Paolo Contis, ipinagmamalaki ang fundraiser ni LJ Reyes at ibang Kapuso mommies  

by PEP Troika
Apr 16, 2020
Ayon kay proud partner Paolo Contis (kanan), binuo ni LJ Reyes (kaliwa) ang "Project: Alalay kay Nanay" kasama ang Kapuso mommies na sina Camille Prats, Chyna Ortaleza, Chariz Solomon, Iya Villania, Pauleen Luna, at Isabel Oli.
PHOTO/S: @paolo_contis Instagram

GORGY RULA

Naiintindihan ni Paolo Contis ang pinagdaanang anxiety ng partner niyang si LJ Reyes noong mga unang araw ng quarantine.

Bilang isang ina na maliliit pa mga anak, hindi mawala kay LJ na mag-worry sa pinagdaraanan nating krisis ngayon.

Sabi ni Paolo, "Siyempre, sobrang uncertain naman yung mga nangyayari.

"Nang in-announce noong March 12, tapos noong March 14, birthday ko, dapat may trabaho pa ako, kinansel na lahat.

"Siyempre, bilang ina, I think magkakaroon talaga ng anxiety si LJ.

"Pero ngayon, I think it’s getting better."

Hindi naman daw umabot sa panic attack, kundi sadyang palaisip daw kasi si LJ.

Nakapanayam namin si Paolo sa DZRH nitong April 15, Miyerkules ng gabi.

Kuwento ni Paolo, may pinagkakaabalahan ngayon si LJ.

Kasama ng aktres ang kapwa Kapuso stars na sina Camille Prats, Chyna Ortaleza, Chariz Solomon, Iya Villania, Pauleen Luna, at Isabel Oli.

"Meron silang ginagawang fundraising. Meron sila yung Alalay kay Nanay sa Instagram at Facebook," ani Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Layunin ng "Project: Alalay Kay Nanay" na makalikom ng pondo para sa mga nanay na kinakapos sa mga pangangailangan ng kanilang mga anak.

Sabi nga raw ni LJ, karamihan sa mga ipinamimigay na relief goods ay hindi raw baby-friendly.

Kaya target ng celebrity mommies na makabuo ng relief packs na may kasamang gatas, vitamins, water, at hygiene products.

Malaking tulong daw ito para kahit papaano ay masigurong healthy ang mga nanay na nag-aalaga pa ng sanggol, pero walang sapat na pantustos sa mga ito.

Pati raw si Paolo ay handang makibahagi kung kinakailangan, para makatulong sa mga nanay na naghihirap lalo na ngayong panahon ng krisis.

Sa mga gustong tumulong sa "Project: Alalay kay Nanay," puwedeng i-deposit ang inyong cash donation sa mga sumusunod:

BDO Savings account - 002460001084

BPI Checking account - 1640002235.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Maganda itong effort ng mga nanay na artista na tugunan ang mga pangangailangan ng mga babies at mga batang anak.

Tunay namang nakaka-anxious o nakakabagabag talaga itong lockdown.

Salamat na lang sa pagtutulungan nating mga magkakababayan!

JERRY OLEA

Tuluy-tuloy ang pagtutulungan ng mga Pilipino. At marami sa artists natin ang tumutulong sa kapwa sa abot ng kanilang makakaya.

Si Aiko Melendez, katuwang ang boyfriend na si Vice Governor Jay Khonghun sa lalawigan ng Zambales.

Humingi ng tulong si Aiko sa mga kaibigang artista upang makalikom ng pondo para sa frontliners.

Si Darren Espanto, kahit nasa Canada, nag-donate ng 100 kaban ng bigas—na 25 kilo bawat kaban—para sa mga kababayan sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija.

Nagpasalamat naman ang pamunuan ng Science City of Muñoz, na hometown ng pamilya Espanto.

Sabi sa official Facebook account ng lungsod noong Abril 14, Martes ng umaga:

"Ang ating Punong Lungsod Nestor L. Alvarez ang personal na nakatanggap ng tawag mula kay Mr. and Mrs. Lyndon Espanto at ipinarating ang kagustuhan ni Mr. Darren na magpamahagi ng tulong para sa ating mga kababayan sa pamamagitan ni Ms. Corazon Valencia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi lingid sa ating kaalaman na ang Pamilya Espanto ay mula sa ating lungsod at patuloy na nagmamahal sa ating mga kababayan."

Ang kaibigan kong designer na si Ronald Mendoza Cristobal, alias Unyang, halos isang libo ang nagawang personal protective equipment (PPE) para sa mga kababayan niya sa Santa Maria, Bulacan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyempre, katuwang niya rito ang mga mananahi niya.

Pero pinatigil na siya sa paggawa ng protective gears.

Inatasan daw siyang manahi ng cadaver bags para punan ang pangangailangang ito sa kanilang lugar—bagay na nagpaluha kay Ronald.

Masakit daw isiping marami pa rin ang pumapanaw dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon pa kay Ronald, hindi niya lubos-maisip na ang talentong ipinagkaloob sa kanya ng Panginoong Diyos ay gagamitin niya sa paggawa ng cadaver bags.

Pero kung iyon ang kailangan niyang gawin para makatulong sa gitna ng krisis, ratsada si Ronald ng tahi.

Ang kanyang sigaw, “Laban, Unyang! Laban!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay proud partner Paolo Contis (kanan), binuo ni LJ Reyes (kaliwa) ang "Project: Alalay kay Nanay" kasama ang Kapuso mommies na sina Camille Prats, Chyna Ortaleza, Chariz Solomon, Iya Villania, Pauleen Luna, at Isabel Oli.
PHOTO/S: @paolo_contis Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results