Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Donation drive ni Maine Mendoza, patuloy sa pamimigay ng isang libong piso sa mga nangangailangan

by PEP Troika
Apr 21, 2020
Mahigit isang buwan nang namimigay si Maine Mendoza ng tig-isang libo sa mga humihingi ng tulong sa kanya.
PHOTO/S: Mark Nicdao

GORGY RULA

Natutuwang ikinuwento ni Rams David ng Triple A sa PEP Troika na, hanggang ngayon, tuluy-tuloy pa rin ang pagdating ng donasyon para sa "donation drive" na inilunsad ni Maine Mendoza.

Layunin nitong makapagbigay ng financial assistance na isang libong piso para sa mga nangangailangan.

Hindi ito mula sa fake account ni Maine, kundi in-announce ito ng Eat Bulaga! host sa kanyang official Facebook account na inilunsad niya noong nakaraang buwan.

Magmula noon ay dagsa ang mga humingi ng tulong sa pamamagitan ng email address nitong theDonationdrive@gmail.com.

Isa sa nakatanggap ng isang libong piso ay ang younger sister ng kaibigan naming si Ogie Narvaez-Rodriguez.

Hindi raw siya fan ni Maine o ng AlDub.

Sinubukan lang daw niyang mag-email nang nakita niya ito sa FB account ni Maine.

Pagkalipas ng isang linggo, nakatanggap siya ng message na puwede na niyang makuha sa G Cash ang isang libong ayuda mula kay Maine.

Continue reading below ↓

Mahigit isang buwan nang namimigay si Maine ng tig-isang libo sa mga humihingi ng tulong sa kanya.

Nilinaw nilang hindi ito para sa fans ni Maine, kundi para sa lahat na tingin nila ay nangangailangan talaga.

Hangga’t may natatanggap donasyon si Maine ay patuloy pa rin siya sa pamimigay ng financial assistance.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Karamihan sa mga donasyong nagpapadala kay Maine ay mula sa fans niya sa ibang bansa at sa sponsors.

Sa mga gustong humingi ng tulong sa donation drive ni Maine, puwede ninyong i-check sa official Facebook account ng Kapuso star.

JERRY OLEA

Sa mga hihingi ng tulong, doon po kayo makipag-alam sa sa official FB account ni Maine.

Meron kasing mga pekeng account at pekeng promo ng scammer, kaya mag-ingat po kayo.

Meron ding mga poser nina Vice Ganda at Marian Rivera na nang-i-scam din.

Napanood ko si Willie Revillame sa Wowowin nitong Abril 20, Lunes, na meron ding ganoong scam na ginagamit ang kanyang TV program.

Continue reading below ↓

Sabi ni Willie, huwag maniwala sa nagpapakalat na kesyo live ang Wowowin kung Sabado at Linggo.

NOEL FERRER

Hanga ako sa mga taong tuluyang nagbibigay ng tulong para sa nangangailangan nating mga kababayan!

Marami silang patuloy na tumutulong pa.

Nakakaiyak actually... Hanggang kailan pa kaya ito?

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mahigit isang buwan nang namimigay si Maine Mendoza ng tig-isang libo sa mga humihingi ng tulong sa kanya.
PHOTO/S: Mark Nicdao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results