Jodi, Angelica, Maja, Shaina, Nadine muling bibigyang buhay ang mga eksena sa Himala

by PEP Troika
Apr 20, 2020
(From left) Kapamilya stars Jodi Sta. Maria, Angelica Panganiban, Maja Salvador, Shaina Magdayao, and Nadine Lustre will recreate unforgettable scenes from the classic Ishamel Bernal film Himala.
PHOTO/S: Cyrus Panganiban (Jodi, Maja, Nadine) / Shaira Luna (Angelica) / Mike Atienza (Shaina)

NOEL FERRER

Tuluy na tuloy na ang Gabi ng Himala: Mga Awit at Kwento bukas, Abril 21, Martes ng 8:00 p.m.

Hosted by Ryan Agoncillo and Bianca Gonzalez-Intal, ito ay inorganisa ng ABS-CBN Film Restoration, Star Cinema, at Lockdown Cinema Club sa pakikipagtulungan sa Directors Guild of the Philippines (DGPI), Lupon ng Pilipinong Sinematograpo (LPS), at Ricky Lee Film Scriptwriting Workshop.

Continue reading below ↓

Maghahandog ng natatanging performances sina Ms. Lea Salonga, Bituin Escalante, at Aicelle Santos.

Aawit sila sa online fundraising project na ito para sa mga displaced film workers dulot ng COVID-19 pandemic.

May surprise performances mula kina Angelica Panganiban, Maja Salvador, Jodi Sta Maria, Shaina Magdayao, Nadine Lustre, Iyah Mina, at Piolo Pascual.

Continue reading below ↓

We can watch it online via the Facebook pages of Lockdown Cinema Club, Star Cinema, at ABS-CBN Film Restoration na https://www.facebook.com/filmrestorationabscbn.

GORGY RULA

Ito na nga ang isa makabagong entertainment natin ngayon.

Hindi lang kasi ito dahil sa naka-quarantine tayo, kundi mukhang tuluy-tuloy na kahit matapos na itong COVID-19.

Mukhang hindi lang pang-ECQ itong nabuong Lockdown Cinema, kundi tuluy-tuloy na ito.

Kaya malamang na masusundan pa ito ng iba pang classic films.

Kung sinimulan ito ng Himala ni Nora Aunor, baka puwedeng isunod naman ang Sister Stella L ni Vilma Santos, di ba?


Continue reading below ↓

Tiyak na maiiba na ang form of entertainment natin pagkatapos ng pinagdadaanan natin sa COVID-19.

Isa sa mga araw na ito ay malalaman natin kung ano na ang susunod na magaganap pagkatapos ng Abril 30.

Narinig ko kasing magkakaroon ng meeting ngayong hapon, April 20, ang IATF na pangungunahan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Madugo raw ang gaganaping meeting ngayong araw.

Kaya posibelng may ia-announce sila o ang ating Pangulong Rodrigo Duterte mamayang gabi.

NOEL FERRER

Award-winning filmmakers ang mga direktor ng Gabi ng Himala: Mga Awit at Kwento, as pre-recorded via Zoom.

Iba't ibang mga eksena sa klasikong obra ni yumaong Direk Ishmael Bernal ang mapapanood.

Direk Joyce Bernal directs Jodi and Piolo (eksenang ini-interview ni Orly si Elsa).

Sa isang pambihirang pagkakataon, Direk Olivia Lamasan (also Star Cinema's managing director) agreed to direct Maja (as Elsa) and Angelica (as Nimia) in one scene.

Sa unforgettable final monologue ni Elsa na "Walang himala!" iaarte ito nina Shaina as directed by Lav Diaz, Nadine as directed by Petersen Vargas, at Iyah as directed by Sigrid Andrea P. Bernardo.

Continue reading below ↓

Ayon sa batikang manunulat na si Ricky Lee, binigyan niya ng freedom ang filmmakers sa kanilang interpretasyon sa pagdidirek sa kani-kanyang artista.

Expected to appear in the LIVE Final Question and Answer portion are Ms Charo Santos-Concio, Mr. Lee, Direk Joel Lamangan (production staff of Himala), and La Aunor herself.

Send your DONATIONS for the displaced film workers here: https://bit.ly/LCCdonate

Kasama dapat si John Lloyd Cruz dito na ididirek sana ni Lav Diaz.

Pero biglang nag-back out si Lloydie, sabi ng nakausap nating involved sa proyekto.

Maghintay pa rin tayo ng susunod na pagpaparamdam ni Lloydie.

JERRY OLEA

Nakasiyam na tropeyo ang Himala (1982) sa 8th Metro Manila Film Festival, kabilang ang Best Picture, Best Director (Ishmael Bernal), Best Actress (Nora Aunor), Best Supporting Actor (Spanky Manikan), Best Supporting Actress (Gigi Dueñas), at Best Art Direction (Raquel Villavicencio).


Continue reading below ↓

Maliban sa pag-ekstra bilang pari, nagtrabaho si Joel Lamangan sa Himala bilang Assistant 2 to the Director, Crowd Director, at Caster ng mga talent.

“Naging Noranian ako dahil sa pelikulang Himala.

"Nakita ko ang husay ni Nora at ipinangako ko sa aking sarili, ididirek ko ang bulilit na ‘yan!” kuwento ni Direk Joel nang makausap namin sa cellphone nitong Abril 20, Lunes ng umaga.

Hindi pa sure si Direk Joel kung makakalahok siya sa Gabi ng Himala.

Ani Direk Joel, sinabihan niya ang DGPI President na si Paolo Villaluna na hindi siya marunong mag-Zoom.

Siyanga pala, Best Screenplay sa 8th MMFF ang Moral, na sinulat ni Ricky Lee.

Best Actor naman si Christopher de Leon para sa Haplos, kung saan katambal nito si Vilma Santos.

Noong Hulyo 1982 ipinalabas ang Regal movie na Relasyon na pinagtambalan nina Vilma at Christopher, sa direksyon ni Ishmael Bernal, at sa story and screenplay nina Ishmael Bernal, Ricky Lee, at Raquel Villavicencio.

Continue reading below ↓

Sa mga awards night noong 1983, naka-grand slam bilang best actress si Ate Vi para sa Relasyon. Oh, yes!

Setyembre 1982 ipinalabas ang pelikulang T-Bird at Ako na pinagbidahan nina Nora at Vilma, sa direksyon ni Danny Zialcita.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Kapamilya stars Jodi Sta. Maria, Angelica Panganiban, Maja Salvador, Shaina Magdayao, and Nadine Lustre will recreate unforgettable scenes from the classic Ishamel Bernal film Himala.
PHOTO/S: Cyrus Panganiban (Jodi, Maja, Nadine) / Shaira Luna (Angelica) / Mike Atienza (Shaina)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results