Volunteer group ni Ice Seguerra para sa COVID-19 nakaabot na sa Mindanao

by PEP Troika
Apr 19, 2020
Ang Volunteers Corps Ph na itinayo ni Ice Seguerra (foreground) para matulungan ang Quezon City sa panahon ng COVID-19 ay may grupo na sa Mindanao.
PHOTO/S: @iceseguerra on Instagram

GORGY RULA

Ang grupong Volunteers Corps Ph na pinangungunahan ni Ice Seguerra ang isa sa nabigyan ng tulong ni Bela Padilla mula sa naipon niyang donasyon para sa mga naapektuhan ng COVID-19.

Malaki ang pasasalamat ni Ice dahil tuluy-tuloy ang pagdating ng donasyon sa kanilang grupo.

Kahit kalo-launch lang nila, nakapagsimula na silang mamigay ng relief goods sa iba’t ibang barangay.

Nakaabot na hanggang sa Mindanao ang pamamahagi nila ng tulong sa mga naapektuhan ng COVID-19.

Continue reading below ↓

"Sa QC lang talaga dapat, kasi nga ang hirap lumabas sa ibang lugar, e. Pero ngayon, nakaabot na tayo sa Mindanao, sa Lanao del Norte.

"May mga volunteers tayo doon, e. Sariling sikap din sila. Naghahanap sila ng mga donation. Nakailang barangay na rin daw sila, kaya nakakatuwa,” ang pahayag ni Ice nang nakapanayam namin sa DZRH noong Sabado, April 18.

Ngayon ay patuloy pa rin si Ice sa pangangalap ng donasyon dahil ang dami pa nilang pupuntahan para mabigyan ng relief goods.

Hindi raw ganoon kadali dahil minsan ay natatanggihan raw siya.

Pero nakaka-inspire rin dahil marami ang gustong magbigay ng donasyon kahit maliit lang.

"Mahirap na hindi ang paghanap ng donasyon, kasi ang daming gustong tumulong, kaso ang problema…kaya lang, ang iba, meron ding ibang sinusuportahan na group.

"Of course, may mga na-encounter ako na nagsasabing, 'Pasensiya na, eto lang meron ako ngayon.' Pero sa totoo lang, marami pa rin, e. May mga nagbibigay ng bigas.

Continue reading below ↓

"Nakakatuwa nga, kasi, di ba, may GCash ako? Natutuwa ako na minsan, may pumapasok sa akin na fifty pesos. Alam mo iyung…nagsasabi sila na alam namin na maliit ito, pero sana, makatulong.

"Ako iyong…more than anything, whatever it is, whatever the amount, nakikita mo talaga their willingness to help and sobrang nakakataba ng puso,” ang seryoso niyang pahayag.

Ngayon ay may iba pang grupo na nakipag-affiliate sa Volunteers Corps Ph, kaya inaasahan nilang mas marami pa silang mabibigyan ng tulong.

"Ang goal kasi nito is to actually coordinate volunteers para hindi mahirapan sa mga next na deployment. 'Tapos, magti-train din tayo ng mga volunteers.

"We want to really professionalize volunteerism in the country para masasabi natin na ang mga volunteers natin, may tamang training,” dagdag niyang pahayag.

Sa mga interesadong magbigay ng donasyon sa Volunteers Corps Ph, puwedeng i-deposit sa sumusunod sa bank account:

  • BDO Rescue Recon 1 Philippines, Inc. 0037-2007-2465
  • BPI Current Account ni Cariza Seguerra 2020-001-15
  • Landbank Savings account 0237-1793-58
  • GCash ni Cariza Seguerra 09175250303
  • PayPal paypal.me/icedinoseg
Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Excited na tumawag sa akin ang kaibigang Kagawad Leklek Tumalad noong Abril 6, Lunes ng hapon, para ibalitang napili ng grupo ni Ice Seguerra ang kanilang Brgy. 754 sa Manila para bigyan ng tulong.

“Iyong Team Ice lang ang pumunta, pero naka-FB live sila at mino-monitor ni Ice ang pamamahagi nila ng ayuda,” kuwento ni Kagawad Leklek nang makausap namin nitong Abril 19, Linggo ng gabi.

Leklek Tumalak

Continue reading below ↓

Aniya, bongga ang relief goods na ipinamahagi sa senior citizens ng kanilang barangay.

"Sobrang daming laman ng Landers plastic bag,” ang sabi ni Leklek sa Facebook post niya.

"May tasty bread na talagang ikinatuwa ng mga nakatanggap.”

RELATED STORIES

Dagdag ni Kagawad Leklek, masuwerte ang kanilang barangay sa pakikipagtulungan ni Congresswoman Cristal Bagatsing sa kanilang barangay chairman na si Sonny Santos.

NOEL FERRER

Maliban kay Ice Seguerra, nariyan rin sina Bela Padilla, Angel Locsin, at Angel Aquino na may fund-raising efforts para sa specific sectors at pangangailangang dapat matugunan.

Natutuwa rin ako sa advocacy ng mga nanay na sina Chynna Ortaleza, Suzie Entrata, Camille Prats, Iya Villania na specific sa mga nanay at batang anak ang target.

Sina Marco Alcaraz at ang boyfriend ni Maja Salvador na si Rambo Nuñez ay may live workout session naman with possible donors.

Ang saya-saya lang na nagsasama lahat.

Kaya sabi ko na nga, kung lahat tayo ay nagsasama-sama lagpas sa politika, sana officially ay magsama ang President at Vice President natin sa pagpapasya at pagkilos para sa patulong sa ating mga kababayan!!! Sana!!!

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Volunteers Corps Ph na itinayo ni Ice Seguerra (foreground) para matulungan ang Quezon City sa panahon ng COVID-19 ay may grupo na sa Mindanao.
PHOTO/S: @iceseguerra on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results