Piolo Pascual at John Lloyd Cruz, magsasama ulit para sa reading ng Himala

by PEP Troika
Apr 15, 2020
Isang kaabang-abang na event ang mangyayari next week dahil sa pagsasama nina Piolo Pascual (kaliwa) at John Lloyd Cruz (kanan) para sa reading ng Himala, ang 1982 award-winning film na idinirek ni Ishmael Bernal, isinulat ni Ricky Lee, at pinagbidahan ni Nora Aunor.
PHOTO/S: Noel Orsal / Twitter

NOEL FERRER

Magsasamang muli ang top actors ng makabagong henerasyon na sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz.

Ito ay sa pamamagitan ng isang reading ng Himala, The Movie (1982).

Initiative ito ng ABS-CBN Restoration Group ni Leo Katigbak at ng Lockdown Cinema kasama si Alem Ang.

Iniimbitahan na rin ang dalawang aktres para maging Elsa at Nemia, pero hinihintay pa ang confirmation nila.

Inaasahang magiging bahagi rito ang original creators na sina Nora Aunor (actress), Ricky Lee (writer), at Charo Santos-Concio (producer) para sa kahalagahan ng piyesang ito sa makabagong panahon.

Aabangan natin ito sa Martes, April 21.

Habang sinusuportahan natin ito ay puwede pa ring mag-donate sa vulnerable sectors ng ating lipunan na kailangang-kailangan ng ating tulong.

Diyan, tunay na may Himala sa Bayanihan nating mga Pilipino!

GORGY RULA

Sana matuloy ito dahil asahan na nating maiiba na talaga ang mapapanood natin sa mga susunod na araw pagkatapos nitong COVID-19.

Continue reading below ↓

Marami na sa mga taga-industriya ang nagsasabing malaki ang mababago sa mga programang mapapanood natin sa TV.

Isang staff ng malaking TV network ang nagkuwento sa aming kapag ma-lift na itong Enhanced Community Quarantine, hindi pa rin kaagad magti-taping ang mga drama series.

Maaring simulan muna yung mga sa studio lang kinukunan dahil makokontrol ang mga tao, at puwede pa ring i-practice ang physical o social distancing.

Sabi pa nila, kung sakaling magti-tape na ng mga drama series, baka mabalik daw sa pagka-conservative na walang kissing scene.

Baka dayain na lang ang mga yakapan, at wala raw sigawan para makaiwas sa droplets.

May mga nag-iisip na raw ngayon ng mga bagong konsepto ng show na wala gaanong interaction sa mga tao.

Siyanga pala, nagsimula nang mag-live si Willie Revillame ng kanyang Wowowin noong Lunes, April 13.

Wala nga lang audience, kaya meron siyang segment na "Tutok to Win" para may mapapanalunan pa rin ang televiewers.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

A-List stars sina Piolo at John Lloyd kaya kaabang-abang na magkatuwang sila muli sa isang proyekto, matapos nilang pagbidahan ang pelikulang Hele sa Hiwagang Hapis (2016), na idinirek ni Lav Diaz.

Inaasahan natin ang mga pagbabago ng sistema sa mga pelikula at TV shows matapos ang community quarantine.

Siyempre, ibayong ingat dapat sina Christopher de Leon (Love Thy Woman), Iza Calzado (Ang Sa Iyo Ay Akin), at Sylvia Sanchez (Pamilya Ko) sa kani-kanyang taping ng teleserye.

Kung magso-social distancing, paano kaya ilalarawan ang init ng romansa nina Ivana Alawi at Kit Thompson sa Ang Lihim ni Ligaya?

Naku, Chayong!

Saka na natin pakalimiin iyan. Let’s cross the bridge when we get there.

Aba! Hanggang ngayon ay wala pa akong natatanggap na himala, este, ayuda mula sa aming barangay sa Makati City, ‘no?!

Hiwagang hapis talaga!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang kaabang-abang na event ang mangyayari next week dahil sa pagsasama nina Piolo Pascual (kaliwa) at John Lloyd Cruz (kanan) para sa reading ng Himala, ang 1982 award-winning film na idinirek ni Ishmael Bernal, isinulat ni Ricky Lee, at pinagbidahan ni Nora Aunor.
PHOTO/S: Noel Orsal / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results