Batman Begins, sabay ipinalabas sa GMA-7 at ABS-CBN; sino ang panalo sa ratings?

by PEP Troika
Apr 19, 2020
Magkasabay na ipinalabas sa araw na ito, April 19, ang 2005 film na Batman Begins. Alin kaya ang pinanood ng tao? Pagandahan ba ng translation?
PHOTO/S: File/ warnerbros.com

NOEL FERRER

Paano kaya nangyaring parehong Batman Begins (2005) ang palabas sa ABS-CBN at GMA ngayong Abril 19, Linggo, ng tanghali replacing the slots of ASAP Natin ‘To and All-Out Sundays?

Pagandahan ba ito ng translation at dubbing since Tagalized version ang palabas ngayon?

And let’s see, ang kasunod na palabas, best in Zoom production numbers!

Mukhang matatagalan pa sigurong maibalik ang taping ng teleseryes kaya ang namamayagpag talaga ngayon, maliban sa reruns ng mga entertainment shows, ay ang news and public affairs.

GORGY RULA

Naunang umere ang sa GMA-7, pero ganoon na ngayon ang napapanood natin sa TV—kung hindi mga lumang pelikula, mga Koreanovela na nai-dub lang sa Tagalog.

Sa totoo lang, may ilang artistang medyo nagwu-worry na dahil ramdam nilang maaapektuhan ang trabaho pagkatapos nitong COVID-19.

Kahit mga production crew at staff ay inaasahan na nilang wala pa silang mababalikang trabaho pagkatapos ng enhanced community quarantine (ECQ).

May ilang programang limitado lang daw ang staff, at hindi pa masabi kung kailan magri-resume ng taping ang mga drama series. Kaya ang iba raw, may nga pini-pitch na mga programa na puwede pa ring ma-practice ang social distancing, konti lang ang staff na involved, at hindi mahal ang production budget.

Continue reading below ↓

Nag-iisip na raw ang ibang staff na gustong subukang mag-farming dahil mukhang back-to-basics na talaga tayo ngayon.

JERRY OLEA

Nagkataon lang iyang pagkasabay ng Batman Begins sa ABS-CBN at GMA -7.

Pareho silang may karapatan na iere iyon, apparently.

Ano kaya kung magsabay rin silang ipalabas ang Tagalized version ng unang Meteor Garden (2001) na mula sa Taiwan o ng Marimar (1994) ni Thalia?

Maraming pagbabago sa buhay natin, hindi lang sa showbiz, pagkatapos ng ECQ. Hindi na muna tayo babalik sa “normal” na nakagawian before.

Bago pagtuunan ng pansin ang industriya ng TV at pelikula, andiyan muna ang pag-aaral ng mga estudyante, at ang produksiyon ng pagkain upang maibsan ang gutom ng mga tao.

Mabuti at sa Netflix ay marami pa tayong pwedeng mapanood, luma man o bago.

Aliw ako sa unang dalawang episode ng The King: Eternal Monarch na comeback project ni Lee Min-Ho. Nakakakilig!

Ang Kapuso at Kapamilya programming, mistula na munang Jeepney Channel na ibinabalik ang mga lumang palabas.

Continue reading below ↓

Kung kumakalam ang sikmura natin, poproblemahin pa ba natin kung ano ang ending ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magkasabay na ipinalabas sa araw na ito, April 19, ang 2005 film na Batman Begins. Alin kaya ang pinanood ng tao? Pagandahan ba ng translation?
PHOTO/S: File/ warnerbros.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results