Official entries ng 1st Summer MMFF, posible kayang ipalabas sa December MMFF?

by PEP Troika
Apr 21, 2020
Posible kayang ang official entries ng 1st Summer Metro Manila Film Festival ay siya ring maging entries sa December filmfest?
PHOTO/S: 1st Summer MMFF entries

JERRY OLEA

Ngayong Abril 21, Martes, ang huling araw sana ng 1st Summer Metro Manila Film Festival.

Ipinagpaliban iyon matapos ideklara ang community quarantine sa NCR dahil sa COVID-19 pandemic.

May suggestion noon na ilipat sa Hunyo ang 1st Summer MMFF, in time for the celebration of Independence Day.

Pero may mga kumontra dahil nakalaan na raw ang sinehan sa Hunyo para sa Wonder Woman 1984 ni Gal Gadot.

Sa takbo ng mga pangyayari, magkakaroon ng malaking pagbabago sa paggawa ng pelikula at TV show matapos ang community quarantine.

Inaasahang ipapairal pa rin ang social distancing.

Siyempre, hindi muna priority ang paggawa ng mga bagong pelikula.

Ano kaya kung iyong official entries ng 1st Summer MMFF ay ipalabas na lang sa 46th MMFF sa December?

Ang host ng 1st Summer MMFF at 46th MMFF ay ang Quezon City, sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte.

Kabilang sa walong entries ng 1st Summer MMFF ang Tagpuan nina Iza Calzado, Alfred Vargas, at Shaina Magdayao, at ang Coming Home nina Sylvia Sanchez at Jinggoy Estrada.

Continue reading below ↓

Ang anim pang napiling kalahok dito ay Love or Money (Angelica Panganiban at Coco Martin), A Hard Day (Dingdong Dantes at John Arcilla), Isa Pang Bahaghari (Nora Aunor at Phillip Salvador), Love The Way You Lie (Alex Gonzaga at Xian Lim), The Missing (Ritz Azul at Joseph Marco), at Ngayon Kaya (Paulo Avelino at Janine Gutierrez).

NOEL FERRER

With social distancing, paano kaya ang mga sinehan? Two meters away rin ba ang moviegoers?

Mas mahalagang tanong: May pera ba ang mga tao, o kung may pera man, gagamitin na nila ito sa panonood na ng sine?

Gaano kahanda ang mga mall/cinema owners sa safety at hygiene ng mga sinehan natin?

Isang malaking HAYYYYYYY na muna ang reaksiyon ko rito.

Ako rin, nagtatanong, paano na ang local film o entertainmemt industry in general?

Nakakalungkot!

GORGY RULA

Ngayon pa lang ay ikondisyon na nating hindi muna ma-prioritize ng mga tao ang mga pelikula.

Continue reading below ↓

Sabi ng ilang nakakausap ko, kung sakaling ma-lift na ang ECQ, lilimitahan pa rin nila ang paglalabas.

Kaya sa bahay pa rin sila manonood ng sine.

Kahit sa TV ay mas interesado silang subaybayan ang news kesa sa mga teleserye na keber ba nila kung babalik pa o hindi.

Kahit ang ibang mga taga-TV ay kinukundisyon na rin ng ibang staff na maaaring wala muna silang show ngayon.

Sabi nga ni Angelika dela Cruz, nasa "no work no pay" pa siyang kategorya bilang artista.

Hindi rin niya alam kung may gagawin ba siyang teleserye, bukod sa Daddy’s Gurl na regular program niya.

Lalo na siguro sa pelikula.

Nasa limbo pa ang lahat kung may bagong pelikula bang isu-shoot o wala na.

Kung tatagal pa itong pakikipaglaban natin sa COVID-19, tiyak na apektado ang Metro Manila Film Festival sa darating na December.

Tiyak na hindi ito kagaya ng mga nakaraang taon.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Posible kayang ang official entries ng 1st Summer Metro Manila Film Festival ay siya ring maging entries sa December filmfest?
PHOTO/S: 1st Summer MMFF entries
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results