Julie Anne San Jose, tama ang desisyong mag-focus muna sa singing career

by PEP Troika
Apr 24, 2020
Julie Ann San Jose, umariba ang bagong single na "Better" sa gitna ng enforced quarantine.
PHOTO/S: BOLICHIE SUZARA

GORGY RULA

Kaagad na nag-trending ang bagong single ni Julie Anne San Jose na "Better," na kari-release lang ngayong Biyernes, Abril 24.

Hindi lang dito sa Pilipinas sa iTunes at Spotify nag-trending ang bagong release niyang single, kundi pati sa ibang bansa gaya ng Singapore, Thailand, Vietnam, Indonesia, at iba pang Asian countries.

Napasama na kasi agad itong "Better" sa Spotify New Music Friday playlist ng mga naturang bansa.

Sa Pilipinas, si Julie Anne ang face of Spotify New Music Friday playlist, at nasa banner na rin ng Spotify PH homepage.

Kaya malaki ang pasasalamat ni Julie Anne sa fans niyang todo ang suporta sa unang araw pa lang ng release ng "Better.

Chill ang tunog, pero may hugot ang lyrics ng kanta ng 25-year-old Kapuso star.

Continue reading below ↓

Tama ang desisyon niyang sa music na muna siya mag-focus.

Meron pa siyang album kung saan may collaboration siya sa iba’t ibang singers, na ang iba’y itinuturing nang legend sa music industry.

Sobrang kina-career ito ni Julie Anne ngayon, pero nadi-delay lang dahil sa enhanced community quarantine.

Nagpapasalamat siyang nai-release pa niya itong single niyang "Better."

Marami sa supporters ni Julie Anne ang nagri-request na magkaroon na rin siya ng sariling live streaming concert.

Pero gusto muna ni Julie Anne mag-focus sa promo ng bagong single niya, kahit online lang muna.

Pero nakasama na rin daw siya sa iba’t ibang live streaming musical show gaya ng sa Lazada, Universal Records, at sa Healing Hearts ng GMA Artist Center.

Lahat ng yun ay para sa ating mga frontliners at mga naapektuhan ng COVID-19.

JERRY OLEA

Better na pagtuunan ni Julie Anne ang singing career.

Matapos man ang ECQ ay hindi agad makaaariba ang industriya ng TV at pelikula, kaya better na mag-focus siya sa paghasa sa kanyang musika.

Continue reading below ↓

Better luck, Julie Anne!

NOEL FERRER

Ito na ba ang magluluklok kay Julie Anne sa kanyang puwesto sa showbiz after several attempts at making it big time?

The Viral Star, The Pandemic Idol, or The Quarantine Diva?

Ano kaya ang relevant title for Julie Anne?

Is she really BETTER? She BETTER be.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julie Ann San Jose, umariba ang bagong single na "Better" sa gitna ng enforced quarantine.
PHOTO/S: BOLICHIE SUZARA
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results