Magkamag-anak na stars kelangan mag-"mouthwash" dahil sobra kung magmura

by PEP Troika
Apr 19, 2020
Shookt ang VRS (Very Reliable Source, hindi virus) ng PEP Troika nang marinig niya ang bonggang pagmumura ng magkamag-anak na celebrities. Sino sila?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Parehong beautiful ang magkamag-anak na celebrity. Unquestionable ang ganda ng nakatatanda, at ang nakababata ay maganda at mahusay sa larangan nito.

Kapwa sila sosyalin. Malinis ang imaheng ipino-project nila. Behaved sila in public. Para silang convent-bred na di-makabasag pinggan.

Kaya na-shookt AF ang VRS (very reliable source, hindi virus!) nating si Quarantina M nang marinig ang chikahan ng blood sisters minsan sa dressing room noong wala pang enhanced community quarantine sa Luzon.

“Walang binatbat si Cat Arambulo sa pamumutawi nila ng motherf*ck*rs! Sh*t sila nang sh*t!

"Kung may contest sa pagta-trash talk, sa kanila ipuputong ang korona!” bulalas ni Quarantina M.

NOEL FERRER

Dahil ba laking-ibang bansa sila kaya ganoon? O baka kailangan lang nilang magmumog with mouthwash para maging mas mabango ang mga salitang mamumutawi sa kanilang bibig?

Hayyy, tama talaga si Melanie Marquez nang sabihin niya patungkol kay Joey Marquez, “Don’t judge my brother, he’s not a book!”

Continue reading below ↓

LOL, lalo na if you’re not a judge and the book has no cover!

GORGY RULA

Maaring iba ang dating sa ibang nakarinig kapag nag-uusap sila dahil dugong-banyaga kasi sila.

Kung sa ibang bansa iyon, wala lang iyon. Palagpasin na lang natin siguro iyan. Wala silang inaagrabyadong tao, at wala silang minumura kundi expressions lang iyon na lumalabas sa bibig nila.

Naintindihan nga natin kung bakit napamura si Claudine Barretto noon, at pati si Kathryn Bernardo na napanatili pa ring wholesome ang image, di ba?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shookt ang VRS (Very Reliable Source, hindi virus) ng PEP Troika nang marinig niya ang bonggang pagmumura ng magkamag-anak na celebrities. Sino sila?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results