider myself very blessed na merong pumasok na tunay na nagmamahal sa akin, na talagang walang effort ang relationship na ito.

"Kung paano siya nag-umpisa, kung paano siya nag-grow, everything’s just so real and so true.

Continue reading below ↓

“Confident ako, with the 100 percent of my heart, na sabihin kong siya na.

"Yun na ‘yun!" nakakakilig na pahayag ng Kapuso hunk.

Ngayong naka-quarantine pa rin tayo, hindi na muna sila nagkikita ni Andrea.

Pero araw-araw raw silang nagvi-video call at magkasabay silang nagwu-workout.

“We motivate each other para sa workout.

"Every night, sabay kaming nagpi-pray sa video call.

“Nag-Station of the Cross pa kami,” pagmamalaki ni Derek.

JERRY OLEA

Nagkakaalaman at nagkakasubukan sa panahon ng COVID-19.

Noong April 12, Palm Sunday, ay nabalitaan na hanggang friendship lang talaga sina Maymay Entrata at Edward Barber, at nahiwatigan nating ibang babae ang itinitibok ng puso ni Edward.

Ito namang sina Derek at Andrea ay lalong pinatatatag at pinatitibay ang kanilang pagmamahalan, at may nakalaan nang pugad!

NOEL FERRER

Love in time of Corona!

Dito raw sa krisis malalaman ang tunay na ugali at swak sa relasyon.

But what the crisis taught us is, hindi mahalaga ang celeb status.

Continue reading below ↓

Instead, ito ang panahon ng pagpapakita ng pakikipagkapwa, true humanity, and character.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on relationship with Andrea Torres: "Kung paano siya nag-umpisa, kung paano siya nag-grow, everything’s just so real and so true. Confident ako, with the 100 percent of my heart, na sabihin kong siya na."
PHOTO/S: @andreaetorres / @ramsayderek07, Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results